Simula nang gabi na yun kung saan naging close na kami sa mga lalaki na dati hanggang tingin lang at iniisnab kami ngayon mga kaibigan na namin sila. Except sa amin ni Jesign, magiging bati lang kami siguro kung ako na lang ang babaeng natitira sa mundo. Away-bati kami lagi paano naman kasi ang cute nyang nagagalit at nasasanay na ata akong hindi siya nakikitang nakasimangot. Hehehehehe. Kung may goodnews hindi mawawala ang badnews. Dahil nga close kami sa kanila mas dumami ang haters namin lalo na si Anni.
Ngayon open na ang tambayan ng mga boys sa amin. Yung dance studio na exclusives lang para sa kanila, well sa yaman ba naman nila. Kaya mas dumami haters namin kasi kami lang pwede dun as in kami lang. Whahahahha! Buti na lang malakas si Anni kay Luke. Kasalukuyang nanonood kami ng ensayo ng mga boys. Nandito kami para manood, magcomment, magsuggest at mang-ukray sa sayaw nila, hahahahah.
“Go!!Jesign!”pacheer-cheer ko kay Jesign, ang galing nya talaga sumayaw ever! Okay lang kahit hindi niya ako pansinin.
“Galing nilang sumayaw nuh?”comment ni Hannhel habang nanonood.
“Pahinga muna tayo”. Yaya ni Alex sa kanila at pinatay yung music.
Halata ngang pagod sila......umupo din sila sa harapan namin.
“Maganda ba sayaw namin?”tanong ni Luke habang nagpupunas ng pawis. Habang nagthumbs-up naman si Anni.
“Malapit na.....99.9% na ang galing nyo subalit datapwat may iba dyan nakasimangot kaya pumapanget sayaw nyo” parinig ko kay Sleeping Giant. Totoo naman eh, sumasayaw na nakasimangot.
“Kasi Hannah andyan ka kasi kaya nakasimangot si Jes”singit ni Alex. Sampulan ko kaya ito?
“Tse!”makaalis na lang nga. Tumayo ako at nagwalk-out para iwan sila, trip ko lang umalis kasi naririndi ako sa pagmumukha ng taong yun.
JUVY......
Himalang mahilig na ngayon magwalk-out si Hannah. Natatalo na siya ni Jesign dahil supportive kaming kaibigan sinundan namin siya.
“Hannnibaaaal!!!!” sabayang sigaw namin sa kanya para lumingon. Kanina pa kaming sunod ng sunod hindi naman kami pinapansin.
Tumigil ito at nilingon kami. Hala! Umiiyak ito! Bakit kaya? Hala! Dali-dali naming nilapitan ito.
“Hann, ano nangyari? Ba’t ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Anni.
Umupo muna kami sa bakanteng bench sa mini-forest at ipinatatahan namin siya. minsan lang talaga namin siya nakikitang umiiyak at worried kami tuwing naiiyak siya. hindi naman kasi siya basta-basta umiiyak kung hindi mabigat ang dahilan.
“Dahil ba sa sinabi ni Alex?” tanong ko sa kanya. Humanda sa akin ang Alex na yun.
“Hindi nuh. Kasiii.....” humagulgol naman itong umiiyak. Lalo kaming nag-aalala sa kanya.
“shhhh..... tama na yan Hannibal, sabihin mo na sa amin.” Pagtatahan naman ni Ludy. Hinaplos-haplos namin ang likod nito.
“Anong petsa ba ngayon?” may bigla akong naalala kaya natanong ko sa kanila.
“Ahmmm,Nov.28? omg! Today is the accident!” napasigaw naman si Anni.
Ngayong araw pala ang date ng accident na yun 15 years ago. Haystt, she still don’t forget it. Tuwing Nov.28 umiiyak si Hannah. Hindi nya makalimutan ang araw na ito, the day her life was ruined. Kawawa naman ang kaibigan namin. Tsk!
“Okay lang yan Hannibal but don’t you think Hann it’s time to move on? Lagi mo na lang ba iiyakan ang araw na ito?” sabi ni Anni habang niyayakap si Hannibal.
BINABASA MO ANG
LOVE ME!HATE ME!
Fanficang love parang naglalaro ka lang yan ng patintero at habul-habulan. Naghahabol ka at yung hinahabol mo may hinahabol din. Para kayong mga temang na naghahabulan, na hindi naman maaabuta ang bawat isa. Lahat kayo taya sa larong ito. Walang mananalo...