Amara
ILANG araw na ang nakalipas nung umuwi ako sa laguna at sumama sila sakin. Ilang araw na rin nung nangyare yung muntik nakong magahasa buti na lang at dumating si Zeus kaya nailigtas pako.
Buti na lang at napansin niyang wala ako roon kaya naiisipan niya akong hanapin malapit sa dalampasigan at nadatnan niyang may lalaking nakapatong sakin. Nagpapasalamat talaga ako sa kaniya ng husto kung hindi niya naisip malamang sira na ang buhay ko ngayon.
Hindi na rin nalaman nila ina'y yung nangyare sinabi ko sa kanila na wag ng banggitin kila ina'y at baka atakehin pa siya ng sakit niya. Ok na sakin yung hindi natuloy ang pag tangkang paggahasa sakin ng lalaking yon. Hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyare sa walang hiyang lalaking yon.
Andito ako ngayon sa dorm ko nakahilata sa kama habang nakatitig sa kisame. Iwan ko ba pakiramdam ko wala akong ganang gumalaw galaw ngayon. Wala naman kaming pasok dahil sabado ngayon. Habang nakatulala ako sa kisame bigla na lang may kumatok sa pinto kaya tamad akong bumangon.
Binuksan ko ng unti yung pinto at sumilip. Nabungaran ko si Zack na nakatingin sakin ng malamya. Bakit ang gwapo niya? Bagay na bagay sa kaniya yung itim na hoodie at kulay puting short na panlalaki, alangan naman na pang babae.
"Ginagawa mo rito?" Mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya, nangunot naman ang noo siya siguro napansin niyang parang hindi ako ok. "Are you ok?" Imbis na sagotin yung tanong ko gumawa siya ng ibang tanong.
"Oo ok lng, ano nga ginagawa mo rito?" Bagot na tanong ko at umayos ng tayo binuksan ko rin ng tuluyan yung pinto at pinapasok siya. "I just want to tell you something." Sagot niya kaya ako at naupo sa sofa, ako naman ang nangunot ng noo.
"Ano yon?" Tanong ko sa kaniya at tumayo sa harap niya. Tinitignan niya lang ako bago nagsalita. "Iniimbitahan kita mamayang gabi na dumalo sa kaarawan ng sister ko." Para naman akong nagising sa sinabi niya.
"Ano?" Nanlalaking matang tanong ko napabungisngis naman siya, "I told you na iniimbitahan kita mamaya sa birthday party ng sister ko." Paguulit niya sa sinabi. "Mamayang gabi na? As in?" Tanong ko at naupo sa tabi niya.
"Yes." Simpleng sagot niya at tumingin sa mata ko. "P-pero biglaan naman, wala akong masusuot mamaya." Nakabusangot na wika ko, pinisil niya yung pinge ko at sumagot. "Wear anything you want, suutin mo kung saan ka comportable. Hindi mo kailangan magsuot ng bonggang damit dahil kahit nga basahan yang isuot mo maganda ka parin." Uminit naman yung magkabilang pisnge ko.
"Sige, ano oras ba?" Pagpayag ko, ngumiti naman siya. "Yon, 6 o'clock sundoin kita rito sa dorm mo." Sagot niya kaya tumango ako. Naglagi muna siya dito sa dorm ko ng ilang oras at dito na rin siya kumain ng tanghalian. Umalis rin siya agad pagsapit ng 4 ng hapon.
Naligo nako para matuyo yung buhok ko at magawang ko ng hairstyle. Nakakahiya naman kung hindi ako magaayos no, birthday kaya ng sister nila Zeus yon. Kaya dapat presentable akong tignan, alam ko rin na mayayaman ang dadalo roon kaya mag aayos ako para hindi ako magmukhang tanga at kawawa no.
Nang matapos kong maligo nag suot rin agad ako ng floral dress na kulay pink hanggang tuhod ko, sinamahan ko ng kulay pink na flat shoes. Mahilig kase ako sa mga dress na floral pag nagsusuot ako non pakiramdam ko ang ganda ganda ko.
Nilagyan ko naman ng kulay pink na ribbon Yung buhok ko. Nagliptint lang ako at nagpulbo nagpabango na rin ako, kinuha ko na rin yung nagiisa kong sling bag na kulay asul. Hinintay ko lang si Zack rito kaya nong dumating na siya umalis na rin kami agad gamit yung lamborghini niya.
"You look beautiful with that dress, Mi amor." Turan niya habang nagmamaneho, tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti. "Thank you, ang gwapo mo rin ngayon." Nakangiting turan ko, nakasuot kase siya ngayon ng kulay puting pulo na pinatungan niya ng itim na suit at itim na necktie. Nakapans rin siya na kulay itim at sapatos na kulay itim rin.
BINABASA MO ANG
The Quadruplets Psychopaths | ✓
Roman d'amourMeet, Amara Celine Infantes, Amara just wanted to fulfill her dreams in Manila but she didn't think that her quiet life would be disturbed.She just wanted to study but because of four siblings, her studies became chaotic. She also did not think that...