chapter 28: 3rd day/kissing in the rain

694 25 9
                                    

Nauna akong nagising kay Jesign kaya pinaghanda ko na siya ng almusal. Waa, paggising ko kaninang umaga nagulat ako sa posisyon namin ni Jesign, magkayakap kami at magkatanday din kami. Waaa!! Pati yung nangyari kagabi, biglang kong naalala. Magkatabi pala kaming natulog dito. Hayyyy,parang mag-asawa lang kami eh nuh? Aisht! Ano ba itong pinag-iisip ko.

“Goodmorning.” Bati nya sa akin. nasa dinning na pala ito nakaupo.

“Morning din, breakfast na tayo. Inilapag ko ang ulam namin.” Umupo ako sa harap nya.

“Sige, nakss. Naghanda talaga ahh.” Sabi nito at tinakam ang bacon.

“Niyaya ko pala sina Anni na pumunta dito ngayon, diba nagpromise ako na pupunta sila dito? So I invited them.” Sabi ko sa kanya.

“Sige ba.” Pinagpatuloy nya ang pagkain nya.

After nga naming kumain tumambay muna kami sa garden. Hanggang dumating sina Juvy at Alex tas sumunod naman sina Anni, Luke, Ludy at Terrence. Bago pala naming katropa si Terrence since bati na sila ni Luke at nangako siyang hindi na guguluhin pa sina Luke at Anni. Tumambay na din sila sa garden.

“Teka nga, ba’t andito kana Jesign?” tanong ni Luke kay Jesign.

“Dito siya natulog kagabi.” Sabat naman ni Alex. Kahit kailan talaga maepal ito eh, malamang sinabihan siya ni Juvy. Yung mga kasama namin gulat ang face. Except sa mag-asawang ito, haist.

“Grabe ka Anni, binahay mo agad si Jes.” Exaggerated na sabi ni Anni.

“Pare, grabbing the oppurtunity?” tanong naman ni Luke.

“Ikaw na Anni! Kamusta naman ang pagpikot mo kay Jes?”tanong ni Juvy.

“Ano ba kayo! Walang nangyari nuh. Tsssk! Bakit bawal ba samahan ang girlfriend kong walang makasama dito?” pagtatanggol naman ni Jesign. Lihim na napakilig naman ako.

“Tae mo Jesign! If I know sinadya mo talaga dito matulog.” Sagot naman ni Luke.

“Tae mo din!” ganti ni Jesign.

“Ba’t puro na lang shit pinag-uusapan nyo?” biglang singit ni Terrence.

“Tae mo!” sabay na banat ng dalawa kay Terrence at napaalsa na lang ng kamay si Terrence.

“Big deal talaga? Sana hindi ko na lang kayo inimbita dito.” Naiinis kong sabi.

“Ito naman, hindi na mabiro. Ganda ng bahay nyo Hannibal huh. Like it.” Sabi naman ni Juvy.

“Thanks.” Niyaya ko silang pumasok sa bahay at idinala ko sila sa rooftop ng bahay, nandun kasi ang swimming pool namin.

Mas napamangha sila sa rooftop namin. May swimming pool kasi dun, grill station, at minibar ulit. Kahit walang umiinom dito sa amin nagpalagay parin si Lola ng mini-bar. Kesyo daw para kung may party dito sa bahay. Mas party animal si Granny kaysa sa akin.

Bumaba kami para kumuha ng makakain namin at nung nasa hagdan na kami paakyat kinausap ako ni Jesign.

“May rooftop pala kayo?” tanong sa akin ni Jesign. Hindi ko nga pala siya nadala dito.

“Ooh, sorry. Nakalimutan ko eh.” Sabay peacesign sa kanya.

“okay lang. Dito mo ako dapat idate mamaya.” Sabi nito.

“Ooh na, promise.” Nagpromise sign pa ako.

“Ehem, anung pinag-uusapan nyo?” biglang singit ni Juvy sa akin. nakasunod pala ito sa amin.

“Wala.” Tipid na sagot ni Jesign at pumanhik na nga kami pataas.

Naging masaya ang bonding namin sa rooftop. Nagkukulitan, bangayan at sweet-sweetan. Naliligo kaming mga babae habang ang mga lalaki ay umiinom. May limit yung tagayan nila para walang uuwing lasing.

LOVE ME!HATE ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon