CHAPTER 37

1.2K 25 1
                                    

Amara

PAGKAMULAT ng mata ko puting kisame ang nabungaran ko pero ng maalala ko kung ano ang nangyayare nagsibagsakan na naman yung mga luha ko. Si ita'y wala na, pano na kami ni ina'y? Iniwan na niya kami.

Humiga ako patagilid at humagolgol, wala na akong pake kong may makarinig sakin sa labas. Alam kong nasa hospital parin ako hanggang ngayon. Bakit ngayon pa to nangyare? Hindi pa namin natupad ang mga pangarap namin.

Narinig kong bumukas yung pinto pero hindi ko ito binigyan ng pansin at patuloy parin ako sa pag iyak. "Sunshine." Sa pagtawag niya sakin alam kong si Zaki yon, hindi ko siya nilingon man lang. Naramdaman kong umupo siya sa kama sa may likod ko.

"Sunshine stop crying." Nag aalalang turan niya at hinawakan ako sa braso lalong lumakas yung iyak ko. "S-si ita'y wala na." Umiiyak na sambit ko at humarap sa kaniya, nakita ko naman siyang nakatingin sakin ng malamya.

"I know sunshine, I know it's hurt but you need to be strong." Malambing na wika niya at hinaplos ang buhok ko, umiling ako sa kaniya at lalong umiyak. Pinapatahan niya naman ako pero hindi talaga matigil ang pagbuhos ng luha ko.

Hanggang sa tumahan nako, umupo ako sa kama at sumandal sa edge ng kama inalalayan niya naman ako. "Do you want to eat? Isang araw kang tulog at hindi pa kumakain." Malambing siya kung kausapin ako.

"Hindi, wala akong gana." Matamlay na sambit ko bumuntong hininga naman siya, napatingin kami pariho ng bumukas yung pinto at pumasok silang lahat, anong ginagawa nila rito? Bakit andito silang lahat?

"Your awake, Kitty." Turan ni Zeus at lumapit sakin, lumapit din sina Zy at zack, tumango lang ako sa kaniya dahil wala ako sa mood para kumausap ng kahit na sino man. Kinakausap lang nila ako kung ano ano simasagot ko naman sila kahit papano.

"Alam niyo ba kong nasan si ina'y?" Tanong ko ng maalala kong mula nong dumating ako rito ay hindi ko man lang siya nakita o ng anino niya. Nagkatinginan naman sila sa isa't isa na pinagtaka ko.

"Alam niyo ba?" Sambit ko ulit ng wala man lang isa sa kanila ang sumagot sakin. Tumingin sakin si Zeus at hinaplos ang pinge ko. "Kitty, just calm down ok?" Sambit niya tumango na lang ako sa kaniya.

"Aling tasing told us that... Inatake raw ng sakit niya si Nanay Carolina nong malaman niyang naaccident si tatay kardeng." Halos takasan naman ako ng dugo dahil sa sinabi ni Zy.

"Asan siya? Ok naba siya? Andito ba siya sa hospital?" Sunod sunod na tanong ko pinakalma nila ako pero ayaw kumalma ng sestema ko. "Mi amor, please calm down, we will take you to her." Pilit kong pinapakalma yung sarili ko para dalhin nila ako kay ina'y.

Agad nila akong sinamahan pagkatapos kong mapakalma yung sarili ko. Habang papunta kami kay ina'y at nakakaramdam ako ng kaba at bumibilis rin ang tibok ng puso ko. Sana naman ok lang si ina'y, hindi ko na kakayanin kong siya rin ay mawala sakin.

Tumigil kami sa isang pinto na meron dito sa hospital, dahan dahan yon binuksan ni Zaki at pumasok kami sa loob. Agad akong lumapit kay ina'y ng makita kong nakahiga siya sa hospital bed at walang malay.

Madami rin naka kabit sa kaniya. "I-inay." Nanghihinang sambit ko, hinawakan ko siya kahit na nanginginig na yung buong katawan ko. Kung hindi lang ako inalalayan ni Zeus ay malamang bumagsak nako sa sahig.

"Ang sabi ng doctor lalo daw lumala yung sakit ni Nanay Carolina at hanggang ngayon hindi parin siya nagigising." Sambit ni Alora naupo naman ako sa tabi ni ina'y at hinawakan yung kamay niya, nilagay ko ito sa may pinge ko.

"Ina'y gumising kana, asikasuhin pa natin yung burol ni ita'y." Muli na naman akong napaluha dahil sa mga nangyayare ngayon. Ramdam kong isa isa naman umalis sila alora at nang mapansin ko ay yung kambal na lang ang natira dito sa loob.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon