CHAPTER 42

1.1K 27 3
                                    

Amara

PAGKAGISING ko kinaumagahan ay bumungad sakin ang apat na naglalakihang nga lalaki na naka-pulopot sakin. Si Zeus ay nasa kabilang side ko habang nakabaon ang mukha sa may leeg ko ganon rin si Zaki sa kabilang side ko.

Habang sina Zack at Zy naman ay kapwa nakapulopot ang mga braso sa hita ko habang nakabaon ang mga mukha sa may tiyan ko. Halos hindi na nga ako makagalaw dahil sa kanilang apat.

Hanggang ngayon ay ganon parin ang posisyon namin lima kahit na sinubukan ko silang gisingin ay iisa lang ang sinasabi nila '5 minutes more.' kaya ayon hinayaan ko na kahit na kanina pa ang wawala ang mga alaga ko sa tiyan ko.

Sinubukan ko naman na umalis. Nagtagumpay naman ako dahil nakaalis ako sa mga bisig nila kaya bumangon nako sa kama at pumuntang banyo. Maliligo ako dahil hindi pako naligo kagabi dahil sa antok. Naka hospital gown pa nga ako eh.

Pagkahubad ko sa mga damit ay bumungad sakin ang mga pasa ko lalo na sa may likod. Napabuntong hininga na lang ako at sinimulan ko ng maligo. Nagbabad lang ako ng ilang minuto. Pagkatapos kong maligo ay lalabas na sana ako ng banyo ng maalala kong wala akong dalang damit rito.

Naka towel lang ako, pano na toh? Pwede naman siguro akong manghiram ng damit nila diba? Dahan dahan akong lumabas ng banyo ay nakahinga ako ng maluwag dahil mahimbing parin ang tulog nilang apat.

Naglakad ako papunta sa walk in closet nila at kumuha ako ng itim na boxer at printed na damit. Sa laki nga ito ay para na akong nakabistida dahil umabot ito sa tuhod ko. Saglit ko lang na pinunasan ang buhok ko bago lumabas ng walk in closet nila.

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng bumungad sakin ang apat na kapwa nakahilira sa harapan ko at seryosong nakatingin sakin. Aniyare? "Hmmm g-good morning." Naiilang na sabi ko pero seryoso parin silang nakatingin sakin.

"Hmm who told you na bumangon kana, hmm sunshine?" Seryosong sabi ni Zaki sakin. Hindi naman ako makatingin sa kanila ng maayos dahil sa mga tingin na binibigay nila sakin. Anong ginawa ko? Bumangon lang naman ako.

"Hindi kapa magaling tapos ngayon nagkikilos kana ha. Hmm pano kung mabinat ka ah, Mayo sol." Aniya naman na Zy, nailagay ko na lang yung dalawang kamay ko sa likod ko at pinagsaklop ito. Ano bang ginawa ko?

"A-ano kase...." Hindi ko matapus tapos ang sasabihin ko dahil sa kabang nararamdaman, Pano ba naman kase mariit silang nakatingin sakin. Para akong bata na pinapagalitan ng mga kuya niya. Jusko.

"Damn, fucking cute." Rinig kong bulong ni Zack pero hindi ko naman masyadong naiintindihan. Napaatras naman ako ng lumapit ng dahan dahan sakin si Zeus. Napahiyaw naman ako ng bigla na lang niya akong buhatin ng parang bata kaya napapulupot yung dalawang paa ko sa bewang niya ag humawak ako sa may batong niya para di mahulog.

Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang pangupo ko ang isang hita ko. Namula ako dahil ngayon ko lang naalala na ang iksi lang ng suot ko sa pang ibaba. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa hiya.

Naglakad siya palapit sa kama at umupo. "Don't do that again, ok kitty?" Malambing na sabi niya at hinawi ang buhok kong humaharang sa mukha ko. Nagtaka ako dahil sa sinabi niya.

"A-ano ba yon?" Tanong ko at tumitig sa kaniya.

"Wag na wag kang babangon habang tulog pa kami. Naiintindihan mo ba." Sabi niya ulit hindi na lang ako umangal pa at tumango na lang. Binaon niya naman ang mukha sa may leeg ko at sininghot singhot ito kaya nakakaramdam ako ng kiliti.

"You smell so good." Namamaos na bulong niya sakin. Bigla naman may naglagay ng towel sa uluhan ko at marahan na pinupunasan ang basa kong buhok. "Basang basa pa yang buhok mo." Boses pa lang kilala kuna. Walang iba kundi si Zaki ang nasa likod ko habang pinupunasan ang basa kong buhok.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon