CHAPTER 46

1K 22 1
                                    

Amara

NGAYONG araw kami ni Zy mag dadate. Hindi ko pa alam kong saan nga ba kami pupunta. Hinihintay ko na lang siya rito sa dorm ko dahil ang sabi niya ay susunduin niya ako rito. Nakapag ayos naman na ako.

Nagsuot lang ako ng simpleng floral dress na kulay pink. Gumamit rin ako ng maliit na shoulder bag. Dali dali akong nagtungo sa pinto ng may kumatok. Pagkabukas nito at napangiti ako ganon rin si Zy.

"Are you ready?" Nakangiting tanong niya tumango naman ako sa kaniya kaya lumabas na ako ng dorm at nilock ito. Naglakad na kami papunta sa elevator, "Hmm Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya pinagsaklob niya naman ang palad namin.

"We're do you want to go?" Tanong niya sakin. Ang gwapo niya ngayon, naka hoodie siya at kulay itim na pans, white na sapatos. Ang simple ng suot niya ngayon pero litaw na litaw ang kagwapohan niya.

"Hmm, Tara sa palawan?" Sabi ko, "Ok, we will go to palawan." Napangiti naman ako sa sagot niya at muling tumingin sa daan.

"Aba aba, san punta natin, ha?" Pinaningkitan kami ni Alora ng tingin. Pagkabukas kase ng elevator kanina ay nakita namin siya sa loob na mag isa. "We have a date." Sagot ni Zy at wagas kong makangiti.

"Tskk, sana ako rin. Btw ingat kayo. Zy, take care of my girl." Napangiti naman ako sa sinabi ni Alora tumango lang si Zy kaya pumasok na kami sa elevator. Kinawayan ko naman si Alora bago magsara ang elevator.

"Alam ba nila, Zeus na mag dadate tayo?" Biglang tanong ko Kay Zy. "No, kung sasabihin ko malamang ay sasama sila. Di hindi na kita masusulo." Natawa naman ako ng mahina sa naging sagot niya.

"Paniguradong lagot ako sa tatlo mamaya. But it's fine, basta nasulo kita." Kinindatan niya ako kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Kay aga aga nag papakilig. Natawa lang naman siya sa ginawa ko.

Pagkabukas ng elevator ay agad kaming umalis ng dorm building at nagpunta kami sa parking lot. Pagkarating namin ay agad kaming sumakay ng kotse niya. Agad niya rin itong pinaandar paalis ng school.

Ilang minuto na kaming bumabyahe hanggang sa may nadaanan kaming dagat. Napadungaw ako sa bintana at nilanghap ang simoy ng hangin. Ang ganda ng lugar na nadadaanan namin.

Natigilan naman ako ng bigla na lang gumalaw yung bubong ng kotse. Napaayos ako ng upo at tumingin kay Zy na nakangiti habang nag mamaneho. Nang tumingala ako ay wala ng bubong ang sasakyan. Hindi naman masiyadong mainit dahil papalapit na rin ang holiday season.

Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko at tumingin sa taas sabay pikit ng mata. Nagsisigaw ako kaya rinig ko ang pagtawa ni Zy. Hindi ko na lang siya pinansin at inenjoy ang view.

"Damn, your so beautiful." Namula naman ako dahil sa sinabi niya. "San mo gustong una nating pasiyalan?" Nakangiting tanong niya sakin at saglit akong binalingan ng tingin.

"Sa Puerto Princesa, sa may underground rever, pwede bang don tayo pumunta?" Excited na tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya ng mahina, "Of course, we will go their."

Napatingin naman ako sa kaniya ng bigla niyang i on yung music. At ang tugtog ay 'palagi by tj monterde'. Dinamdam lang namin yung kanta.

"Ngunit sa huli palagi." Pagsabay sa kanta ni Zy kaya napatingin ako sa kaniya. Nakafucos parin ito sa pagmamaneho habang nakangiti. Kanina ko pa napapansin na ngiting ngiti siya. Ang ganda rin ng boses niya.

"Babalik pa rin sa yakap mo" saglit niya akong tinapunan ng tingin. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya.

"Hanggang sa huli palagi
Pipiliin kong maging sa'yo." Tinitigan ko lang siya habang kumakanta siya. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko dahil sa boses niya.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon