PROLOGUE

2.9K 50 4
                                    

Maaari bang magmahal ng apat na lalaki? Tama ba ang magmahal ng apat na lalaki?

Gusto lang naman tuparin ni amara ang kaniyang mga pangarap sa manila pero hindi niya inakala na do'n na pala magugulo ang tahimik niyang buhay.

Gusto niya lang naman mag aral pero dahil sa apat na magkakapatid naging magulo ang kaniyang pag-aaral. Hindi niya rin inakala na iibig siya sa apat na lalaking gumugulo sa tahimik niyang mundo.

Simula nang masilayan nila si amara pinangako na nila sa sarili na sakanila lamang ang dalaga at kung sino man ang aagaw makakaharap nito ang apat na demonyo.

Gusto nilang apat na makuha ang attention, pagmamahal, kaluluwa at katawan ni amara. Nagiging baliw sila at nakakaramdam ng pag-nanais pumatay.

Pero kumakalma ang kanilang buong sestema pag nararamdaman nila ang presensiya ni amara. Masama silang tao madami na ang kanilang napatay pero tumitiklop ang mga sungay nila pag dating sa dalagang kanilang ninanais, minamahal at inaasam asam.

Gagawin nila ang lahat para maangkin ng buo ang dalaga. Gagawin nila ang lahat para sa dalaga. Handa silang lumuhod para sa dalaga. Handa silang ibuwis ang kanilang buhay para sa dalagang kanilang kinababaliwan.

The reader's vote will be greatly appreciated by the writer

HAPPYTEEDBEAR

The Quadruplets Psychopaths | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon