Hayy! Natapos din ang valentines, it’s been a week nang hindi kami nag-uusap ni Hannah. Ewan ko ba sa kanya, ba’t may panliligaw pa siyang nalalaman. Alam ko naman ang patutunguhan nito diba? Sasagutin nya ako. Why waste my time courting her if she could just say yes. Eh di sana ngayon masaya na kami, baka sinapian siya ng conservative na multo at balak na nyang magpaligaw. Aisht! Ano ba yan! Ang hirap i-gets ng mga babae.
May biglang tumapik sa braso ko. “Ba’t tulala ka naman?” sabi ni Terrence na kinuha yung katabing upuan ko at umupo
“Wala, may iniisip lang ako.” Tipid ko na sagot at ibinaling ko na ang tingin ko sa labas ng bintana.
“Paano ba mag-isip ng WALA? Baka naman ang WALA ay si HANNAH?” singit ng kadadating lang na si Alex.
“Uyy, guys. Padating na ang mga girls, katatapos lang daw ng last subject nila. Sabay na tayo magbrubrunch.” Singit din ni Luke at tumabi sa akin.
Nasa cafeteria kami ngayon at sabay-sabay naman kaming kumakain. Hindi na ata mapaghihiwalay ang mga couple na yan. Sa major subject na lang nga kami hindi nagkakasama eh.
“Hindi ba kayo nagkakasawaan? Lagi kayong nagkikita,nagsasama at nagdadate. Itong si Alex, lagi naman silang nagkikita ni Juvy, iisang bahay lang kayo at iisang kwarto. Hindi ba kayo naiinis na paggising nyo hanggang pagtulog mukha nyo nagcocross? Si Luke naman, magkapitbahay na nga sila ng syota nya. Halos dun na nga sila nakatira sa bahay nina Anni, lagi parin kayo nagkikita. Itong krung-krung naman, ipinalit ang Korea para lang makasama si Ludy plus hatid-sundo din ito. Guys, hindi ba kayo naiirita sa bawat isa?” pagsisinghal ko sa kanila.
“Aba! KJ ka lang Jesign!” biglaang sigaw ni Alex kaya yung ibang mga tao sa cafeteria napatingin sa amin.
“Inggit kamu, Pare wag mo kaming idamay sa pagsesenti mo. Aba!” singhal naman ni Terrence.
“Ganun kami magmahal eh, walang sawaan. Ba’t kasi ayaw mo ligawan na lang si Hannah? Para matulad ka sa amin, happy.”ngumiti siya akin, ngiting hudas.
“Exage naman ang reaksyon nyo. Tingnan nyo, pinagtitinginan na tayo.” Sita ko sa kanila at napalingon naman sila sa paligid namin sabay peacesign sa mga naisturbo nila.
“Yung totoo pare, ba’t hindi mo na lang ligawan si Hannah? Mahal mo naman siya diba?” seryosong tanong ni Terrence.
“Ba’t ko naman siya liligawan, alam ko naman na sasagutin nya ako.” Sagot ko naman
“Pare, ngayon nga lang nagpapahard-to-get si Hannibal hindi mo pa pinagbigyan.” Sabi naman ni Luke.
“Arte lang yan nuh. Baka sinapian siya ng conservative na maligno kaya nagkaganun siya.” napatawa naman kami.
“Baka naman kasi Jes, hindi ka marunong manligaw.” Kantyaw ni Luke.
“Oo, ako kaya nililigawan. Bakit kayo? Marunong ba kayo?” tanong ko sa kanila.
“Ooh naman! takot ka pala manligaw eh, hindi marunong.” Kantyaw naman ni Alex.
Pinagtawanan nila ako, issue agad? Eh sa ayoko ngang manligaw eh, ako lang ang nililigawan. Why would I waste my time?
“Hindi ako takot nuh! Ba’t naman ako mag-aaksaya ng oras dyan, tsk.” Napaismid na lang ako sa kanila.
“Pare, ako nanligaw ako kay Anni for so long. Si Alex, liligawan din nyan si Juvy at si Terrence nanliligaw na kay Ludy.” Paliwanag naman ni Luke.
“Aisht, hindi naman bagay sa kanya ligawan nuh.” Pagtatanggol ko.
“Sino nagsabi sayo na hindi siya bagay ligawan?” biglang singit ni Anni, nasa likuransiya ni Luke.
BINABASA MO ANG
LOVE ME!HATE ME!
Fanfictionang love parang naglalaro ka lang yan ng patintero at habul-habulan. Naghahabol ka at yung hinahabol mo may hinahabol din. Para kayong mga temang na naghahabulan, na hindi naman maaabuta ang bawat isa. Lahat kayo taya sa larong ito. Walang mananalo...