CHAPTER 13

1.2K 28 6
                                    

Amara

INIS akong bumaba sa bus dahil nakarating na rin kami dito sa cebu. Patuloy parin akong kinakausap ni Zack pero hindi ko siya pinansin.

"Mi amor, pay attention to me plss." Rinig ko ani niya at hinawakan pa yung kamay ko pero tinabig ko ito at hindi siya pinansin.

Nakita ko naman si dean na tapos ng kausapin yung namamahala sa camping site nato.

"Ok guys, that's our side and on the other side is another school, so you can't go or set up a tent there." Ani ni dean kaya naman naglakad na kami papunta sa sinasabi ni dean. Malawak na patag ang meron dito marami din ang mga bulaklak na meron.

Nagsimula na kaming maglakad ni Alora pero napatigil ako ng may kumuha sa maletang hawak hawak ko. "I will lift it." Ani ni Zack pero kinuha ko ito.

"Ako na, kaya ko." Malamig na wika ko pero nagpumilit parin siya. "Ako na nga diba, pwede ba hayaan mo na ako." Inis na wika ko sa kaniya.

"No,the weight of the suitcase is enough for me. Ok I'm sorry love we won't do that again I promise." Malumanay na wika niya nahuhuli na kaming lima dahil sa pagpupumilit nila na sila na ang magbuhat ng mga gamit ko.

"Galit ako sa inyo. Hinding hindi ko kayo papansining apat hanggang hindi tayo nakakauwi." Bulyaw ko at mabilis na naglakad hinayaan ko na lang na sila na ang magbuhat ng mga gamit ko.

Nakita ko pa na nalatigil sila. "Mga putangina niyong tatlo dinamay niyo pako sa kasalanan niyo." Napatigil naman ako dahil sa narinig kong nagtagalog si Zeus inis na inis ito.

Napabungisngis naman ako dahil don. Ang cute niya mag tagalog. Nang maabutan ko si Alora kinuha ko naman yung tent na buhat buhat niya dahil wala na akong buhat buhat para na din mabawasan ang mga dinadala niya.

"Saya mo ah." Nakangising wika niya tumawa naman ako. "Narinig ko kaseng nagtagalog si Zeus." Natatawang ani ko napailing iling naman siya.

"Alam mo bang ngayon lang siya nagtagalog." Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya. "Talaga ba?" Hindi makapaniwalang wika ko tumango naman siya.

"Amara." Nakatingin naman ako sa kaniya dahil ang seryoso niya magsalita. "Mag iingat ka sa kanina ah, sabihin mo rin sakin kung sinasaktan ka nila." Napakunot naman ako dahil sa mga sinabi niya.

"Bakit naman?" Umiling naman siya. "Basta." Ani niya at hindi na muling nagsalita kahit na nagtataka parin ako pinagpatuloy ko na lang ulit ang maglakad.

"Alora, Amara dito!" Napatingin naman kami kila Kyuso dahil sa sumigaw siya. Lumapit naman kami sa kanina.

"Dito na tayo mag tayo ng tent, sabi ni dean kanina pwede raw magtabi ng mga tent kahit hindi mag kaklase." Wika naman ni Rence.

Kaya nagsimula na kaming mag tayo ng mga tent namin ginawa naming pabilog yung mga pwesto ng tent namin para magandang tignan.

"Mi amor." Zack

"Sunshine." Zaki

"Mayo sol." Zy

"My kitty." Zeus

Sabay sabay na ani nila habang merong nagmamakaawang mukha. Blangko parin yung mga mata ni Zeus pero nakikita ko ang pasusumamo rito.

"Paki baba na lang diyan yung mga gamit ko, salamat." Malamig na ani ko habang tinutulungan si Alora na magtayo ng tent.

Binaba naman nila pero hindi parin sila umaalis. "May LQ ata kayong lima." Sambit ni Kyuso kaya napatingin ang lahat samin maliban lang don sa ibang studyante na medyo malayo sa pwesto namin.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon