CHAPTER 47

979 23 1
                                    

Amara

PAGKAUWI namin ni Zy galing sa date ay sumalubong samin ang seryosong mga mukha nila Zeus. Andon sila sa dorm ko kahit na gabing gabi na. Agad rin nilang pinagbabatukan si Zy kaya inawat ko sila. Sinabi ko rin may Zy na wag niyang sabihin sa tatlong kapatid niya ang sinabi ko nong gabing yon. Hindi na rin mawala wala ang mga ngiti niya sa labi.

Nagmamaktol rin sila sakin na parang bata kaya ang sinabi ko na lang ay kung gusto nila akong idate at masulo ay ok lang sakin. Agad naman silang nag presinta kung sino ang mauuna. Muntik pa nga silang magkasuntukan kong hindi ko pa inawat.

Ang sabi ko na lang ay mag batobato pick sila. Sinunod naman nila ang sinabi ko. Ang unang natalo ay si Zaki dahil hindi raw siya marunong non maglaro. Ang pangalawang natalo naman ay si Zeus kaya ang sunod kong idadate ay si Zack.

Halos gumulong gulong na siya sa tuwa dahil siya ang nanalo. Inasar asar pa nga niya ang dalawang kapatid niya. Natawa na lang ako dahil don at ngayong araw rin kami mag dadate.

Asa byahe na nga kami ngayon papunta sa Zoo dahil don ko gustong pumunta ngayong araw. May pasok kami ngayon pero dahil nga sa may kapit si Zack ay napapayag namin ang dean na lumabas kaming dalawa.

Malapit na rin kase ang holiday kaya walang masiyadong ginagawa ngayon sa school. Pwera na lang sa paghahanda nila sa Christmas Party.

"Shit, I'm a lucky man. Buti na lang ako ang nanalo." Natawa ako sa sinabi ni Zack. Bago kami umalis kanina ay inasar asar niya pa sina Zeus at Zaki kaya muntik na siya masapak ng dalawa.

Ilang minuto kaming bumyahe hanggang sa nakarating na nga kami sa Zoo. Agad kaming pumasok sa loob pero bago kami pumasok ay nagbayad muna kami ng Entrance Fee.

Nang makapasok na kami ay bumungad agad samin ang mukhang gubat na lugar. May mga nadadaanan kaming ibat ibang mga hayop. Agad akong tumakbo ng may makita akong tigre.

"Hey! Wag kang basta basta na lang tumatakbo, Mi amor." Aniya sakin ni Zack ng makalapit siya sakin. "Sorry." Aniya ko at nag peace sign, piningot niya naman ang ilong ko.

"Ang cute nong baby tiger, look oh Zack." Sabi mo at tinuro ang baby tiger na nakahiga sa paanan ng adult tiger. Tinignan niya naman ito. "Yeah, its cute but your cuter than that tiger, Mi amor." Namula naman ako sa sinabi niya, ang hilig nila magpakilig.

"Bolero." Aniya ko sa kaniya at hinampas ng mahina ang braso niya pero ako lang ang nasaktan dahil sa tigas non. "I'm not, I'm telling the truth." Nakangiting sabi niya, ngumuso na lang ako at muling tumingin sa tiger.

Naglibot libot kami hanggang sa may mga nadadaanan kaming ibat ibang hayop. Yung iba nga ay pinapakain namin o kaya naman hinahawakan o binubuhat. Nakaramdam ako kanina ng takot dahil sa isang malaking ahas at mataba na nilalagay sa leeg ko kanina. Mabuti na lang at hindi ako tinuklaw.

Habang naglilibot kami ay nakarinig kami ng batang umiiyak. Agad namin itong hinanap hanggang sa makita namin yung isang batang lalaki na nakaupo malapit sa isang puno.

Nilapitan ko ito. "Baby, bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kaniya at naupo sa harapan niya. Nasa likod ko lang naman si Zack. Umangat naman ang mukha niya kaya nakita ko ang mukha niyang umiiyak.

"I don't know what are you talking about." Umiiyak na sabi niya, ay pang foreigner pala ang batang to. "Hey, Little man. Why are you crying?" Tanong ni Zack at naupo sa tabi ko.

"My mom left me." Umiiyak na sabi niya, nagkatinginan naman kami ni Zack. "Saan daw nagpunta ang mommy mo?" Tanong ko, nangunot namnn ang noo niya habang umiiyak parin, ang cute niya haha.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon