Everything settled! Nagpasya nga kaming pumayag sa offer ni Mama since may bayad din ito. Saan kapa dun, January pa lang may nakareserve na kaming summer job. Astig! Lahat kami masaya at nagcelebrate sa bagong job namin. Applause! Applause! Waa! Kunting-inuman lang at nasipag-uwian na kami. Siyempre naman, dahil iisang bahay lang kami ni Jesign kami lang magkasama umuwi. Walang-imikan, lakad-lakad din at magkadistansya kami.
“Ahmmm, Hann. Ahmm....” nagdadalawang isip ata siya.
“Ano yun?” naghihintay ako ng sagot nya.
“Sorry, sa nangyari kagabi.” Napayoko ito.
“Yun ba? Okay lang yun.” tipid kong sagot.
“Hindi ko sinasadya ang nangyari.” Sabi nito.
“wala ka namang kasalanan eh. Hindi ko rin sadya na magkagusto sayo. Hindi mo sadyang paibigin ako. Hindi mo sadya ang nangyari. Kasalanan ko naman yun eh, ako yung pumasok ng sarili ko sa gulong ito.” Sabi ko at napatigil kami sa paglakad nung nasa labas na kami ng gate. “Ang hindi ko lang maintindihan, bakit? Bakit mo inulit yung ginawa nila? Tinanong naman kita kung naguguluhan ka, willing kitang pakawalan kong si Jesha ang mahal mo. Mas magaan pa sa damdamin ko yun eh. Kaysa paasahin mo ako!” hindi ko na napigilang umiyak at sigawan siya.
“Sorry, Hann. Alam kong nasaktan kita ng sobrang-sobra. Confuse ako sa sarili ko, ayokong mawala ka sa buhay ko at ayoko din mawala si Jesha. Magpapakamatay si Jesha kapag hindi siya piliin ko kahit ikaw ang gusto kong piliin. Papunta na ako nun sayo eh nung tawagan ako ni Jesha at nagtaka siyang magpakamatay. Mas naawa ako sa kanya, pakiramdam nya walang taong nagmamahal sa kanya at ako alan ang kakampi nya. She need me most more than you need me. Mas maraming nagmamahal sayo, nagkaayos kayo ng mga magulang nyo. Nandyan ang mga kaibigan natin. Nasa sayo na ang lahat. Kinuha mo na ang lahat sa kanya. Samantalang siya? wala.” Pag-eexplain nito.
Mas nasaktan ako sa mga sinabi nya. “Bakit kapag ako ba magpapakamatay tutulungan mo ako?! Ako ba pipiliin mo?! Ilang taon akong nabuhay na walang magulang Sign! Lahat tiniis ko dahil lang sa litseng suicidal act ng kakambal ko! Nasira ang buhay ko! Wala akong kinuha sa kanya! Lahat ng yun ay dapat sa amin! Pero siya?! sinasirili nya, nagtimpi ako ng ilang taon sa kanya. Nagpaubaya at nagtiis para sa kanya! Para sa kaligayahan nya! Pinaasa mo ako! Pinaglaruan mo ang ang damdamin ko! Ilang beses ko diba sinabi sayo, never do what my parents have done to me. Ilang promises ba ang sisirain mo para lang kay Jesha? Totoo nga siguro sabi nyang nabulag ka lang sa akin at nakipaglaro sa deal ko.” Aalis na sana ako pero pinigilan nya ako.
“Ano?! Ooh nung una inisip kong sabayan na lang kita sa trip mo. Kasi nga sabi mo diba trip mo lang ako, at naniwala akong impossible nga tayong magkasundo pero umiba nun nung first date natin until the succeeding dates. Mahal kita! Hannah! Mahal na mahal!” sinigawan na nya ako at nakitang dumadaloy na ang mga luha nya. “Ikaw ang babaeng kinaiinisan ko pero hindi ko magawang mainis sayo. Napipikon ako sayo, sa kalandian mo pero yung pikon na yun lagi na lang napalitan ng tuwa. Lahat ng gusto kong gawin sa isang relasyon sayo ko lang naranasan nang hindi pinalano. Nagagawa ko ang kaabnormalan na bagay dahil sayo! Pero hindi ko magawang iwan si Jesha, lalo pa ngayong nag-iisa na lang siya.” sumbat nito na umiiyak at binitawan nya ang braso ko.
Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero hindi ko magawa, puno parin ng galit ang puso ko.
“Kaya isasakripisyo mo ang sariling kaligayahan mo at ang taong mahal mo para lang sa taong walang alam kundi ang maiinggit sa iba? Baka siya ang totoo nyan mahal mo parin siya lalo pang mahal kana din nya diba? Congratulations sa inyo. Sana matulungan mo siyang makaahon at matutong umintindi sa feelings ng iba!” nauna na akong pumasok sa kanya. Tumakbo akong papasok ng silid ko at doon ko binuhos ang lahat ng luha ko.
BINABASA MO ANG
LOVE ME!HATE ME!
Fanfictionang love parang naglalaro ka lang yan ng patintero at habul-habulan. Naghahabol ka at yung hinahabol mo may hinahabol din. Para kayong mga temang na naghahabulan, na hindi naman maaabuta ang bawat isa. Lahat kayo taya sa larong ito. Walang mananalo...