chapter41: on the spot date

575 25 0
                                    

Matapos naming kumanta sa clubhouse nagpahinga na kami. Nagpaalam kami kina Tita para mauna nang umuwi. Kapagod din naman kasi ang pag-entertain sa mga guest pero swak naman kasi malaki ang payroll namin ngayon. Dahil okay na nga kami ni Hannah ngayon, sabay kami umuwi. Mukhang wala siyang trip ngayon maggala sa resort. Ako din naman kasi, yung gusto kong makasama nasa tabi ko na. Naglalakad na kami pauwi...

“Ba’t napauwi ka agad? Ayaw mo magparty?”tanong ko.

“Malamang, maiinis lang ako sa nakikita ko dun. Hayy, naku.” Napabuntong-hininga alan ito at tiningnan ako. “Eh, ikaw? Ba’t di ka nagflirt dun?”

“Nasa tabi ko na ang gusto kong iflirt.” Sagot ko sabay kindat sa kanya na ikinablush nya naman.

“May ganun kanang nalalaman huh.” Sabi nito.

“Treat kita sa bahay nyo.”yaya ko sa kanya.

“Huh? Itetreat mo ako sa bahay namin? What?” nagtatakang tanong nito.

“Ya, ipagluluto kita ng makakain since 11 na at may one hour pa tayo na magdate oh.” sabay turo ko sa oras ng relo ko.

“What? Magdadate tayo?” naguguluhan parin ito sa pinagsasabi ko.

“Oo, ayaw mo ba? Look Hannibal, wala kang kadate wala din ako, so ba’t hindi na lang tayo? Sayang naman ang one hour na natitira oh. ayaw mo nun may kadate ka ngayon na super gwapo? Minsan lang ako magbigay ng oppurtunity sa mga avid fans ko.” Pagbibiro ko sa kanya but I really meant it na siya gusto ko makadate.

“Ang kapal talaga ng face mo. Pasalamat ka may time pa ako ngayon na isayang ang oras ko para lang mapabigyan kang makasama mo ako.” Nagbelat ito sa akin, ayaw talaga magpatalo.

“Aba, ayaw mo talaga magpatalo nuh?”sabi ko sabay kurot sa pisngi nya. “Lika na nga, wag na natin sayangin ang oras.” Saka ko siya binuhat papasok sa bahay nila at nagulat ito.

“Ibaba mo ako! Ano ba Utak Hangin! Nakakahiya!” sigaw nito sabay hampas sa braso ko.

“Shhh! Wag ka ngang maingay! Sige ka, baka may makakita sa atin.” Babala ko sa kanya at nagpatuloy ng paglakad. Wala na rin siya nagawa kaya napapulupot siya sa leeg ko at nginitian ko naman siya.

Tumungo na nga kami sa bahay nila, inilapag ko na siya sa upuan sa kusina nila. Kasi magluluto kami ngayon ng mahahanap namin sa fridge nila at nakita namin puro mga desserts. Kaya yung blueberry cake na lang na nasa fridge ang kinuha namin at kinain sa rooftop nila. Mahilig ata ang pamilya nila sa rooftop. First time kong makapunta dito at naamaze din ako tulad nung nasa bahay nila sa city. May garden sila, jacuzzi, snackbar, at grill station. Dun kami puwemesto sa swinging chair, naka-indian sit siya at ako naman nakasandal lang sa upuan habang iniiswing ito.

“Hindi ka naman masyado matakaw eh nuh?” kantyaw ko sa kanya na takaw na takaw sa kinakain nito.

Umismid naman siya. “Nasasarapan lang eh, matakaw agad-agad? Di pwede gutom muna? Aisht” inirapan nya ako.

“Biro lang, nagsusungit kana agad.” Sagot ko naman.inilapag ko na ang plato ko at kumuha ng baso ng ice tea at iniiabutan ko din siya ng maiinom.

“Thanks, pakilapag na din.” Sabi nito.

Pagkatapos kong mailapag ang plato nito at ang baso, sumandal ako sa kanya. Wala lang, panglambing lang at padama din sa kanya kung gaano kabigat ang ulo nya.

HANNAH....

Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukuti ng kasamang kong ito at niyaya ako magdate. Okay fine! Kinikilig na ako sa ginawa nya, sobrang kilig. Ang daya nya lang kasi hindi nya ako pinagluto, nagtyaga kami sa cherry cake na yun. aisht! Pasalamat siya maganda ang view namin sa rooftop kung hindi, naku makakalbo siya! ay wag alan, sayang naman kasi.

LOVE ME!HATE ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon