Third Person
"ANDITO na ang mga kalaban."
Nagising si Amara sa pagkakatulog dahil sa sunod sunod na putok ng baril. Hindi niya namalayan kanina na nakatulog na pala siya dahil sa pagod. Napansin niya naman na natataranta na ang mga lalaking kumidnap sa kanila.
"They here." Napatingin siya kay Alora ng magsalita ito. Gising na pala ang kaniyang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagdurugo parin ang mga sugat nila sa katawan.
"Humanda sila. Andito na ang mga demonyo." Sabi naman ni Xy napakunot noo naman ng noo si Amara dahil sa sinabi niya. Sinong demonyo? Gising na rin ang magulang nila Amara dahil sa putok ng baril.
"Ang mga Santillian andito na!" Natigilan sila Amara dahil sa narinig. They here! The demon is coming! Nabuhayan ng loob sila Amara dahil sa malamang andito na ang mga Santillian.
Sakabilang banda naman ay nagsama sama ang mga malalakas na organization. Lahat ng mafia boss ay hinding hindi mo makikitaan ng kahit na anong emosyon. Para silang mga demonyo na sa oras na hawakan mo ay bigla ka na lang bumulagta sa sahig.
Madaming tauhan ang kalaban pero mas madaming tauhan ang mga mafia boss. Pinagsama sama nila ang kanilang nasasakupan upang iligtas ang kanilang mga reyna. Sa bawat madadaanan nila ay bigla bigla na lang bumubuglagta kahit na ang mga tauhan nila ay nakakaramdam rin ng kaba at takot.
"We need to separate." Malamig na sabi ni Lucifer. Wala siyang nakuhang sagot dahil agad na nagpunta sa ibang dereksyon ang ibang mafia boss kasama nito ang mga tauhan nila.
Samantalang ang quadruplets naman ay agad na sumugod sa loob kahit pa alam nilang madami ang tauhan ng matandang yon. Oo kilala nila kong sino ang may pakana ng lahat ng ito.
They want to see her! They badly want to see her! Gustong gusto na nilang nakita ang dalaga. Sabik na sabik na silang apat. Madilim ang aniyo nilang apat habang naglalakad sa pasilyo. Lahat ng mga kalaban ay binabaril nila agad.
Galit na galit sila sa mga taong kumuha sa dalaga pati ang mommy nila ay dinamay nila. Now, natitikman nila ang hindi dapat. Nararapat lang na bigyan ng parusa ang mga taong gumagawa ng gantong bagay. Malas nila dahil ang Santillian pa ang kinalaban nila.
Sa kabilang banda naman ay naghihintay sila m
Amara na makita sila ng mga asawa at daddy nila. Nanghihina na rin sila dahil sa kawalan ng dugo. Hindi ordinaryong karayom ang ginamit ng kalaban. Dahil malalaki ito.Napatingin silang lahat sa lalaking dumating. Isa ito sa mga nakamaskara walang iba kundi si Carlo. Nagtaka sila ng may pinindot ito sa isang pader. Ganon na lang ang gulat ni Amara ng bigla na lang siyang nahulog sa malamig na sahig. Napadaing siya dahil sa pagkakahulog.
Wala na ang mga kadena sa kamay at paa niya pero sa may leeg niya ay meron parin. Babangon na sana si Amara ng bigla na lang may humila sa kadenang nakakabit sa leeg niya.
Napahawak siya sa kadena ng bigla siyang kaladkarin ni Carlo. "Hoy bitiwan mo ang anak ko!." Rinig niyang sigaw ng mommy niya pero sinawalang bahala lang iyon ni Carlo. Patuloy parin ito sa pagkaladkad sa kaniya.
Hindi niya alam kong saan siya nito dadalhin. Paglabas nila sa kwartong iyon ay bumungad sa kaniya ang madilim na pasilyo. "B-bitiwan mo ako!" Nahihirapang sabi ni Amara pero wala man lang nakuhang tugon.
Nagtaka siya ng maglakad si Carlo sa isang hagdan pataas. "S-san muko dadalhin?" Nauutal na tanong ni Amara at sinubukan ulit magpumiglas. Pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahatak sa kadena at lalo siyang kinaladkad pataas.
"Manahimik ka!" Sigaw niya ilang sandali lang ay nakarating na kami dito sa rooftop. Bigla na lang niyang hinagis si Amara kaya napasubsub ito sa sahig. "Dito tayo maghihintay. Hihintayin natin ang mga prince charming mo." Mapang asar na sabi niya at umupo sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/361673958-288-k371882.jpg)
BINABASA MO ANG
The Quadruplets Psychopaths | ✓
RomanceMeet, Amara Celine Infantes, Amara just wanted to fulfill her dreams in Manila but she didn't think that her quiet life would be disturbed.She just wanted to study but because of four siblings, her studies became chaotic. She also did not think that...