CHAPTER 20

1.3K 25 2
                                    

Amara

"NO, kahit kailan hindi yun magiging mali. Amin ka lang, Sunshine, hindi ka pwede sa iba, naiintindihan mo ba ako?" Malamig na wika niya para na siyang si Zeus kaya nakaramdam naman ako ng takot.

"Ano bang pinagsasabi mo, Zaki? Hindi ako sa inyo kaya pwede ba paalisin mo nako." Inis na wika ko kahit na natatakot nako sa kaniya, umiling iling siya.

"No, kahit anong sabihin mo amin ka lang!!." Inis na bulyaw niya at umalis. Teka diba dapat ako ang aalis, bakit niya ako inunahan, lukong yon. Napatampal naman ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

Siguro naman hindi siya seryoso sa mga sinabi niya, sana nga. Kase mali yon, maling mag mahal ng isang babae lang, tapos magkakapatid pa sila. Lumabas nako sa kwartong yun at naglakad na papunta sa room kahit na lutang na lutang yung isip ko dahil sa mga sinabi ni Zaki.

Nang makarating ako umupo rin agad ako habang lutang parin. "Hoy, Amara,anong nangyare sayo? Hello kanina pa kita tinatawag." Natauhan naman ako ng yogyugin ako ni Alora, andito pala siya sa tabi ko hindi ko namalayan.

"Ano nadaganan kaba ng libro kaya lutang na lutang ka?" Sarcastic na wika ni Alora bumuntong hininga naman ako at pinagilid ko muna sa utak ko yung mga sinabi sakin ni Zaki.

"Sorry, may iniisip lang ako." Malumanay na wika ko at tumingin sa harap sakto naman na dumating na si ma'am kaya hindi na nakatugon si Alora. "I have an announcement!" Ani ni ma'am kaya napunta sa kaniya ang attention namin.

Buti na lang at wala si Zy dito kundi hindi na naman ako mapakali sa kinauupuan ko. "Alam niyo naman na sa huwebes na ang anniversary ng school natin, sunod na rin ang intrums. Kaya ngayon hindi ako magtuturo dahil may meeting kami, class dismiss." Ani ni ma'am at umalis na, nag si'alis na rin ang yung iba naming mga kaklase.

"Anniversary na pala sa huwebes hyss." Nakatingin naman ako kay Alora dahil parang naghihinayang siya. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Pag anniversary kase ng school natin, may nagaganap na competition." Ani niya at humalumbaba. "Anong competition naman yon?" Takang tanong ko.

"Banda." Simple sagot niya at bumuntong hininga. "Ano namang meron sa banda bakit parang naghihinayang ka?" Tanong ko sa kaniya, tumingin naman siya sakin.

"Gusto ko kase sumali. Hindi sa nagmamayabang ako pero magaling akong kumanta." Nakangiting wika niya.

"Magaling ka naman palang kumanta bakit hindi ka sumali?" Natatawang sambit ko.

"Gaga banda yon no, kailangan may mga kasama ka. Hindi ako makasali sali dahil na rin sa wala akong kaibigan noon." Malumanay na wika niya. Bigla naman akong may naisip parang gusto ko rin sumali.

"May price ba?" Kuminang yung mata ko dahil baka malaki laki ang price, nagtaka naman siya sakin. "Oo malaki, sayang diko makukuha, bakit?"

"Sali tayo dali." Excited na turan ko hindi naman siya makapaniwalang tumingin sakin. "Ikaw tayo? Sasali tayo? Marunong ka rin bang kumanta?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Medyo lang naman pero magaling akong mag gitara." Pagmamayabang ko. "Talaga? Pero tayong dalawa lang. Hindi yon pwede." Nawala yung ngiti niya dahil don.

"Maghahanap tayo." Ani ko at hinila na siya paalis sa room. "Teka, saan naman tayo maghahanap?" Tanong niya habang hila hila ko siya ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na siya sinagot.

Nakasalubong naman namin sila Xy, Cass, at si Claire na naglalakad sa hallway. Tamang tama sila ang hinahanap ko. "Guys!" Sigaw ko kaya napatingin naman sila samin.

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon