CHAPTER 09

1.4K 32 2
                                    

Amara

NAGISING ako ng may maramdaman akong nakahawak sa kamay ko. Nang tignan ko ito medyo nagulat pako dahil si Zyron lang pala. Hawak hawak nito ang kamay ko habang natutulog siya.

Pinagmasdan ko naman siya at napangiti na lang. Ang cute niya matulog. Ang gwapo niya parin kahit tulog. Hindi ko naman sinasadya naigalaw ang kamay kong hawak niya kaya nagising siya.

"Good morning, nagising ba kita?" Nahihiyang sambit ko ngumiti naman siya sakin. "Good morning mayo sol, no." Nakangiting tugon niya at umayos na upo hindi niya parin binibitawan yung kamay ko.

"How's your feeling?" Dahil sa tanong niya naalala ko naman kung ano ang nangyare kahapon, nilagnat nga pala ako.

"Ok nako." Sagot ko alam ko ring umaga na dahil sa nanggagaling na sikat ng araw sa bintana. "No, mainit ka parin." Ani niya pagkatapos kapain ang noo at leeg ko.

Napatingin naman kami sa may pintuan ng clinic ng bumukas ito pumasok naman sila Zeus, Zack at Zaki. Sabay sabay pa silang napatingin sakin at lumapit.

"Are you ok sunshine?" Zaki.

"Do you feel something hurt mi amor?" Zack.

"Do want something my kitty?" Zeus

Sabay sabay na wika nila ng makalapit sila sakin. Napakurap kurap pako dahil sa mga tawag nila sakin like hello may pangalan ako.

"Ikalma niyo lang, ok nako, wala akong nararamdaman masakit, wala akong kailangan at higit sa lahat may pangalan ako wag niyo akong tawagin ng kung ano ano." Kalmadong wika ko.

Sabay sabay naman silang apat na tumawa. "I guess your ok, nagagawa mo ng magsungit ehh." Ani ni zaki.

Napatigil naman silang lahat sa pagtawa ng marinig nila yung tiyan kong tumunog. Nahihiya naman akong nagiwas ng tingin.

"Fuck, you haven't eaten since yesterday." Inis naman ngayon na ani ni Zack. Ano bang nangyayare sa kanila? At'saka bakit sila andito?

Napatingin naman kaming lahat sa bukana ng pinto ng bumukas ito at iniluwal nito sila Alora kasama na ang buong kaibigan ni nila Zeus.

"Gising kana pala, Amara." Ani ni Alora nang makita niya akong nakaupo tumango lang ako dahil medyo nahihilo parin ako.

"That's why you were grumpy yesterday because you were feeling bad." Sambit naman ni Kyuso at umupo sila sa may sofa rito. "Pasensya na." Ani ko kahit na hindi naman yung ang dahilan.

"We have food for you." Wika naman ni Clarence at inabot ito sakin kukunin ko na sana ito ng maunahan ako ni Zeus.

"Let me." Ani niya at binuksan yung mga dala nila Rho. "A-ako na." Ani ko at kukunin na sana yung kutsara kaso inilayo niya ito sakin. Susubuan niya kase sana ako pero hindi naman ako baldado.

"Let me feed you." Blangkong ani niya parang kanina lang ngumiti siya ah. "Kaya ko naman, hindi ako baldado." Inis na wika ko pero nagpumilit parin siya kaya hinayaan ko na lang.

Ngumanga naman ako ng sinubuan ako ni Zeus nakatingin lang sila samin kaya naiilang ako. "Bakit ba hindi ka kumain kahapon?" Napatingin ako kay Alora ng nagtanong ito.

"Diet ka?" Sunod naman na tanong ni clarence. "Oo" sinungaling na sagot ko kahit hindi naman talaga. "Ano goal mo?" Sa pagkakataong to si premo naman ang nag tanong.

"Mamatay." Halos humagalpak ako ng sabay sabay nila akong sinamaan ng tingin pati na rin sila zaki. Nakita ko pang umigting ang mga panga nila.

"Don't say that!" Inis na wika ni Zack pero tumawa lang ako. "If you just want to kill yourself, that's not what you should do, you should jump from the 15th floor." Sabay naman na binatukan ni Rho at Kyuso si Clarence dahil sa sinabi niya.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon