CHAPTER 8: DOUBLE DATE

710 23 3
                                    

JESIGN.....

This is it! Magkikita na kami mamaya ni Jesha. Yes!yes!yes! si Jesha po pala ang special someone ko na unfortunately inlove sa kapatid ko. Ang complicated ng storya namin dagdag pa itong unknown daughter na type na ata ng kapatid ko mas masasaktan nito si Jesha and I’m here to save her.  Kung ako na lang nagustuhan nya wala pa kaming problema. We completely live happily ever after hindi yung ganito nasasaktan kami. Dapat magpapogi ako ng todo nito,wheew.

“Uyy, may nagtext”binasa ko yung text. “Umiba yung meeting place namin? Okay lang yun anything for my lady”.

Lumabas na ako ng kwarto para mangtahalian. Nakita ko nga si Sean, nagprepare para sa date nila maya ng unknown daughter. Naks naman, ang kapatid ko talaga. Totoo nga bang maganda ang ex-fiance ko na yun?

“Tol, busy natin ah” sabi ko.

“Ooh naman nuh, magkikita kami ng future wife ko” pagyayabang nito.

“Wee? Kung hindi ako tumanggi malamang sa akin yun, eh. Kaya ‘tol itreat mo ako huh.” Biro ko sa kanya.

“Ooh,ba!” –Sean.

“Sige, ako din maghahanda para sa date namin ni Jesha ko” pagyayabang ko.

“Date ka dyan! Gago, may ibibigay lang si Jesha sayo hindi yun date.” Hinagis nya yung kulay pink kong poloshirt.

Eh,sa mahilig ako sa kulay pink eh..hehehehe.

“Alam mo kasi Tol” umakbay ako sa kanya. “Date parin yun tawag, malay natin yun pala way nina Mommy at Ninang para magkaigihan kami.”

HANNAH.....

Hayy, naku naman!heto naghahanda na ako sa operation sira ulo ko. Thanks to my dear Sister kahit papano nagkakwenta naman siya sa akin, natatandaan ko na ang likes and dislikes ng fiance ko kuno. I’ll make this night a very nice one! Hahahahaha,magiging success naman ito! Let the show begin! Pagbaba ko ng kwarto nakita ko si Jesha, wow ang ganda naman nya pero mas maganda ako sa kanya.

“Ganda natin ahh” bati ko sa kanya.

Shock ang mukha ng lola natin. “Ba’t ganyan suot mo?”

“Ganda ko nuh?” umiikot pa ako. “Diba he hates it? Para maturn-off na siya” paliwanag ko naman sa kanya.

“My gosh” napasapo siya sa head nya.

“Hey, what’s wrong my Sister? Akala mo susundin ko yung sinabi mo nuh? Hello?” nagpacute pa ako sa kanya.

“Same naman tayo ng pupuntahan diba?” pangchange topic nya.

“Duh, malay ko. Planner ba ako para malaman kung saan ka maglalalandi?” pagsusuplada ko.

Talagang eeksena siya sa pupuntahan ko huh. Maepal talaga ang lukaret na ito. Hmmmm..? tama,sumama na lang siya para siya magustuhan ng lalaki na yun. May pangback-up plan ako. Whahahahahaha! Ang talino mo talaga Hannibal!

“Hello? Ano tinatawa mo dyan?” nagtataka.

“Oh, nothing sister. I’m just excited to meet that stupid guy. Tara na!” hinila ko na siya baka magbago pa isip ng lukaret.

Tumungo na kami sa resto bar na sabi ni Mama kung saan kami magkikita. Siguradong uuwi yun ng maaga sa outfit ko pa naman na super elegant. Nasaan na kaya yun? Ito namang kasama ko kung makaretouch wagas na wagas, umaatake naman sakit nya sa insecurities.

“Hoy, babae parang bayaran kana sa mukha mo.” Paninita ko sa kanya. “ bawasan mo nga ang blush-on mo.”

“Ito na, baka maapawan mo pa ako eh” nagdadabog na sabi nito.

LOVE ME!HATE ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon