Hayys, valentines na at ngayon lang akong walang kadate. Aisht! Kainis naman oh, buti naman mga kaibigan ko may mga date ngayon. Samantalang ako, nandito sa resort namin, nasa kwarto ko, nakatunganga sa terrace, at mag-isa. Kinarma na siguro ako, yung mga kaibigan kong dati ay laging vetkong sa valentines at ako nag-eenjoy. Nagkapalit na kami ng sitwasyon, kahit na naiinggit ako I’m still happy for them. Mararanasan na nila ang nararanasan ko, hehehhehe. Ansama ko talaga, magpapakayaman na lang ako mamaya sa gig namin.
Teka, si Jesign wala din pa lang kadate. Wala nga ba? Hmmmm? Marami namang chicks dyan, pwede siyang manlandi. Sana ako na lang landiin nya nuh? And kiss me, just like the movie-marathon night, the kiss in the rain and at the hospital. Nakakaadik naman ang halik nya eh, his red kissable lips that linger my lips. Waaaa! Hannah, ang pervert mo naman! maghunos-dili! Iwww!! Ginulo ko alan ang buhok ko na parang tanga para hindi ko na maisip ang mga bagay na yun.
“Hoy! Babae! Wala ka lang kadate, nababaliw kana.” Sigaw ng kakambal ko na nasa garden namin na super happy ngayon kasi kadate nya si Sean.
Nagulat ako kaya napaayos na lang ako ng aking magulo na buhok. “Aisht! Porke may kadate ka ngayon, kung makakantyaw ka sa akin wagas huh.” Singhal ko na nakapamaywang.
Nagbelat ito sa akin. “Inggit ka lang, ba’t kasi di mo yayain si Jesign. Naghihintay lang yun sayo, nuh.” Ganti naman nito.
“Aba! Ano siya prinsipe? Siya ba si Shin Won ho? Kung siya yun, malamang luluhod pa ako para idate nya.” Ganti ko sa kanya.
“Magkamukha naman sila eh, ngayon kapa aarte sis? Parang hindi ikaw ang bitchy na nakilala.” Pang-iinis pa nito at napabelat ulit.
Aisht! Kainis na siya. napaplastik akong tawa. “Ha-ha-ha! Yes, I’m a bitch. Dati pa yun nuh!”
“Dahil siguro kay Jesign nuh?” pagbubuking nito at napablush naman ako dun.
“Alam mo ba Hann, namimiss ni Jesign ang paglalandi mo sa kanya? Sayang naman kung nagshift kana.” Singit naman ni Sean.
Ang isang ito, epal much din eh nuh? Aisht! Wait!wait! wait ulit! Tama ba pagkarinig ko? Namiss ni Jesign ang bitchiness ko?
“REALLY?!” exage ko lang na reaksyon.
“Wooow, napapablush ka Sister! Hahahahha!” sigaw ni Jesha na super natatawa kaya napahawak sa tyan nya sa tawa. Aisht!
“Ewan ko sa inyo!!!!!!” binato ko sila ng tsinelas ko. Swerte nila nakailag silang dalawa huh.
Kinagabihan...
JESIGN...
Hapon na ako nakauwi ng probinsya. Valentine’s day ngayon, araw ng mga puso at ako sawi. Kung hindi lang nagkagulo dati, kung hindi lang nakiusap si Sean at kung hindi lang ako naduwag na lumapit at umamin kay Hannah, eh di sana ngayon masaya kami. Buti pa mga kaibigan namin, may kanya-kanyang date ngayon samantalang ako? Heto, nasa clubhouse ng resort, naghihintay magsisimula ang gig namin ni Hannah at nakatulala na nakatingin sa kanya.
Masaya ako kasi bati na pala sila ng kakambal nya, at ayon kay Sean nasabi na nila ang totoo kay Hannah. Kaya pala kinausap na ako, natatakot naman ako na itanong sa kanya at baka magalit naman siya sa akin. aisht! Ba’t kasi ang duwag ko? Kung siya na lang kaya yayain ko mamaya na magdate? Kaya lang dami namang nagpapacute sa kanya, baka may kadate yun. Pero, there’s no harm in trying diba? Bahala na nga si Batman at robin sa amin.
“Hoy, Signage. Magsisimula na, ano tinutulala mo dyan?” tanong nito na tinapik-tapik pa ako sa braso.
“Ha?” nagtatarantang tanong ko.
“Ayy, bingi lang? Magsisimula na tayo, ito pala isuot mo.” Sabi nito at iniabot ang isang t-shirt na may print na, happy.
Anong trip naman ito ni Tita? Pagtingin ko sa damit ni Hannah, nakasuot siya ng red t-shirt na may nakalagay na valentines.
BINABASA MO ANG
LOVE ME!HATE ME!
Fanfictionang love parang naglalaro ka lang yan ng patintero at habul-habulan. Naghahabol ka at yung hinahabol mo may hinahabol din. Para kayong mga temang na naghahabulan, na hindi naman maaabuta ang bawat isa. Lahat kayo taya sa larong ito. Walang mananalo...