CHAPTER 38

1.1K 22 2
                                    

Amara

ISANG linggo na ang nakalipas simula nong sabay mawala sila ina'y at ita'y, nailibing na rin sila dahil sa tulong nila Zeus at ng iba pa. Pinilit kong tatagan yung loob ko dahil sa pagkawala nila. Anjan naman sila Zeus para damayan ako.

Kaya labis akong nagpapasalamat dahil hindi sila umalis sa tabi ko. Hanggang ngayon rin ay andito parin kami sa laguna. Kompleto kaming lahat ngayon dito sa bahay kahit nga mga parents nila ay andito din. Kaya ayon napagpwestahan sila ng kapit bahay namin.

Hindi ko parin kinukuha yung kahon na sinasabi ni ina'y bago siya mawala, hindi pa kase ako handa para malaman kung ano man ang laman non. Hindi parin ako makapaniwala na hindi nila ako tunay na anak. Hindi ako nagagalit sa kanila dahil nilihim nila sakin ng matagal nagpapasalamat pa nga ako dahil inalagaan nila ako ng maayos. Kung ano man ang dahilan nila ay maiintindihan ko.

"Kitty, where are you going?" Napatingin ako kay Zeus ng sundan niya ako, "Sa taas lang, may kukunin lang ako." Sagot ko at nginitian siya ng tipid, kaming dalawa lang ang andito sa loob ng bahay, yung iba ay nasa likod ng bahay at kasama nila sila aling tasing at ang iba pa naming kapit bahay.

"I'll come with you." Sambit niya pero umiling ako.

"Hindi na, hindi naman ako magtatagal ehh. Hintayin mo na lang ako dito." Ani ko at hindi na siya hinintay na makasagot pa at umakyat na ako sa kwarto.

Ngayon ko balak na buksan at kunin ang kahon na sinasabi ni ina'y para na rin maliwanagan na ako dahil ilang aaraw na akong naguguluhan kong ano ba talaga ang nangyare noon. Bakit ako napunta kila ina'y? Asan ang mga tunay kong magulang?

Pag pasok ko sa kwarto nila ina'y ay agad akong naghanap ng kahon, ngayun na lang ako nakapasok dito dahil pinagbawalan ako ni ina'y na pumasok rito. Siguro ito yung dahilan kong bakit ayaw niyang pumapasok ako sa kwarto nila.

Napatigil ako ng mahagip ng mata ko ang hindi kalakihan na kahon na, nakapatong sa pinapatuktok ng kabinet nila. Kinuha ko yung maliit na bangko dahin hindi ko abot yun. Pagkakuha ko ng kahon ay naupo ako sa kama nila.

Humugot muna ako ng malalim bago dahan dahan na binuksan yung kahon. Bumungad sakin ang kulay puting panyo at may desinyo na peony flowers ang paborito kong bulaklak. Kinuha ko ito at binuklat ng tudo yung panyo at sa ginta nito ay may desinyong poeny sa mga gilid naman ay mga dahon. May napansin din akong sulat na may baba ng peony na at ang nakasulat ay 'philomena'.

Inamoy ko ito pero agad kung nilayo dahil sa ambaho amoy alikabok at kung ano pa, bakit ganto ang amoy? Hindi ba nilabhan nila inay to? Nilapag ko ito sa kama at tumingin uli sa kahon. May nakita naman akong hindi masyadong makapal na itim na notebook na lumang luma na.

Kinuha ko ito at nilapag sa kama, mamaya ko na babasahin. May nakita naman akong kwentas na gold at mukhang totoong ginto, hugis peony ang pindant at sa may nakalaylay pang isang pindat na hugis kutselyo.

Tinitigan ko itong mabuti dahil parang familiar sakin gaya nong panyo na una kong nakita. Hindi ko naman maalala kong saan ko ngaba nakita ang gantong klaseng kwentas. Nilapag ko rin ito sa kama pati na rin ung kahon na wala ng laman.

Kinuha ko yung notebook at inalis yung alikabok bago ito buksan at bumungad sakin ang sulat kamay ni ina'y.

Dear Amara

Anak, hindi ko alam kong pano ba namin sasabihin ng iyong ita'y ang katotohanan dahil nilalamon kami ng takot na baka magalit ka samin at umalis sa puder naming dalawa. Alam namin na darating rin ang panahon na mawawalay kami sayo o mamamaalam na kami ng iyong ita'y. Ginawa ko ang sulat na ito kung saka sakaling kapusin na kami ng hininga at hindi masabi sayo ang lahat. Hindi ka namin tunay na anak, Amara,at hindi rin Amara ang tunay mong pangalan. Magsisimula ako sa umpisa para maliwanagan ka.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon