chapter 10: I don't like you!

723 21 3
                                    

JESIGN......

Wheew! Kakapagod ang ensayo namin dumagdag pa ang utak kuhol na yun. She makes me stress, really stress! Buti na lang uuwi na kami at hindi ko na makikita ang pagmumukha nun. Nagpaalam na kami ni Alex na uuwi at sabay din kami uuwi kasi nakabisekleta lang kami at malapit nga lang ang bahay namin kina Luke. Buti nga yung magkakalapit lang bahay namin. Pauwi na kami nang nakita namin na pauwi na din yung mga kaibigan ni Hannhel at nagbibisekleta pa talaga sila, astig huh.

Teka...

Teka...

Sino yung kakulay ko na bisekleta? Naman!naman! si utak kuhol pa ang kakulay ko ng bisekleta! “Pare Lex, palit muna tayo ng bisekleta.” Huminto ako.

“Huh? Bakit naman?” nagtataka ito.

“Kasi naman sa dinami-dami ng magkakapareha ko ang utak kuhol pa, sige na.” Nagmamakaawa na ang mukha ko. Baka ano naman sabihin nun kesyo destiny kaming dalawa.

“Hahahahaha! Sige Pare. It’s a small world for you and her” natatawa na ito sa akin.

“Sige, tawa ka lang” paninita ko at nagpalit nga kami ng bisekleta. “Thanks, Pare” nagpatuloy na kami sa pagbibisekleta.

Naabutan nga namin yung magkakaibigan kasi nga nagtsitsismisan naman sila. Yung tawa ng kuhol wagas parang siya yung may-ari ng subdivision. Yung tawa na parang walang problema lang but you can see in her eyes the pain. Tinatago lang ba nito ang sakit na hinihinda nya? Arghh! I must care about it.

“Uyy,kanina pa kayo nakasunod sa amin?” sabi ni Juvy na nakatingin kay Alex. Anong meron sa kanila? At talagang nagkatinginan sila huh.hmmmm....

“Oh,Hi Alex! Hi Sleeping giant!” bati ni Hannah sa amin pero hindi ko siya pinansin. “Teka? Ba’t nagpalit kayo ng bisekleta ni Alex?” pagpupuna nya. Huh? How come she know? Manghuhula na ba siya? mangkukulam na ata ito. “Oh! Don’t tell me because of me? You don’t have to do that Signage.”

“Paano mo nalaman?” tanong ni Alex.

“Simple lang, nakita ko kaya kanina pagdating nya. Remember Signage?” tumingin ito na naggrin pa talaga.

“Alam mo ang dami mong codename sa akin” pangchange topic ko. Napahiya ako dun sa sinabi nya huh, nakita nga naman nya ako kanina. Ba’t ko ba nakamlimutan yun, tskskk.

“Alam mo lahat na lang ng sinasabi ko pinupuna mo” pagpupuna din nito. Nainis naman ito sa akin kaya kumiripas siya ng pagbibisekleta. Nagulat kami kaya napatingin na lang kami sa kanya.

Sinundan naman siya ng mga kaibigan niya. “Tulong!” yun alan narinig namin sa kanila kaya dli-dali din kaming tumungo. Pagdating namin,nakita naming pinatitipunan nila si Hannah na walang malay. Nakasandal na ito kay Juvy at yung lalaki namang nakasagasa sa kanya nataranta. Teka, wala namang galos si Hannah ahh?

“Juv, ano nangyari?” lumapit si Alex kay Juvy.

“Muntik lang siya masagasaaan, dali tulungan nyo na kami” yaya nito at binuhat ko na nga kawawa naman siya. muntik lang pala masagasaan.

“Tol, dito na lang sa kotse ko.” Ito ata ang muntik sa kanya na makabangga. Ayun dinala na siya namin sa loob ng kotse nito.

Bumiyahe na nga kami papunta ng ospital at kinakabahan na kami kasi wala paring malay si Utak kuhol eh. Lahat sila ako sinisisi, ba’t ako? Inosente ako, hindi naman ako ang kotse, hindi naman ako ang nagdridrive at higit sa lahat hindi naman siya talaga nasagasaan.

“Sorry talaga hindi ko nakita ang kaibigan” pagsosorry nito. “Ba’t kasi hindi nya ako nakita? May nangyari ba?” tsismoso din pala ito.

“Ito kasi eh” sabayang turo naman ang dalawang ito at ako napatanga lang. “Ba’t kasi sinaktan mo siya, naku! Ikaw naman kasi batang ka, pinapatulan mo pa” paninita ni Juvy.

LOVE ME!HATE ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon