Maaga kaming nagising ni Hannah at nagjogging kami. Ikot-ikot din sa buong resort nila. Minsan nakikita ko si Jesha na nakatingin sa akin na puno ng kalungkutan. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko magawa. Naalala ko ang sabi ni Tito Lordy sa akin kagabi.
Ako ngayon ang incharge sa date namin. Wala akong maisip na plano kasi naguguluhan parin ako sa sarili ko. Minsan nga lumulutang isip ko, kaya nagtataka na si Hannah kung nakikinig pa ba ako sa sinasabi nya.
“So, what’s the plan Signage?” all-out smile ito sa akin.
“Kahit ano lang dyan.” Tipid kong sagot. Nakalutang pa talaga ang utak ko.
“What? Diba ikaw ang incharge? May problema ka ba? Kanina kapa wala sa sarili mo.” Pagpupuna nito.
“Wala ito, pasok lang ako huh. Maliligo ang ako.” Tumayo na ako at tumungo sa bahay nila. Naguiguilty ako sa nararamdaman ko.
Tumungo na nga ako sa kwarto ko pero bago ako pumasok tinawag ako ni Jesha at nag-usap kami sa balcony.
“Ahmm, Jes, mukhang ang saya mo na ngayon kapiling si Hannah ahh.” Malungkot ang mukha nito.
“Ha? Ooh naman.” lipad parin ang utak ko.
“SO, Jes, paano kung sabihin ko kung ngayon narealize ko nang mahal kita. Iiwan mo ba si Hannah? It’s sounds stupid but ngayon ko lang narealize na mahal pala kita talaga kita Jes. Ako naman talaga ang mahal mo diba?” nagulat ako sa ginawa nyang pag-amin at hindi ako nakapagreact.
“Mahal ko ang kapatid mo Jesha.” Sabi ko sa kanya.
“Don’t you think baka nadala ka lang sa emotions mo at sa deal nyo. Kasi kayo lagi ang magkasama, maybe you where just blind with that emotion. Subukan mong hanapin ako sa puso mo, Jes. Hihintayin kita bukas ng gabi sa park na madalas nating puntahan. Kung hindi ka dumating then I’ll just end my life here. Wala namang nagmamahal sa akin dito eh.” Sabi nito at iniwan akong nag-iisa sa balcony.
Mas lalo nyang pinagugulo ang isip ko. Anong gagawin?!!! Aishht!! Ano ba itong gulong pinasukan mo Jesign? Naligo na lang ako at nagpahinga. Kinagabihan na ako nagising and shocks! Nakalimutan kong magdadate pala kami ni Hannah ngayon.! Arghhh!!
HANNAH....
Ano ba nangyayari kay Jesign? Kanina hindi siya nakikinig sa usapan namin, tapos lumutan ang isip nya at wala siyang gana. Ngayon naman, kanina pa ako naghihintay sa kanya, hindi naman siya nagtetext or tumawag kung ano plano namin. Ano ba nangyayari dun? Naisipan nya kaya na hindi nga kami bagay? Na hindi nga nya ako mahal? Aisht!!!! Ano ba pinag-iisip mo Hannah! Erase!erase!erase!
Lumabas na lang ako ng bahay at nagpahangin sa garden namin. Tinatawagan ko siya, hindi naman siya sumasagot. Haist!!!
“Oh, ba’t ikaw lang mag-isa my dear twinsister?” singit ng epal kong kakambal. Sa harap ko pa talaga siya umupo ha.
“Alam mo kung wala kang magawa sa buhay mo, why don’t you take alot of sleeping pills para makatulog ka naman ng maayos. Look at you.” Sita ko sa kanya.
“Naman dear, sister. Baka ikaw ang mangangailangan nyan. Tingnan mo ngayon palang, naluungkot kana oh. Hindi ka ba sinulpot ng boyfee mo?” pang-iinis nito.
“Nagpapahinga lang yun nuh. Inggitera much?” singhal ko sa kanya.
“Hala, baka narealize nun na hindi ka pala mahal nya. Yung totoo, hindi ka naman talaga nya mahal eh. Ako ang mas mahal nya. Inagaw mo siya sa akin tulad ng pag-aagaw mo sa parents natin.” Singhal nito.
“How dare you saying that?! Ikaw ang nang-agaw! Wala akong inagaw sayo! Tungkol kay Jesign? He love me. Hindi ko siya pinilit na mahalin ako!” naiinis na ako sa kanya.
“Andito ka lang pala.” Singit ni Jesign at nagulat ito nang nakita nya si Jesha.
“Tara alis na tayo dito.” Yaya ko sa kanya.
Umalis nga kami dalawa, pero tulad ng kaninang umaga. Wala parin siya sa mood, nakatulala parin. Niyaya ko nalang siyang umupo sa bench dun sa resort.
“Ahmm...Sign, may gumugulo ba sa isip mo?” nag-aalalang tanong ko.
“Ha? Wala.” Pinasandal nya ako sa balikat nya.
“Alam mo Sign, kung naguguluhan ka pwede mo namang sabihin sa akin. I know, awkward sayo ngayon nandito ang mahal mo dati at ako.” Parinig ko sa kanya. “Sabihin mo lang kung narerealize mong hindi mo na ako mahal. I’m willing to set you free.” Sabi ko.
“Ano kaba, hindi yun mangyayari. Ikaw ang mahal ko.” Sabi nito.
“Talaga? Kilala mo naman ako Sign. Mas pipiliin ko pang mas masaktan ng maaga kaysa panghawakan ang mga salitang hindi naman totoo.” Parinig ko ulit.
“May sinabi ba sayo si Jesha?” tanong nito.
“Naah, wala. Hmmmmmm. Basta no matter what happened let’s cherish this moment.” Sabi ko. Hindi na ako ngayon nakakasiguro sa posisyon ko ngayon kay Jesign. I know he’s confuse with his feeling. Sana ako parin ang piliin.
Naglakad-lakad ulit kami at niyaya ko na siyang umuwi, ganun parin eh. Lagi siyang tulala at wala sa sarili. Hinatid na nya ako sa kwarto ko and before he left. We kissed,yung kiss na walang magic. Yung kiss na tipong last day na naming magkasama. Ano ba iniisip ko! Erase it Hannah! Erase Hannah!
Tinawagan ko ang mga kaibigan namin, hindi para magshare ng feeling ko ngayon but to ask for a favor. Nagpapatulong ako sa kanila para sa last day ng date namin ni Jesign and I want it to be perfect.
BINABASA MO ANG
LOVE ME!HATE ME!
Fanfictionang love parang naglalaro ka lang yan ng patintero at habul-habulan. Naghahabol ka at yung hinahabol mo may hinahabol din. Para kayong mga temang na naghahabulan, na hindi naman maaabuta ang bawat isa. Lahat kayo taya sa larong ito. Walang mananalo...