CHAPTER 26

1.1K 23 0
                                    

Amara

NAGISING ako sa ingay ng mga manok sa kapit bahay kaya bumangon nako at nakita ko naman na tulog na tulog pa silang apat, tulog mantika. Medyo madilim pa sa labas pero bumangon nako.

Pumunta akong banyo para makapagsipilyo at hilamos buti na lang at meron nito sa kwarto ko kaya hindi kuna kailangan na bumaba pa. Nang matapos akong magsipilyo bumaba nako. Wala akong nadatnan na tao sa kusina at sala kaya nagpunta ako sa likod ng bahay baka andon si ina'y.

Hindi nga ako nagkamali nakita ko siya roon na nagluluto ng kakanin. Lumapit ako sa kaniya "Magandang umaga po ina'y." Sambit ko kaya tumingin siya sakin.

"Magandang umaga rin." Bati niya at hinalo yung kanin na malagkit. "Asaan po si ita'y?" Tanong ko sa kaniya at humalombaba sa lamesa. "Pumalaot na, kasama niya yong mga kambal." Nagulat naman ako sa sinabiya niya.

"Ho? Sumama po silang apat?" Hindi makapaniwalang tanong ko tumango siya sakin at humarap. "Oo sumama sila, pinigilan nga ng ita'y mo kaso lang masyado silang mapilit kaya hinayaan na lang namin na sumama sila." Aniya sakin, sumama sila? Ano naman kaya nakain ng mga yon at sumama sila may ita'y.

"Amara." Nakatingin ako kay ina'y ng tawagin niya ang pangalan ko. "Alam kong gusto ka nong apat na yon." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni ina'y. "P-po?" Bulalas ko lumapit siya sakin at umupo sa tapat ko.

"Alam ko, kakaiba ang mga tingin nila sayo kumpara sa iba. Alam ko ang mga tingin na yon dahil ganon rin ako tignan ng ita'y mo noon hanggang ngayon." Seryosong turan niya at hinawakan ang kamay ko.

"May gusto kaba sa isa sa kanila?" Napakurap kurap naman ako sa tanong ni ina'y. "W-wala po inay, wala pa sa isip ko ang mga bagay na ganiyan. Uunahin ko ang pangarap natin bago ang ganiyan bagay." Sambit ko sa kaniya kaya ngumiti siya sakin ganon rin ako.

"Pero, sa oras na may magustohan ka rin sa kanila wag mo itong pipigilan, wag mong itatago. Lagi mong sundin ang nilalaman ng iyong puso anak. Maikli lang ang buhay kaya palagi kang pumanig sa ikakasaya mo at ikabubuti mo. Magiging maayos ka rin sa piling nilang apat" Makahulugang sambit niya lalo na sa pinaka huli.

"Opo ina'y wag mo kayong mag alala sana puso't isip ko lahat ng mga tinuturo niyo sakin." Turan ko ngumiti naman siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Lagi kang maging masaya, wag panghinaan ng loob. Palagi ka rin manalangin sa may kapal dahil siya lang ang may kakayahan na gabayan ka kahit saan ka magpunta. Hayaan mo rin silang apat na ligawan ka hanggang sa makuha nila ang puso mo." Muling sambit niya sakin.

"Good morning po Nanay Carolina." Napatingin kami sa nagsalita sa may bukana ng pinto ng bahay nakatayo roon si Alora at Claire na parihas na inaantok pa.

"Magandang umaga rin, ang aga niyo namang nagising." Sambit ni ina'y at bumalik sa pagluluto ng kakanin. "Yes po ang ingay po kase ng manok." Sagot naman ni Claire at lumapit silang dalawa sakin.

"Nako ganon ba, pasensya na ganto talaga rito, madaming manok ang gigising sayo." Turan ni ina'y, "Gusto niyo ba ng kape o gatas?" Tanong ko. "Kape na lang." Parihas na sagot nong dalawa tumayo nako at pumasok sa sa loob para magtimpla ng kape.

Nagtimpla na rin ako ng gatas para sakin, bumalik rin agad ako pagkatapos kong magtimpla. "Ito muna ang agahan natin ngayon, masarap naman lahat yan." Ani ni ina'y at nilapag sa lamisa yung Puto Bumbong, Pichi-Pichi, Palitaw at Kutsinta na ibibinta niya ngayon.

Marami naman siyang niluto para yun na lang ang agahan namin ngayong umaga. Kumain na kaming apat at hindi na hinintay yung iba na magising, kakain na lang sila kapag gising na.

8 am na ng umaga ng magising silang lahat tapos na rin silang kumain. Umalis na rin si ina'y at nagpunta na sa palengke para magtinda. "Asan silang Zeus?" Tanong ni Ian habang nag duduyan.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon