CHAPTER 43

1K 20 4
                                    

Amara

PUTING kisame agad ang bumungad sakin pagkagising ko, pamilyar sakin ang kwartong ito, kwarto ito nila Zeus. Wala rin akong nakitang ibang tao rito kundi ako lang.

Napaluha na lang ako ng maalala ko na ang lahat. Ang pamilya ko, naalala kuna. Bakit ngayon ko lang naalala ang bagay na yon?

Flashbacks

13 years ago

"Kuya rence, si Toti nawawala." Sigaw ko, sampung taon ako non. Tandang tanda ko kong pano ako nawala sa pamilya ko.

"Calm down, Philo. Anjan lang si toti sa tabi tabi." Sabi ni Kuya Rence. Kanina ko pa kase hinahanap si Toti pero ngayon wala pa rin siya. Asan naba siya?

"Kuya, si Toti hindi ko na nakikita." Umiiyak na sabi ko, agad naman akong dinaluhan ni Kuya Rence. "Babalik din mamaya si Toti, wag ka ng umiyak, Philo." Paglalambing sakin ni Kuya Rence at binuhat.

"Si Toti, kuya!" Sigaw ko ng makita kong tumatakbo si Toti palapit samin. Agad naman akong binaba ni Kuya Rence at sinalubong si Toti. Isa siyang tuta, regalo sakin nila Kuya nong birthday ko.

"I told you, babalik din si Toti." Nakangiting sabi ni Kuya Rence sakin. Humagikgik lang ako at binuhat si Toti. "Let's go, hinihintay na tayo nila mommy sa labas." Aya sakin ni Kuya Rence at hinawakan ang isang kamay ko habang sa kabila naman ay si Toti na hinahalikan ang pinge ko dahilan para napahagikgik ako.

Naglakad kami patungo sa garahe dahil andon sila mommy. "Kuya Lincoln!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya. Tumawa naman siya bago ako salubungin at buhatin.

"Don't run baka madapa ka niyan. Ang kulit talaga ng baby Philo ko." Nakangiting sabi niya at hinalikan ang buong mukha ko. Napahagikgik naman ako, naggagalaw din si Toti sa bisig ko kaya lalo kung hinigpitan.

"Are you excited?" Nakangiting sabi niya tumango tango naman ako." Mommy, pwede bo bang isama natin si Toti?" Inosenteng tanong ko at tumingin kila mommy na pinapanood kami ni Kuya Lincoln.

"Of course, baby." Nakangiting sagot din ni mommy, napayehey naman ako dahilan para tumawa silang lahat. "Tara na!" Aya samin ni Kuya Percy habang nakaupo siya sa driver seat ng van.

Kaya pumasok na kaming lahat sa van. Kandong kandong ako ni Kuya Lincoln. Siya ang pinaka close ko sa lahat saming magkakapatid pero close din naman kaming lahat. Pitong kaming magkakapatid.
Papunta kami ngayon sa park para I celebrate ang family day namin. Buyahe lang kami ng ilang minuto bago nakarating.

"We're here." Nakangiting sabi ni Kuya Percy. Kaya isa isa kaming bumaba ng van. Pagkababa namin ay binaba ako ni Kuya Lincoln para tumulong sa pagbuhat ng mga binaon namin. Binaba ko naman si Toti kaya nag tatakbo siya pati na rin ako.

"Philo, wag ka masiyadong lumayo." Paalala sakin ni mommy kaya sumigaw ako ng oo. Naghabulan kami ni Toti kaya tumatawa ako. "Philo, let's go." Sigaw ni Kuya Leo kaya lumapit ako sa kaniya sumunod naman si Toti.

"Kadadating lang natin pawis na pawis kana." Piningot niya ang ilong ko kaya napahagikgik ako. Pinatalikod niya naman ako at may nilagay siyang towel sa likod ko na si mommy ang nagtahi at gumawa. Lahat ng towel sa bahay ay siya minso ang gumawa. Ang desinyo ay ang paborito naming bulaklak na poeny.

Pagkatapos niyang lagyan ng towel ang likod ko ay agad niya akong binuhat at naglakad na. Napansin ko naman na sumunod samin si Toti. "Kuya." Tawag pansin ko sa kaniya.

"Hmmmm."

"Love mo po ba ako?" Nanlalambing na tanong ko rinig ko naman ang tawa niya. "Of course baby, love na love ka ni Kuya." Malambing rin na sagot niya. Yumakap na lang ako sa leeg niya.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon