chapter33: fake smile

611 20 5
                                    

Hindi ako nakatulog kagabi, buong gabi ako umiyak. Wala dito ang Lola ko, yung mga kaibigan ko sa resort sila nagstay. Maaga akong nagising at tumungo sa kanila para makikulitan, its a new beginning for me. Kailangan kong maging masaya at bubbly tulad ng dati.

Pagdating ko ng resort, nakita ko na ang magcouple. Daya nila nag-aalmusal na pala sila. Aisht!

“Ang daya nyo, ah! Hindi nyo man lang hinintay ang may-ari. Hmmp!” tumabi ako sa kanila. Kulang ata sila, wala si Jesign.

Haist, ba’t ko ba hinahanap yun?! kainis naman na puso oh, sarap dukutin at itapon.

“Mabuti naman at bumalik na ang dating HANNIBAL.”puna ni Anni at nagsmile naman ako.

“Hannibal, sinuntok ni Luke si Jesign kagabi. Dumugo yung bibig nito.” Pangsusumbong ni Alex.

“Ikaw talaga, ang ingay mo!” sita ni Juvy sa kanya.

Nag-alala ako kay Jesign, kamusta na kaya yun?

“Sorry, Hann. Hindi ko sadya, nadala lang ako sa inis ko.” Pagsosorry ni Luke.

“Naah, ok lang. Okay naman siya di ba? Wag nyong isisi kay Sign lahat, ano ba kayo. Icheer nyo siya baka kailangan nya din kayo. Baka isipin nun, unfair kayo.” Sabi ko sa kanila.

Ayoko naman masira ang friendship namin dahil lang sa amin. Alam kong mahalaga din kay Jesign ang barkada na ito.

“Ahmm, kaya mo bang pakisamahan si Jesign?” naiilang na tanong ni Anni.

“Oo naman nuh. I’ll be fine nga diba? I’m sure namiss nya naman ang grupo.” Sabi ko.

Dumaan si Jesign kaya tinawag siya ni Alex. Napatigil naman ito, naiilang ata sa akin. Wala ata siyang tulog. Yung mata nya namamaga, at malungkot. Ba’t ganun siya? dapat masaya siya dahil natupad na din ang matagal nyang pangarap. Nagkatinginan kami at nauna akong umiwas. Lumapit ito sa amin at tumabi kay Terrence. Siyempre! Alangan naman tumabi siya sa akin.

“Pare, sorry sa ginawa ko sayo kagabi ha. Nagulat lang ako.” Pagsosorry ni Luke at tinanggap naman ito ni Jesign.

Umiiwas parin ako ng tingin sa kanya. “So, ano plano nyo ngayon? Malapit na matapos ang bakasyon natin.” Tanong ko.

“Sa park tayo!” suggest ni Alex at siniko naman siya ni Juvy.

“Sige, sa park tayo. But wala si Exia.” Sabi ko, kunwaring hindi affected.

“Next time na lang si Exia. Tayo na lang muna, hindi kami mag-eenjoy ni Juv yun.” singit ni Alex.

“Ganun? Gusto mo lang pala masolo si Juvy.” Singhal ko sa kanya.

May iniabot sa akin si Jesign, ang usb ko. “Hann, sayo ata ito.” Sabi nito.

Nagulat ako at bigla kong naalala ang slideshow ko. “AH,thanks.” Napatingin ako sa mga kasama ko.

“sorry, Hann. Napanood namin kagabi.” Nagpeacesign si Anni pati na rin yung iba except kay Jesign.

Hayy, may magagawa pa ba ako? “Okay lang. Out of fun lang yung ginawa ko.” Pilit kong nagsmile.

“Teka, Jeshann, nagkiss na ba ako? Base sa narinig namin kagabi. The magical kiss? Na nakakaadik?” pag-iintriga ni Alex.

LOVE ME!HATE ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon