CHAPTER 18

1.2K 21 2
                                    

Amara

NAKABALIK na kami sa campus dahil na rin sa nangyare sa camping trip namin, itinigil at pinauwi kami ng mga dean dahil sa naganap na crimin sa camping site. Naging laman yon ng balita at social media, hanggang ngayon wala paring lead ang mga pulis kong sino ba ang may gawa non.

Walang kahit na anong pwedeng maging ebedinsiya ang nakuha ng mga pulis. Walang iniwan ang may gawa na pwedeng makatukoy sa kaniya. Ang galing niya luminis ng kalat. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyare sa mga bangkay na namatay doon.

"Lalim ng iniisip natin." Nabalik ako sa reyalidad ng dumating na si Alora kanina ko pa kase siya hinihintay dito sa labas ng dorm niya, nagsimula naman na kaming maglakad papunta sa room namin dahil back to school na naman kami.

"Tagal mo ah, iniisip ko lang kase na ang galing naman ng gumawa non." Ani ko habang naglalakad. "Yon ba, magaling talaga sila." Makahulugang sinabi niya kaya napakunot noo naman ako.

"Sila? Ano ibig mo sabihin?" Takang tanong ko. "Ibig ko sabihin magaling sila dahil baka hindi lang naman siya nag iisa diba, sa ganong klaseng crimin hindi yon magagawa ng isa lang." Napatango tango naman ako sa sinabi niya, tama naman siya.

"Hayaan mo na ang mga pulis na gumawa ng paraan para mahuli ang mga yon trabaho naman nila yon. Tara na sa klase baka mahuli pa tayo." Ani niya kaya binilisan na namin ang lakad dahil baka nga malate kaming dalawa.

Nang makarating kami sa classroom wala pa si ma'am kaya naupo na kami agad pero ilang sandali lang ay dumating na si ma'am at nagsimula na rin mag lecture.

Agad din naman natapos ang isang oras kaya natapos na ang klase ni ma'am. Vacant namin ngayon kaya naghahanap kami ni Alora ng matatambayan.

"Um Amara, may pupuntahan lang ako saglit ahh." Wika ni alora kaya tumango ako umalis naman siya agad kaya ako na lang magisa ang naglalakad sa hallway.

Saan naman kaya ako pwedeng pumunta? Wala naman akong alam na pwedeng pagtambayan, alam kuna sa rooftop na lang ako tatambay. Hindi sa rooftop na pinagtatambayan nila Zeus, sa ibang rooftop ako pupunta.

Nang makarating ako sa sa rooftop, naghanap naman ako ng pwedeng mauupuan habang naghahanap ako may nakita naman akong familiar na pigura ng tao, kaya nilapitan ko naman ito.

"Rence?" Ani ko ng mapagtanto ko kung sino yung nakatalikod. Lumingon naman ito sakin kaya napangiti ako nginitian niya rin. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Wala naman, dito ako madalas tumambay pag vacant namin, ikaw anong ginagawa mo rito?" Nakangiting wika niya habang nakatingala sa kalangitan.

"Ganon ba, umalis kase saglit si Alora eh kaya naghanap muna ako ng malilipasan ko ng oras." Sagot ko naman habang nakatingala rin sa langit, hindi naman mainit nakakasilaw yung araw dahil narin sa medyo makulimlim.

"Alam mo bang, nakikita ko ang kapatid ko sayo, Amara." Napatingin naman ako kay rence ng sabihin niya yon, nakikita niya ako sa kapatid niya?

"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko habang nakatingin sa kaniya, hindi naman niya ako tinapunan ng tingin.

"Madami kayong pagkakaparihas ng kapatid ko, katulad na lang ng mahilig kayong dalawa sa stuff toy na squirtle, parehas na parehas kayo ng ngiti, parihas rin kayo ng ugali at kaedaran mo lang din siya." Ani niya at hindi inaalis ang tingin sa langit.

"Ehh asan ba siya ngayon?" Takang tanong ko tumingin naman siya sa mga mata ko, nakikita ko na may lungkot sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita.

"Hindi ko alam eh, matagal na siyang nawawala." Mahihimigan ko sa mga boses niya ang lungkot at pangungulila. Nakaramdam naman ako ng awa dahil sa sitwasyon niya ngayon.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon