CHAPTER 51

981 19 0
                                    

Amara

NAGISING ako dahil sa ingay ng mga lalaking kumuha samin. Pagmulat ko ng mata ko ay bumungad sakin ang mga iilang lalaki na nagsusugal samantalang yung iba naman ay nag kukumpulan sa isang gilid parang nanonood ng kung ano pero rinig na rinig ko ang ungol ng isang babae. Hindi ko alam kong anong pinapanood nila.

Samantalang sa kabila naman ay mga lalaking nanonood sa tv. Rinig na rinig ko rin ang boses ni Dora. Eh? Dora? Nanonood ng Dora yung mga kidnaper? Seryoso ba?

"Oi gising na si kokey!." Napatingin ako sa isang lalaki na nanonood sa tv. Dahil sa sinabi niya ay napatingin sakin ang lahat. Halos magkasalubong na yong kilay ko dahil sa tinawag sakin nong lalaki. Kilala ko si kokey!

Sisigaw na sana ako ng mapagtanto ko kong ano ang kalagayan ko ngayon. Takte! Nakalutang ako! Nakakadena ang dalawang paa ko habang yong dalawang kamay ko naman ay nakakadena rin!. Nakabukaka pa yong paa ko! Humanda sakin ang may gawa nito.

Naramdaman ko rin na may mabigat na bagay sa leeg ko. Nang tignan ko ito ay kadena din na nakakonekta sa itaas. Buti na lang at hindi ako nasasakal. Nang libutin ko ulit ang paningin ko ay napanganga na lang ako ng makita ko sila mommy at ang iba pa na nakakadena rin.

Nakapalibot kaming lahat dito sa kwartong ito. Lahat sila ay nakayuko siguro wala paring malay. Mga walang puso! Bakit ganto ang ginawa nila samin? Mas ok na sana yung nakatali kami sa upuan hindi yong ginawa nila kaming display sa museum.

"Hoy mga gago!" Inis na sigaw ko napatingin naman silang lahat sakin. "Walang hiya kayo! Pakawalan niyo kami rito!" Sigaw ko muli at nagpumiglas. Tumunog naman ng malakas yung mga kadenang nakakabit sakin.

"Miss kokey! Wag kang maingay! Kita mo namang busy kaming lahat diba!" Sigaw rin nong isang lalaki at bumalik ang tingin sa loptop. Alam ko na kung ano ang pinapanood nila. Mga malalaswang video! Hindi ba sila nandidiri.

"Wala akong pake alam. Hindi kami display sa museum kaya pakawalan niyo kaming lahat!" Sigaw ko. May tumapat naman sakin na lalaki. Dahil nga sa pwede mataas ako ay tumingala ito. "Mananahimik ka o ikaw ang uungol hindi ang nasa video na yon!" Aniya nong lalaki bigla naman akong napatikom ng bibig dahil alam ko ang ibig niyang sabihin.

Bastos!

Napangisi naman siya dahil sa ginawa ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang naglalakad nito pabalik sa mga kasama niya. Bigla namang may dumating na lalaki kaya agad na tumayo yung mga nagsusugal, nanonood ng Dora at nanonood ng malaswang video. Mukhang siya ang Leader nila.

"Gising na pala ang babaeng ito." Nangilabot ako dahil sa lamig ng boses nong lalaking mukhang leader nila. Sabay sabay na napalunok ang mga ibang mga lalaki.

"Yes boss." Sagot nong isa. "Tawagin niyo na si master. Sabihin niyong gising na ang babae ng quadruplets na santillian." Aniya muli nong lalaki at tumingin sakin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nakasuot ito ng maskara.

Napakunot noo naman ako ng dahil parang pamilyar sakin ang mga tingin na yon at ang mga mata niya. Umiwas siya sakin ng tingin at naglakad bago naupo sa isang sofa na kaharap ko lang. "Ano bang kailangan niyo samin? Sino ba kayo?" Malumanay na tanong ko muli naman siyang tumingin sakin.

"Wala kaming kailangan sa inyo, ang mga ama niyo ang kailangan namin. Lalong lalo na ang mga santillian!" Malamig na sabi niya. Habang mariit siyang nakatingin sakin.

Kila tito? Ano naman ang kailangan nila sa mga santillian? Napatingin naman ako sa isang lalaki na lumapit sa kaniya. "Boss, paparating na raw po ang master." Rinig kong sabi nong lalaki. Tumango naman yung boss na tinatawag nila.

Tinignan niya muna ako bago umalis. Pagkaalis niya at nagsibalik silang lahat sa dati nilang ginagawa. Sinubukan ko naman na magpumiglas ulit pero wala talaga akong napapala. Napatingin naman ako kay Alora dahil siya ang malapit sakin.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon