CHAPTER 32

1.1K 24 2
                                    

Amara

NAGISING ako ng maramdaman ko ang malambot na kama sa likoran ko. Unti unti kong minulat yung mata ko at bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Zack. "Good morning Mi amor." Nakangiting wika niya pero inaantok parin ako. Humikab ako at nagsumiksik sa kama dahil ang lambot talaga.

"Damn fucking cute." Rinig kong anas niya at hinalikan yung noo ko. "Wake up now my precious gem." Malambing na turan niya ulit kaya dahan dahan akong bumangon kahit na inaantok parin ako. "Anong oras naba?" Inaantok na turan ko at humikab ulit.

"It's already 11 am." Sagot niya kaya tumango tango ako. "Asan na tayo?" Muli kong tanong ng mapansin kong parang nasa isa kaming kwarto, malinis naman at maganda yon nga lang puro kulay puti. "Where here in our rest house, Mi amor." Sagot niya kaya para akong nagising, andito na kami mabilis naman ata.

"T-talaga? Bakit ambilis naman?" Takang tanong ko sa kaniya, hinawakan naman niya yung pisnge ko. "No mi amor, ang sarap lang talaga ng tulog mo kanina." Muling sagot niya sakin at hinalikan ako sa labi, napanguso na lang ako pero muli niya na naman akong hinalikan.

"Asan sila Zeus?" Tanong ko ng mapansin kong wala sila rito. Saan naman kaya yung tatlong ugok na yon? "Asa baba silang lahat hinahanda na ung mga kakainin natin mamaya." Muling sagot niya kaya napatango tango na lang ako.

"Halika na sa baba, para makakain kana rin." Wika niya kaya tumango ako, inalalayan niya naman akong bumangon sa kama at naglakad na kami papunta sa baba. Nakalingkis yung matipuno niyang braso sa maliit kong bewang kaya ang lapit lapit ng katawan namin sa isa't isa. Nalalanghap ko yong panglalaking amoy niya pero hindi yun masakit sa ilong ang bango bango nga niya ehh.

Nang makababa kami wala kaming nadatnan ni isang tao sa sala kaya lumabas kami ng rest house at nabungaran namin silang lahat dito sa labas. Paglabas mo ng pinto may makikita ka agad na malaking swimming pool at malawak na parang cottage may mga buko rin na nakapaligid. Lahat sila may ginagawa pero hindi ko nakita sila Zeus, Zaki at Zy.

"Gising kana pala iha." Turan ni Tita Laura ng mapansin niya kami ni Zack kaya ngumiti ko. "Opo tita." Nakangiting sagot ko kaya naglakad kami ni Zack palapit sa kanila. "Mom where's Zeus, Zaki and Zy?" Kunot noong tanong ni Zack kaya napatingin samin si tita Zarina tumingin siya sakin saglit at nginitian ako.

"Naghahanap sila ng kahoy diyan o sa may malapit na gubat, mag bobonfire kase tayo mamayang gabi." Sagot ni tita Zarina kaya tumango si Zack. "Son, can you help me doing this?" Napatingin ako kay Tito Lance ng tawagin niya si Zack isa siya sa mga asawa ni Tita Zarina. Siya yung palangiti at may dimple din sa pisnge, sa kaniya siguro nag mana si Zy.

Yung pangalawang asawa naman ni Tita Zarina yung malamig ang mata ay si Tito Lucifer, sa kaniya naman nagmana si Zeus na malamig rin ang mata at minsan lang kung ngumit. Yung pangatlo naman ay si Tito Louis yung palaging nakakunot ang noo at parang sinalo niya lahat ng problema sa mundo, kaniya nagmana si Zack na mainitin ang ulo at nakakunot rin lagi ang noo. Si Zaki iwan ko kung kanino nag mana, siguro kay Tita Zarina o kaya naman naghalo yung ugali nila Tito Louis at Tito Lance.

"Of course dad." Turan rin ni Zack iniwan muna ako sandali ni Zack kaya tumulong na rin ako kila Alora na mag hiwa ng mga gulay. "Mahal muna ba sila, Amara?" Kinikilig na tanong ni Claire at tinulak tulak pako. "Ha? Sino?" Takang tanong ko hinampas naman ako ni Alora ng mahina.

"Maang maangan lang ang peg mo? Sino paba edi yung mga gwapo mong manliligaw kuno? Ikaw a hindi kana nag kwekwento sakin, nakakatampo." Nakabusangot na turan ni Alora kaya tinaasan ko siya ng kilay, anong akala niya nakalimutan ko na yung paglihim niya sakin ng totoo niyang apelyido?

"Hindi lang naman ako ang nakakatampo a. Ikaw kaya yung nauna di mo man lang sinabi sakin na pinsan mo pala si Cooper. Ang daya mo." Nakasimangot na turan ko rin kaya nagkamot ulo siya. "Oo nga pala, sorry Amara hindi ko kase ugaling sabihin sa iba ehh. Sasabihin ko naman dapat sayo pinangunahan lang ako ni mommy." Pagpapaliwanag niya, naintindihan ko naman siya ehh kaya ok lang, nagdradrama lang talaga ako sa kaniya.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon