CHAPTER 03

2K 47 3
                                    

Amara

MABILIS na lumipas yung isang linggo at ngayon ay pasukan na kaya bumangon nako at pumuntang banyo para makaligo na.

Nang matapus akong maligo dumeretso naman ako sa may kusina para makapagluto na ng almusal maaga pa naman, mayang 7:30 pa ang pasok ko.

Nagluto lang ako ng isang itlog at dalawang hotdog nagtimpla na rin ako ng gatas pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako.

Tapos nako kumain kaya na pagpasiyahan ko na lang na bumaba na para may oras pakong makalibot sa campus.

Nang makalabas ako ng building nadatnan kong madami na ring studyante ang nasa labas. Habang naglalakad ako napatigil ako ng napansin kong may nagkukumpolan sa di' kalayuan.

Dahil sa na courios ako nakipagsiksikan ako para makita ko ng mabuti kong ano ba ang dahilan bakit sila nag kukumpolan.

Nang makapunta ako sa pinaka ginta napakunot noo ako sa nadatnan ko. Ano bang sa tingin nila ang ginagawa nila?

Hindi tama.

"Hahaha nababagay yan sayo" Tumatawang ani nong babaeng pupunta ata sa party ng mga bata sa kapal ng make up sa mukha.

"Ow she's crying na." Mapang asar na ani nong makapal ang make up sa babaeng nerd na naka upo sa lupa.

Aware ba sila na bawal ang mang bully? Hindi na sila naawa ah. "T-tama na po please." Umiiyak na ani nong nerd.

"Elyse, oh she's begging, have mercy." Singit naman nong kasama nong makapal ang mukha "Elyse" pala pangalan.

"Ow I don't have a mercy." Sarcastic na ani nong Elyse at bubuhosan na sana niya yong nerd pero pinigilan ko ito kaya siya ang nabuhosan ng tubig sa mukha.

"What the fuck! it's cold." Maarteng sigaw niya pansin ko naman na nagulat lahat ng nanonood. Nang makabawj si elyse sa pagkakabuhos ng tubig ay tumingin ito sakin.

Sinamaan niya naman ako ng tingin pero hindi ako nagpasindak dahil mali sila. Ang sabi sakin ni ina'y lumaban ako kung asa tama ako.

"And who the hell are you?" Nangangalait na sigaw niya sakin. "How dare you to do that to me bitch." Dagdag niya.

"I'm amara celine infantes and how dare you din para manakit ng tao." Seryosong ani ko nakitaan ko naman sila ng pagkagulat sa mukha at rinig ko pa ang bulongan ng iba na ang tapang ko naman daw para sagotin ang queen at madami pang iba.

"Are you a transferee? What a fucking bitch." Sa paraan ng tingin niya sakin siguro kong nakakamatay lang siguradong naka lamay nako ngayon.

"Yes a transferee, what a trash personality." Kong mas matapang siya mas matapang naman ako dahil hindi ako pinalaki nila ina'y para lang insoltuhin.

"Ang tapang mo ehh transferee ka lang naman." Sabat naman nong isa tinaasan ko lang siya ng kilay. "You don't know what you're up against." Elyse.

"Wala akong pake kong sino ka, mali ang ginagawa niyo." Sigaw ko rin hindi lang naman sila ang may karapatan manigaw kanina pa kaya sila sigaw ng sigaw akala mo naman an'lalayo ko.

"You have no right to question what I do, who do you think you are? your just knowbody." Maarteng sambit niya.

"Kung knowbody ako ikaw naman emburnal ang ugali, pati pag mumukha mo pangit, bata lang ang matutuwa diyan." Galit na sigaw ko, hindi ko na talaga ma control pa yung lumalabas sa bibig ko.

"How dare you! Are you saying that I'm ugly and a fucking clown!!" Hindi makapaniwalang sigaw niya.

"Ow nakuha mo, akala ko kailangan ko pang ipaliwanag sayo." Sarcastic na ani ko bwesit bakit ba naging ganito ang unang araw ko, mamaya mapuntahan pako sa detention room ehh, lagot ako kila ina'y pag nagkataon.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon