HANNAH.....
Hayyy, hindi na ako pinapansin ni Jesign lately. Almost a week na pala, sumuko na ata. Kainis naman kasi ba’t pa ako nagpahard-to-get thing eh. Kainis na talaga! I hate myself,sabi nila may dinadate na daw na iba si Jesign. Mas nalungkot ako, ayoko na talaga. I can’t live without him, I can’t!!!!
“Guys, wag na kaya tayo tumuloy?” suggest ko. Hindi ko ata carry makikita ko.
“Huh? Sapak you want?” banta naman ni Ludy.
“Eh sa hindi pa ako handa sa makikita ko eh.” Naiiyak naman ako.
“G*g@! uunahin mo pa ba ang kaduwagan mo? nasaan na ang Hannah na matapang at palaban? naku!” naiinis na banat ni Anni.
“Hannibal, kunin mo na siya bago kapa magsisi na hindi mo siya ipinaglaban.” Pag-eencourage naman ni Juvy.
“Hayyy, kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi nya piliin? Ipahihiya nya ako?” aisht! Daming ‘paano’ sa isip ko.
“Paano kong hinihintay ka pala nya? Paano kung ikaw pipiliin at wala ka? Mas masakit diba?” pagpapaunawa ni Juvy.
“Sige, there’s no harm in trying! Kaya ko ito. Basta wag nyo akong iwan huh?”
“Oo naman, naagaw mo nga siya kay Jesha eh sa isang pipitsugin pa kaya? Hala magretouch kana, dapat mas maganda kapa sa babae nya.” Pagchecheer ni Ludy sa akin.
“Saan nyo naman nakuha itong dress na ito? Pinaghandaan nyo ba ang event na ito?” tanong ko sa kanila, kanina ko pa napapansin bongga ata ang suot ko ngayon.
“Ooh kaya, alam kasi namin na magdadate sila ngayon dapat mas bongga ka sa kanya.” Paliwanag naman ni Anni.
Nagretouch na nga ako, tama sila. Dapat mas maganda ako sa mang-aagaw na yun, magtutuos kami. Kahit mapahiya ako basta maipaglaban ko si Jesign. Ganda kaya ng dress ko, cocktail dress na tube at kulay black with accent of silver beads. Aatend ng JS Prom ang peg, hahahaha. Ang ganda, naamaze ako sa sarili ko. Ano ba yan!
Nakadating na nga kami sa park at kasalukuyang nasa parking lot pa kami, sa loob ng kotse. Ba’t ang hilig ni Jesign magdala ng babae dito sa teens park? Aisht! Kasama ako sa listahan ng mga babae nya na nadala nya dito.
“Girls, tama ba ito?”kinakabahan talaga ako.
“Ano ba Hannah! Nandito na tayo.” Hinila na nila ako palabas ng kotse.
Lumakad kami hanggang couple’s park. Kainis naman! talagang pinaghandaan ni Jesign ang babae yun ng ganito? I hate her, ganun ba siya kaespesyal sa kanya? That he would waste his time doing this? Naiinggit na ako, gusto kong maiyak pero kailangan pigilan.
JESIGN.
.... Seconds, minutes, hours, days, weeks and month. Isang buwan na akong nanliligaw kay Hannah at hindi nya parin ako sinasagot. Ang tagal naman nya akong sagutin, naunahan pa kami ni Terrence at Ludy. Siya ang pinakamalandi sa kanilang magkaibigan pero siya ang pinakamatagal na sumagot. Ano ba yan, minsan nga iniisip ko nanliligaw ba ako? Parang couple naman kami, we kissed and kissed. Ang gulo nga eh, pero okay na yun basta enjoy namin ang isa’t-isa.
Ngayong araw ang pinakamatagal ko nang pinagplanuhan, ooh may plano ako at kakuntsaba ko ang grupo. Isang linggo ko na palang iniiwasan si Hannah. Part po yun ng plan ko and I’ll surprise her.
“Pare parang kinakabahan ako baka hindi pumunta si Hannibal.” Sabi ko kay Alex.
“Ano kaba? Dadating yun kahit iniiwasan mo siya. ang mga girls na bahala dun sa kanya, nag-eemote nga daw siya. hahahaha.”
BINABASA MO ANG
LOVE ME!HATE ME!
Fanficang love parang naglalaro ka lang yan ng patintero at habul-habulan. Naghahabol ka at yung hinahabol mo may hinahabol din. Para kayong mga temang na naghahabulan, na hindi naman maaabuta ang bawat isa. Lahat kayo taya sa larong ito. Walang mananalo...