chapter 35: hatethat i love you

597 24 2
                                    

Scene nung kumanta na si Jesign....

Pagdating ko ng restroom pumasok ako agad sa isang cubicle at umiyak ng umiyak. Until may friends knock on me. Alam kong nag-alala sila, kaya matapos kong magpunas ng luha lumabas na ako.

“Oh, ba’t napasugod kayo?” kunwari kong pagtatanong.

“wag kanang magpretend sa amin Hann.” Pagbubuking ni Anni.

“Pinasundan ka sa amin ni Jesign. Nag-alala siya sayo, hindi lang siya pati na rin kami. Okay kana?” singit ni Juvy na kasalukuyang nasa pintuan.

Nagpunas ulit ako ng mga luha kong dumadaloy naman. “Ano ba kayo? I’m just over-whelmed with the response of the people to my voice.” Palusot ko naman.

“Wow Hann,grabe naman na tears of joy yan. Isang drum na, oh. We know you Hannaibal, saan na ba ang prangkang Hannah?” sabi naman ni Ludy.

“Yung Hannang, masiyahin at matapang?” kunwaring may hinahanap sa cubicle.

“Yung Hannang, hindi pretender?” sabi naman ni Ludy na nagkibit-balikat pa.

“Aisht!! Kaya nga mahal ko kayo eh. Hmmmmmm”niyakap ko sila. “I’m fine! I’ll be fine!” sabi ko naman.

Bumalik na nga kami sa mesa namin. Napatingin ako kay jesign, kumakanta ito ng thunder . yun nga ba nararamdaman nya sa kinakanta nya? Aisht, ano kaba Hannibal. Dedicated yun malamang kay Jesha, umaasa ka naman much. Tama na yan, nasaktan kana! Matuto ka na dun, aisht. Umiwas na ako ng tingin sa kanya. Pagkatapos nyang kumanta bumaba na ito at kinamust nya if okay lang ako. Malamang, joke yung sagot. I’m fine? I’m fine nung wala kapa sa buhay ko. I’m fine, bago tayo maghiwalay. I’m pretending to be fine eventhough I bleed inside.

Nagkaroon ng special request, yung magrerequest ang mga guest namin ng kanta tapos sila din pipili ng kakanta.  Lumapit si Alex sa isang matandang babaeng kanina pa kumakaway sa kanya. Si Alex kasi ang nagsilbing entertainer at host ngayong gabi.

“Hi, Granny. Magandang po.” Nagmano ito sa matanda. “Ano po request nyo?” tanong nya.

“Kaawan ka ng Diyos. Magalang na bata, pogi pa.” Sabi naman ng matanda, si Granny kumekerengkeng pa. Naghiyawan naman ang mga tao.

“Hindi po talaga kayo sinungaling, hehehhehe. So, Granny anong kanta po ang nirerequest ninyo?” tanong ulit ni Alex.

“Gusto ko yung Hate that I love you nina Rihanna at Ne-yo. Request ng apo ko.” Sagot ng matanda.

Maganda nga ang apo nya. Sigurado kayang apo nya ang magrrequest? Weee?

“sige po. Sino naman gusto nyong kumanta?”tanong ni Alex ulit sa matanda.

“Yung dalawang huling kumanta. Ang nagsolo, hindi pa kasi namin narinig ang boses nilang makaduet. Mas gaganda kung dalawa sila.” Sabi ng matanda na tinuropa talaga kami.

Aisht!!!! Ba’t ako pa?! Ba’t kami pa?! Ano ba ito? Joke lang talaga? Aisht!!!! Hate that iloveoyu pa talaga? Napatingin naman ang lahat sa amin. Mga kaibigan namin gulat and fiz!

“Guys, okay lang ba sa inyo?” tanong sa amin ni Alex.

Nagkatinginan naman kami ni Jesign, nagtatanungan kung keribels ba namin. “Sige, baka magtampo si Granny pag hindi natin pagbigyan.” Sabi ko sabay ngiti sa matanda.

LOVE ME!HATE ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon