CHAPTER 36

1K 23 1
                                    

Alora

NAGTATAKA kaming lahat ng andito sa room dahil sa biglang pagtakbo ni Amara at hindi man lang niya pinulot yung nahulog na cellphone niya. Pinulot ko ito at nilagay sa bulsa ko. Ano kayang nangyare sa kaniya? Bakit parang nagmamadali siyang umalis at iniwan niya pa yung exam namin? Galit na galit si pructor dahil sa ginawa niya.

May nangyare bang masama? Pagkatapos naming itake yung isang last na exam lumabas nako at dala dala ko rin yung mga gamit ni Amara. Hindi namin kasama kanina si Zy kase pinatawag siya kanina ni dean hanggang ngayon wala pa rin siya, hindi na rin siya naka take ng last exam.

Nagpunta ako sa story house namin, at naabutan ko silang lahat dito maliban lang sa quadruplets. Naupo naman ako sa bakanteng sofa. "Asan si Amara? Bakit hawak mo mga gamit niya?" Tanong ni Kyuso, inirapan ko naman siya.

"Hindi ko alam, bigla na lang kase siyang umalis kanina habang nag eexam kami. May biglang tumawag pagkatapos non bigla na lang siyang kumaripas ng takbo." Kibit balikan na sagot ko natigilan naman silang lahat, nag aalala nako sa kaniya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

"Bakit naman kaya?" Tanong rin ni Rence, nagkibit balikat na lang ako at sumandalsa may sofa. Saan ngaba siya pumunta? Ano bang nangyare? Nakakaramdam na rin ako ng kaba.

Nahagip naman ng paningin ko si Klent at Claire na masayang naguusap na para bang hindi nila kami kasama.

Ang sakit.

"Guys panoorin niyo to dali!" Biglang sigaw ni Cass galing sa kusina, napakunot noo naman ako dahil sa inasta niya.

Agad niyang inupin yung tv na malaki, at cinonnect yung cellphones niya sa tv. Bumungad naman samin ang magulong bus at mukhang nakadapa pa yung kumukuha ng video. Isa itong live kaya nakakasiguro ako na ngayon ngayon lang nangyayare.

"Ano yan?" Kunot noong tanong ni Xy, nakatutok lang kami sa tv, may naririnig kaming sigawan. Na para bang hinostage ang bus dahil may nakikita kaming mga lalaki na may hawak na baril kahit na magulo ang pagkakakuha. Lalo akong napakunot noo ng pinagkukuha nong mga lalaki yung mga bag ng pasahero. Hanggang sa napunta sa isang babeng nakauniform na katulad ng samin, nakatalikod ito at nakayuko kaya hindi namin makilala.

"Teka, parihas ng uniform natin yung suot nong babae, diba?" Sambit ni ring, sinakluban na rin ako ng matinding kaba na para bang kilala ko na kung sino ang babaeng yon. Bigla naman akong napatayo ng mapagtanto ko na kung sino ang babaeng yon.

Si Amara, hindi ako pwedeng nagkamali dahil parihas sila ng buhok. "Bakit Alora?" Tanong ni Premo ng mapansin niya akong napatayo, nabaling din sakin ang attention nilang lahat pero ako nakatutok parin sa tv.

"S-si amara yan?" Kinakabahan sambit ko, napakunot noo naman sila at tumingin ulit sa tv. Bigla namang tumayo si Amara at humarap kaya nakikita na namin ang mukha niya, nagpupumiglas si Amara don sa lalaking kumuha sa kaniya. Napayukom naman ako ng kamao ng bigla na lang siyang sinampal at sinikmuraan. Napatayo na rin silang lahat dahil sa gulat at nakikitaan sa mga mukha nila ang labis na pag aalala at galit.

Napahiga si Amara dahil sa ginawa ng lalaking yon, nakuha na rin nong lalaki yung wallet ni Amara. Hindi napapansin nong mga lalaki yung taong nag lilive. Dali dali naman akong lumabas, "San ka pupunta Alora?" Tanongwni cooper.

"Kila Zeus." Sagot ko at tumakbo, tiyak akong pupuntahan agad nila si Amara kaya kailangan nilang malaman. Pagkarating ko sa harap ng pinto ni dean agad ko itong binuksan kahit na hingal na hingal ako, napatingin naman sila sakin. Hindi lang pala sila Zeus ang andito andito rin ang mga daddy namin.

"Why darling? Bakit ka hinihingal? May problema ba?" Tanong ni daddy, nakatingin sila sakin ng nakakunot ang noo. Hinabol ko naman yung hininga ko at kinuha ang cellphone sa bulsa para ipanood sa kanila. Agad akong lumapit kila Zeus at hindi sinagot ang tanong ni daddy.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon