CHAPTER 16

1.2K 28 1
                                    

THIRD PERSON

TINATANAW lang nila ang papaalis na si Amara. Pari parihas na nagtataka ang magkakapatid dahil parang may hindi sila nalalaman. Nahalata nila na ang mga ngiti ng dalaga ay hindi umaabot sa tainga nito.

"Speak." Malamig na wika ni Zeus sa isang letrang sinabi niya nakuha agad ng mga kaibigan nito kung ano ang gusto niyang malaman.

Kilalang kilala na nila ang isa't isa dahil simula ng nagkaisip sila, sila na ang magkakasama bawat ugali ng isa't isa ay alam na nila.

"May nambastos sa kaniya kanina nong nakuha na namin yung gold flag, hinawakan siya sa may pangupo." Seryosong wika ni Alora kaya napatiim baga naman silang apat at nawalan din ng emosyon ang mga mata nila.

Wala silang kahit anong nararamdaman kundi galit, galit sa gumawa non sa nag iisang babaeng bumabaliw sa kanilang apat. Tinitiis nga nilang huwag hawakan ang babaeng mahal nila tapus may pangahas na gagawa ng ganong bagay.

"Who?" Malamig na tanong ni Zaki, nag iingat naman sila Alora sa mga bawat sasabihin nila dahil sa oras na may hindi magustuhan ang apat baka madamay rin sila sa galit na nararamdaman ng quadruplets, baka bigla na lang silang sumabong.

Nahagip naman ng mata ni Xy kung sino ang mga mamamatay ngayong araw. "Sila!" Ani ni Xy at tinuro ang di'kalayuan. Nangalait naman sa galit yung apat habang naka tingin sa limang lalaking masayang nag uusap.

"This will be the last laugh for you five fuckers because I will make sure you suffer at my hands before you see death." Bulong ni Zeus sa kaniyang isipan habang inisip kung pano niya pahihirapan ang nagkasala.

Sinigurado ng apat na magdudusa ng husto ang limang kaawa awang mga lalaki sa mga kamay nila. Ngayon pa lang ay wala na silang nararamdaman na awa, pano pa kaya mamayang kaharap na nila ang limang yon.

•••••

SUMAPIT na ang gabi naging ok naman ang mga activities na ginawa nila. Ang natanggap na big price nila Amara ay vacation ng three days pagkatapos ng camping trip nila. Hindi naman nagawang maging masaya ni Amara dahil hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip niya ang nangyare kanina.

Buong araw siyang tahimik na lalong ikinagalit ng apat na magkakapatid. Nagsasalita naman kahit papano si Amara pero sa tuwing may kumakausap lang siya nagsasalita.

Habang ang magkakapatid naman ay nag hahanda na upang isagawa ang nararapat na isagawa. Tulog na ang lahat maliban na lang don sa mga lalaking taga ibang school kasama na doon ang limang mga lalaki na mawawala na ngayong gabi sa ibabaw ng lupa.

Hinihintay na lang nilang apat ang magandang pagkakataon. Tinititigan nila ang mga pangahas na bumastos sa babaeng mahal nila. Puno ito ng galit at uhaw sa dugo mula sa kanila.

Napansin naman ng apat na magkakasamang umalis ang lima at pumunta sa loob ng gubat kaya naman wala na silang sinayang na oras pa at sinundan nila ang mga ito.

Sinundan lang nila hanggang sa makalayo na sila nakita namang magkakapatid na may nilabas ang lalaking pangahas na humawak sa mahal nilang babae. May nilabas itong maliit na plastic na merong pulbos, isang shabu ang nilabas ng lalaki.

"Oyy may baon ka pala Reus." Sambit ng isang lalaki at kinuha ito at inamoy amoy. "Syempre naman hindi pwedeng hindi, kailangan ko ito upang matikman si miss sexy." Halos sumabog na sa galit yung apat dahil sa sinabi ng kaawa awang lalaking yon.

Alam nilang apat na ang babaeng mahal nila ang tinutukoy nito. "Hey, is that a drugs, can I have some?" Hindi na napigilan ni Zaki ang galit niya at lumabas na ito.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon