CHAPTER 44

1.1K 24 2
                                    

Amara / Philomena

IT'S been a month simula nong malaman kong ako ang nawawalang anak nila Mommy Laura. Simula non parang ayaw na akong iwanan nila Kuya Lincoln pero dahil nga may apat akong manliligaw hindi sila pumayag haha.

Alam na rin nila Alora, gulat na gulat nga silang lahat at hindi rin makapaniwala pero masaya naman raw sila. Tuwing linggo rin ay sinusunod ako nila Kuya Lincoln para ipasiyal ako. Syempre hindi pumayag yung apat kaya sumama rin sila.

Para nga akong nagaalaga ng mga bata pag magkakasama kami ehh. Anyways, andito ako sa dorm ko ngayon, linggo ngayong araw. Hindi ko alam kong aalis ba kami ngayon kase hindi naman nila sinasabi.

Habang nakaupo ako sa sofa ay bigla na lang tumunog yung telepono na bigay sakin ni zaki. Kinuha ko ito at sinagot. "Hello" Sabi ko sa kabilang linya.

"Hey, baby philo." Si Kuya Lincoln lang pala. "Bakit ka napatawag Kuya?" Tanong ko.

"Susunduin ka namin later, prepare ka ng gamit mo. Pupunta tayong beach." Sabi niya kaya napaayos naman ako ng upo.

"Sa beach kuya? Sige sige." Excited na sabi ko rinig ko naman na tumawa siya sa kabilang linya. "Yes, I go now. Prepare your things na." Sabi niya kaya naman nagpaalam na kami sa isa't isa.

Pagkababa niya ng telepono ay agad kung kinuha yung bag pack ko at kumuha ng ilang mga damit sa kabinet. Habang nag aayos ako ng gamit at bigla na lang may kumatok sa pinto kaya pinuntahan ko ito at binuksan.

"Hi! Mayo sol." Bungad sakin ni Zy at kumaway pa nga. Asa likod niya naman sina Zack, Zaki at Zeus na kapwa nakangiti sakin. Ano ginagawa nila rito?

"Hello." Sabi ko at pinapasok sila sa loob. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila at tinuloy ang pag aayos ng gamit.

"Nothing, gusto ka lang naman makita at makasama." Rinig kong sagot ni Zaki. "We're are you going? Bakit ka nag iimpake ng gamit?" Tanong ni Zack. Humarap naman ako sa kanila.

"Hmm, beach." Sagot ko, napansin ko naman na sumeryoso ang mukha nila. "Sino kasama mo?" Tanong ni Zack at nag kruss-arm pa. Ngumiti naman ako sa kanila ng malapad. Pansin ko naman ang paglambot ng mukha nila pero hindi nila yun pinapahalata sakin.

"Sila kuya." Nakangiting sagot ko at tumingin sa kanila. "That bastard." Inis na sabi ni Zaki. "We will come." Seryosong Sabi ni Zy. Kaya ngumiti naman ako sa kanila at tumango.

"Tsk, I will gonna break that man arms." Inis na sabi ni Zaki. Sa nakaraang buwan ay laging nag tatalo si Zaki at Kuya Lincoln. Lagi silang nagbabangayan tuwing nagkikita sila. Hindi ko naman alam kung bakit mainit ang ulo nila sa isa't isa.

•••••


ANDITO kami ngayon sa gate ng school hinihintay sila Kuya Lincoln. Hindi lang ako nag iisa dahil kasama ko silang lahat. As in lahat, pati sila Kyuso at Alora ay kasama. Nakasalubong namin sila kanina kaya nong nalaman nilang pupunta kaming beach ay nagmadali silang kumuha ng gamit nila.

Sigurado akong lagot ako nito kila Kuya. Hindi namin kasama sila Rence at Premo ngayon siguro kasama nila sila Kuya. Napanguso na lang ako samantalang yung mga kasama ko ngiti ng ngiti. Maliban nga lang may Zeus at Zack na wala na naman emosyon ang mukhat at nakakunot pa ng noo.

May natatanam naman akong kulay white na van na papalapit samin. Sure akong sila kuya na yon. Tumigil ang van sa mismong harap namin at bumaba sa sila Kuya na naka kunot ang noo.

"Bakit andito ang mga yan?" Tanong ni Kuya Percy. Nako lagot talaga ako nito. Napansin ko naman si Kuya Lincoln na masama ang tingin kay Zaki ganon rin naman si Zaki.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon