CHAPTER 06

1.9K 37 2
                                    

Amara

DINALA kami nila Zeus dito sa may rooftop kung saan ako nang galing kanina, pati si Alora dinala rin nila dito.

"Are you sure your ok mayo sol?" Pang ilang besis na bang tinanong ni Zaki sakin to. Naiirita na rin ako sa paulit-ulit niyang tanong.

"Ilang besis ko na bang sinabi na ok lang ako." Inis na ani ko pero imbis na magsalita siya ay tumawa pa.

"I'm just worried." Muli niyang ani.

Inirapan ko lang ito at binaling kay Alora yung tingin. "Ok ka lang ba, Alora?" Tanong ko tumango naman siya at ngumiti.

Hindi ko sinasadyang napatingin kay Klent at napansin ko itong pasulyap sulyap kay Alora. May something ata sila?

"Don't look at him." Napatingin ako sa tabi ko nang nagsalita ito. "Bakit?" Takang tanong ko pero inismiran niya lang ako at masungit na tumingin sakin.

"Just don't look at him."

Hindi ko na lang pinsin si Zack dahil nawewerdohan ako sa mga sinasabi niya. Tumayo nako at kinuha yung bag ko.

"Where are you going?" Nakakunot noong tanong ni zack. "Aalis na, uuwi na kami sa dorm." Sagot ko at pinuntahan si Alora.

"Alora balik na tayo sa dorm." Aya ko tumango naman siya at kinuha na nito ang mga gamit. "We have brought you." Lalo akong napakunot noo dahil sa sinabi ni Klent.

"Hindi na kaya na namin, thank you kanina." Sambit ko at hinila si Alora paalis. Wala yung iba nilang kaibigan dahil may inasekaso daw sila. Hindi ko naman alam dahil hindi ko na tinanong.

Kapal naman ng mukha kong magtanong eh hindi ko naman sila kaibigan o kung ano pa. Nang maka alis kami sa building na yon binagalan naman namin yung lakad kahit na mag gagabi na.

"Magkwento ka." Napatingin naman ako kay Alora ng bigla itong nagsalita.

"Ng ano naman?" Nakakunot noong ani ko.

"Pano ka napadpad doon eh hindi naman natin yun building." Takang tanong niya tumikhim naman ako. "Dinala ako don ni Clarence kaya andon ako." Sagot ko.

"Then?" Tinignan ko naman siya dahil sa naging reaction niya. "Pinakilala niya ako don sa mga kaibigan niya, tapos nalaman ko kay Jerome na binubully ka na naman ni Elyse." Sambit ko, si Jerome yung hinawakan ko kanina sa magkabilang balikat nalaman ko yung pangalan niya dahil nagpakilala siya sakin kanina.

"Ah ganon ba" sambit niya at hindi na muli pang nagsalita. Yung building kase na yun building ng mga graduating student. Kami kase ni alora first year pa lang kaya sa ibang building kami.

"Teka, ano rin ang ginagawa mo don huh?" Bigla kong tanong sa kaniya, napansin kong nag aalangan siyang sumagot sakin.

"Ahm ano may kinuha lang ako sa isang kong kaibigan kaya andon ako." Ani niya at umiwas ng tingin sakin, hindi naman ako agad na niwala sa sagot niya pero hindi ko na lang ito kinulit dahil baka ayaw niya lang talagang sabihin yung totoo.

Pagkarating namin sa dorm building pumasok ba kami agad sa elevator paakyat. "Good night, Amara, salamat." Sambit ni alora at lumabas na sa elevator sa second floor kase yung dorm niya ako naman sa third floor.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon