Amara
ANG next ko naman na idadate ay si Zeus. Halata naman na kase na siya dahil hindi marunong maglaro si Zaki kahit na nong araw na nag date kami ni Zack ay nag prapractice daw siya ng bato bato pick para siya ang sumunod. Sinabi sakin yon ni Alora nong nagkita kami sa may library.
Sinabi ko din may Zack na wag niya munang sabihin sa dalawa ang sinagot ko na silang dalawa ni Zy. Gusto ko kaseng sa araw ng date namin ko sila sagotin. Kahit yun man lang ay maibigay kong saya para sa kanila.
Maaga akong sinundo ni Zeus sa dorm tulog pa nga ko nong dumating siya. Ang sabi ko ay mga 6 niya ako sundoin pero 5 pa lang ng umaga ay meron na siya. Kaya ayon napilitan na akong bumangon at maligo. Sa dorm na rin kami nag breakfast at ako ang nagluto.
Pagkatapos naming kumain ay agad na rin kaming umalis ng school. Ang napagpasiyahan kong pupuntahan ay sa amusement park na meron dito sa pilipinas. Madaming rides roon kahit na ganito kaaga ay madami ng tao madami ka rin pwedeng gawin roon.
Pwede lang sumakay sa mga rides maglaro ng baril barilan o kung ano pa. Parang peryahan din lang pero iba ito dahil malawak at marami kang pwedeng gawin. Hindi pako nakakapunta sa ganon kaya yon ang naisip ko na puntahan namin ni Zeus.
Nabalik ako sa realidad ng hawakan ni Zeus ang kamay kong nakapatong sa hita ko. "Thank you dahil pumayag kang mag date tayo." Nakangiting sabi niya at saglit akong tinapunan ng tingin.
"Ano kaba, wala yon gusto ko rin na makasama ka." Napansin ko naman na bigla na lang namula ang tenga niya katulad ni Zy kaya natawa ako ng mahina. Nanahimik kami muli at naghintay na lang ako na makarating kami sa amusement park.
Pagkapark ng kotse ni Zeus at agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya naman akong makababa ng kotse bago kami naglakad papunta sa entrance.
Nang makarating kami ay nagbayad muna si Zeus ng entrance fee bago kami tuluyang pumasok sa loob. Tama nga ang hula ko madami ng tao sa gantong oras. Namangha ako dahil sa taas ng mga rides meron din namang pambata pero excited akong sumakay ng ferris wheel.
"Anong gusto mong unang gawin natin?" Tanong si Zeus at pinagsaklob ang palad naming dalawa. Napansin ko rin na pinagtitinginan na kami ng mga tao lalo na ang mga babae na malagkit na nakatingin kay Zeus. Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa kamay niya.
"Hmmm, rides muna tayo." Aniya ko pansin ko naman na medyo namutla siya. Wag mong sabihing takot siya sa rides? "Ayos ka lang ba? Medyo namumulta ka?" Nag alala tanong ko sa kaniya.
"I'm fine, kitty, don't worry siguro sa init lang ng panahon." Sagot niya napakunot noo naman ako dahil hindi naman ganon kainit humahangin naman eh. Napakibit balikat na lang ako at hinila na siya sa isang na roller coaster na nakita ko.
Siya ang nagbayad ng 50 pesos na entrance fee sa rides. Sa roller coaster rides lang muna ang sinakyan namin mamaya na lang siguro yung rides na medyo nakakatakot. Sumakay na rin kami agad ni Zeus, na hahalata ko ang pagiging balisa niya.
"Ayos ka lang ba? Takot kaba sa rides?" Tanong ko sa kaniya. Mabilis naman siyang umiling. "Yes, I'm not. It's my first time kaya medyo hindi ako comportable." Nginitian niya ako ng tipid, tumango na lang ako dahil magsisimula na ang rides.
Nagulat ako dahil sa malakas na sigaw ni Zeus daig pa niya ang mga babaeng kasabay naming sumakay. Natawa na lang ako habang sumisigaw rin. Habang si Zeus nagsisigaw na gusto na niyang bumaba at itigil na ang rides na ito.
Wala akong ibang nagawa kundi ang tawanan siya dahil kahit na magulo na ang buhok niya ay ang cute niya paring tignan. "Fucking hell!" Mura niya, nakailang ikot muna ang sinasakyan naming rides hanggang sa tumigil na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/361673958-288-k371882.jpg)
BINABASA MO ANG
The Quadruplets Psychopaths | ✓
RomantikMeet, Amara Celine Infantes, Amara just wanted to fulfill her dreams in Manila but she didn't think that her quiet life would be disturbed.She just wanted to study but because of four siblings, her studies became chaotic. She also did not think that...