CHAPTER 29

1.5K 28 0
                                    

Amara

NAPUNTA naman yung attention naming lahat dahil nagsalita na yung mc. Magsisimula na ata yung party. "Good evening everyone. Are you all ready to see our birthday girl today!" Masiglang sigaw ng mc sa mic kaya nagsigawan rin yung mga tao.

"Let's welcome our birthday girl." Sigaw ng mc kaya napatingin naman kaming lahat sa may pinto na pinasukan namin kanina ni Zack at unti unti itong nagbukas. Hanggang sa tuluyan na ngang nagbukas at naglakad na yung kapatid nila Zeus napaawang naman unti yung bibig ko ng masilayan ko yung mukha niya.

Ang ganda naman niya, para siyang dyosa sa lagay na yan. Grabe bakit ang ganda niya? Ang aamo rin ng mukha niya at lalo siyang gumanda ng ngumiti siya ng abot tenga. Nagpalakpakan naman kaming lahat habang dahan dahan siyang naglakad papunta sa stage. Ngayon ko lang rin napansin na debut niya pala ngayon dahil sa malaking lubo na nakahugis 18.

Pagkarating niya sa stage ay naupo siya sa parang truno ng hari at ngumiti samin. "Ang ganda niya." Bulong ko namamangha talaga ako sa ganda niya. Tinawag naman siya ng mc kaya tumayo siya at pumunta sa gitna, binigay nong mc yung mic sa kapatid nila Zeus.

"Ahem hi everyone good evening, I'm Zibbiana Santillian and first of all I just wanna thank you to all of you dahil dumalo kayong ngayon sa kaarawan ko. Special sa mga friends kong andito ngayon, and lalong lalo na sa mga parents ko na pinaghanda talaga ang 18th birthday ko. Thanks you so much mom and dad." Mahabang turan niya at ngumiti.

"And my I call my mom and dad para samahan ako rito sa stage." Muling turan niya at napatingin naman ako don sa paakyat ng stage, bakit ang ganda at gwapo parin ng parent nila? Para lang silang nasa mid's of 30. Yung daddy nila Zeus ay kamukhang kamukha nila samantalang yung mommy naman nila ay mamukha naman ni Zibbiana.

Madami pang sinabi si Zibbiana pati na rin yung mga magulang niya ay nagbigay rin ng message para sa anak nilang may birthday. Nagsimula na rin yung 18th roses pero hindi rose ang binigay nila kundi mga peony kaya sana all.

Sinayaw rin nila Zeus yung kapatid nila, yung first dance niya ay yung daddy niya at yung panghuli naman na ngayon ay nagsasayaw parin sila nong lalaking hindi ko kilala. Pinapanood lang namin silang magsayaw. May itsura at gwapo naman yung lalaki pero mas gwapo parin tong apat na katabi ko na ngayon at nakatitig sakin, imbes na panoorin nila yung kapatid nilang sumasayaw yung mukha ko naman ang pinapanood nila.

Akma sana akong iinom ng juice pero napasigaw ako at nabitawan ko yung baso ng makarining ako ng sabay sabay na putok ng baril. Anong nangyayare? Agad naman akong hinawakan ni Zack sa ulo at pinayuko kinulong niya rin ako sa mga bisig niya. Rinig ko yung sigawan ng mga tao habang tumatakbo sila palabas.

May nagsipasok rin na mga taong nakaitim at agad silang nagpaulan ng bala, parang wala silang pakialam kong sino ang matamaan nila. "Shit fucking shit!" Rinig kong mura ni Zack at nanlaki yung mga mata ko ng bigla itong may nilabas na baril pati na rin sina Zeus, Zaki at Zy pati na sila Rence yung mga lalaking kaibigan namin habang pinoprotekahan nila sina xy. Bakit may hawak silang baril? Saan nila yun nakuha?

Ano bang nangyayare? Ramdamn kong nanginginig nako sa takot dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pangyayare. Tulala lang ako sa kawalan habang naririnig ko yung nagpapalitan ng putok ng baril yung mga lalaking nakaitim at yung parang bodyguard nila zeus pati na sina zeus ay nakikipag barilan na rin. Napaupo rin ako dahil biglang umupo si Zack ay parang may tinaob na alam kung lamesa yun para gawing harang.

"Shit damn, Zack you and kitty leave here, take care of her, the other girls have also left." Rinig kong sigaw ni Zeus kaya bigla akong pinaharap sa kaniya pero wala ako sa sarili. "Mi amor hey, we need to get out of her." Rinig kong sambit niya pero hindi ko magawang magsalita dahil sa naninigas yung katawan at labi ko.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon