CHAPTER 17

1.2K 22 0
                                    

Amara

PANGATLONG araw na ng camping trip namin. Hindi naman nawala sa isip ko yung nangyare kahapon kaya hindi ako nakatulog ng maayos dahil subrang bigat ng pakiramdam mo.

Inisip ko yun ng inisip dahil ngayon pa lang nangyare sakin ang bagay na ganon. Dahil sa bayang kinalakihan ko ay mababait ang mga tao, never silang nam'bastos ng kung sino man lalo na kung babae.

Pero paggising ko kaninang umaga bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko naman alam kung bakit. Baka siguro ang Panginoon na ang bahalang magparusa sa lalaking yon.

Sana lang ay natauhan siya na mali ang ginawa niya sakin. Hindi naman kase tama ang ganon dapat ay respetohin ng mga lalaki ang mga babae.

"Ayus kana ba, Amara?" Tanong ni Alora sakin kaya naman nabalik ako sa reyalidad. "Um oo ok nako." Nakangiting wika ko kaya naman parang nakahinga siya ng maayos.

"Mabuti naman kung ganon, wag ka mag alala sigurado akong makakarma sila." Makahulugang wika ni Alora, nagtaka pako pero tumango na lang din ako dahil alam ko naman na hindi niya ako sasagotin.

Madaling araw na ng magising ako para ulit maligo at magluto na. Sabay kaming nagising ni Alora kaya naman natapos namin agad ang pagluluto pati na rin ang pagligo.

Nakajacket pa nga ako ngayon dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Napatingin naman ako sa biglang dumating at nagulat sa itsura nila.

"Anong nangyare sa inyo? Bakit basang basa kayo? Anlamig lamig." Wika ko at kumuha ng apat na tuwalya na nakasabit sa may puno. Dumating kase sila Zeus, Zack, Zaki at Zy na basang basa.

Binigay ko naman agad ang mga tuwalya dahil baka nilalamig na sila. "Where fine mayo sol, na ligo lang kami sa may sapa." Wika naman ni Zy at binalot ang katawan ng tuwalya.

Napatingin naman ako sa hawak nila, Zack, Zaki at Zy. Napakunot noo ako dahil ang hawak lang naman nila ay baseball bat, kutselyo at palakol.

"Naligo sa sapa ng gantong oras? Tsaka bakit yang mga hawak niyo? San niyo ginamit?" Tuloy tuloy na tanong ko at napawewang pa ako sa harap nila.

"Yes, it's better to bathe in the creek sunshine for a while, in case we encounter a wild animal, we'll have something to fight against.." Malumanay naman na wika ni Zaki pero tinitigan ko lang siya sa mata hanggang sa iniwas niya yung mga mata niya sakin.

"Sigurado ba kayo?" Takang tanong ko pero napatigil ako ng biglang halikan ni Zeus yung noo ko. "We are sure kitty, don't worry to much. We're perfectly fine." Malumanay rin na wika ni zeus kaya dahan dahan akong tumango.

"Sige, magpalit na kayo ang lamig lamig oh baka magkasipon pa kayo." Ani ko naman sabay sabay naman silang ngumiti sakin at pumunta na sa tent nila para siguro magpalit na.

Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa lamesa kaya kaharap ko ulit si Alora. "May hindi kaba sinasabi sakin ha, Amara?" Mapanuri akong tinignan ni Alora kaya kinunotan ko ito ng noo, pinagsasabi niya?

"Ano naman yon?" Takang tanong ko. "Kayong lima na ba?" Halos masamid naman ako sa tanong ni Alora. Takte grabe kaming lima? Jusko pwede ba yon? Hindi pwede no.

"Ano namang klaseng tanong yan Alora? Kaming lima seryoso kaba ha? Hindi pwede ang ganon no, hindi pwede ang magkaroon ng karelasyon na higit pa sa isa." Sagot ko naman kay Alora.

"Sa iba oo pero meron din sa ibang tao ang ganon." Makahulugang na turan niya pero umiling ako muslim lang ang may ganong tradition.

"Sa muslim lang ang pwede non wala ng iba, meron din naman sa ibang bansa" turan ko at uminom ng gatas, bumili kami ni Alora kanina kila Lola Caroline.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon