CHAPTER 49

1.3K 25 4
                                    

Amara

IT'S Zaki's turn. Hindi ko alam na may excited pa pala tong si Zaki kaysa kay Zeus. Dahil pagkauwi namin ni Zeus ay nadatnan ko siya rito sa loob ng dorm ko. Ang sabi niya ay dito na lang daw siya matutulog para sabay kaming mag ayos bukas.

Ginising niya ako ng 4 am ng umaga para daw mag ayos nako. Natawa pa ako dahil pagkagising ko ay bihis na bihis na siya. Sa dorm na rin kami nag almusal. 6 am ng umaga ay umalis na kami ng school.

Ang pupuntahan naman namin ngayon sa national museum of fine arts. Ang sabi maganda raw ang museum na yon kaya don ko napiling pumunta kasama si Zaki. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako ay naman ay tahimik rin na nakatanaw sa labas ng bintana.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakarating sa museum. Agad na nag park si Zaki ng kotse bago kami pumasok sa loob. Pagkapasok namin ay medyo maraming tao.

"Let's go, sunshine." Nakangiting sabi niya, ngunit naman ako pabalik. Hinawakan niya ang palad ko bago kami nagsimulang maglibot libot sa loob ng museum.

Namamangha ako sa lahat ng nakikitang kong arts, minsan naman ay natatawa kami ni Zaki dahil yung ibang arts ay hindi namin naiintindihan pero magaganda naman. Naglibot pa kami ng ilang oras hanggang sa napagpasiyahan na naming umalis.

"Zaki, my loves!" Natigilan kami sa paglalakad ni Zaki ng bigla na lang may malakas na sumigaw ng tignan namin ay isa itong babaeng halos hubad hubad na dahil sa ikli ng mga suot. Napakunot noo ako dahil sa sinigaw niya, Zaki, my loves?

Nagtatakbo ito papunta samin pinagtitinginan na rin siya ng mga tao pero mukhang wala itong pakialam. Naramdaman ko naman na napahigpit ang kapit ni Zaki sa kamay ko.

Pagkalapit nong babae ay agad niyang niyakap si Zaki sa leeg sabay tulak sakin ng malakas kaya napabitaw ako kay Zaki. Napaawang ako ng bibig dahil sa ginawa niya. "Zaki my loves, bakit hindi kana pumupunta sa apartment ko? Hindi mo na rin sinasagot lahat ng text at tawag ko! I miss our bond together lalo na yung exercise sa gabi." Malanding sabi nong babae at humiwalay sa kayap pero nakapulopot parin ang braso niya sa leeg ni Zaki.

At anong sinabi niya? Exercise sa gabi? Ano yon?

Napakrus-arms na lang ako at pinanood kong paano landiin ng babaeng ito si Zaki. "Fuck, let go of me Stella." Inis na sabi ni Zaki, tsk inis daw kahit na gustong gusto niya namang hinahawakan siya ng impokretang babaeng to.

"No, namiss kaya kita. Buti na lang pala at sumama ako sa friends ko pumunta dito dahil dito lang pala kita makikita." Nakakabwesit ang boses ng babaeng to, ang arte arte halata namang iniipit niya lang ang boses niya.

"I said let go of me." Iritang sabi ni Zaki at tinignan ako, tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. "No nga kase, I miss you, pakiss nga ako." Napaawang yong labi ko dahil sa sinabi nong babae, akma sanang hahalikan niya si Zaki sa labi pero mabilis akong lumapit sa kanila at tinulak ng makalas yung ulohan ng babae dahilan para mapahiwalay ito kay Zaki.

"Ouch." Inarte niya at masama akong binalingan ng tingin, tinaasan ko lang siya ng kilay at hinila si Zaki palapit sakin. Napansin ko naman ang pagngiti ng lalaking to, lagot ka sakin mamaya.

"Sino kabang babae ka!?" Inis na bulyaw nong babae at hinarap ako. "Hindi mo ba narinig o naintindihan ang sinabi niya na, Let go of me. Baka gusto mong ako mismo ang magtagalog para maintindihan ng bulok mong utak ang salitang yon." Inis na sabi ko, namula naman siya sa inis. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao.

"Go sunshine, pahiyain mo ang babaeng yan, nilandi ako kanina. Go go go!." Gusto ko sanang matawa dahil sa sinabi sakin ni Zaki pero pinigilan ko dahil may kaharap pa akong higat.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon