Chapter 36

5 0 0
                                    

LUMIPAS ang isang buwan at tagumpay kong naipanganak ang aking sanggol. Isang napakakisig at lambing na sanggol.

'Kayvan Yael'

Nakangiti ko siyang pinagmamasdan. Ang kanyang labi ay halos kapareho ng kanyang ama. Pati ang hugis ng mukha.

"Calistine, let's go to the kitchen. I prepared a really good soup for us." Masaya si Mama simula nang maipanganak ko si Yael. Halos hindi niya na ito mabitawan. Minsan nga ay nagagalit pa ito sa tuwing kukunin ko ito sa kanya upang patulugin.

"Bakit ang dami naman ng niluto mo, dalawa lang tayo dito—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil narinig ko na ang matarling na boses ni Calissa.

"OMG, Tiya is that sinigang?" Maarteng tanong ni Calissa. Ilang beses na rin kasi siyang dumalaw ulit dito matapos nila akong ihatid. Isang beses ay ipinagluto siya ni Mama ng sinigang at ito na ang naging paborito niyang pagkain. "You know my favorite talaga, Tiya. That's why I love you more than Cali." Aniya pa at nauna ng sumandok ng pagkain.

"I know that it's your favorite. Kaya 'yan ang niluto ko." Masayang sagot naman ni Mama. Si Papa naman ay halos hindi maipinta ang mukha.

"Akala ko ba, adobo ang iluluto mo?" Puno ng pagtatampo ang boses ni Papa. Masarap magluto si Mama pero ang adobo ang pinapaborito ni Papa sa lahat ng niluluto niya.

"Lisa is here so it's gonna be her favorite muna, Sweetie." Malambing na sabi ni Mama habang maingat na kinuha si Yael sa akin. "Ang cute-cute naman ng Yael namin na 'yan." Pakikipaglaro niya kay Yael. Hinayaan ko na muna siyang laruin si Baby at inatupag ang pagkain dahil napakalakas dumede ng batang ito. Kailangan kong kumain ng marami para marami din siya makuhang gatas kapag magutom siya.

Hindi na sumama si Tiya dahil nauna na siyang bumisita kay Calissa pagkatapos kong makauwi galing ospital. Hindi nakasama si Calissa ng araw na iyon dahil sikretong nagkita daw sila ni Devon. Mapaglaro nga naman ang tadhana, hindi pa ito nakuntento sa aming dalawa ni Levan kaya maging si Calissa ay napaglaruan din nito. Bakit sa lahat ng bampira ay si Devon ang intinakda para sa kanya?  

Mahirap din ang sitwasyon nilang dalawa, minsan nga ay naaawa din ako sa kanya dahil wala siyang ibang mapagsabihan ng problema na meron siya. Lalo pa't wala na ako sa Crovenia, tanging ako lamang ang napagsasabihan niya ng ganitong bagay. Hindi rin naman kasi ako maaaring makipag-ugnayan kay Devon dahil nanganganib na baka malaman niya ang tungkol kay Yael, kaya naman hangga't maaari ay hindi ako dapat makipag-ugnayan sa kahit sino man sa mga Romanov. 

"So, Cali. About Levan..." Panimula ni Calissa nang makapasok kami sa aking silid. Iniwan muna namin si Yael kina mama at papa na ngayon ay nanonood ng Tom and Jerry.

"I don't wanna talk about him--" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin."

"He's sick." Aniya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niya. "According to Devon, he's been really sick. Since the day that you left, he hasn't been drinking blood properly hence why his body is so weak right now. Plus, he needed your blood the most." Dagdag niya. 

Hindi ko alam kung ano ang mararadaman ko dahil sa aking mga narinig. Dapat ay nagagalit ako ngayon sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa amin ni Yael. Kaya muntik ng malagay sa panganib ang buhay naming dalawa pero hanggang ngayon ay nanaig parin ang pagmamahal ko sa kanya. 

Dali-dali akong bumaba patungo sa aming first aid kid. Mabuti nalang ay kumpleto ang mga ito. 

"What are you doing, cuz? Don't tell me..." Hindi ko na siya hinayaan pang matapos. 

Walang sabi-sabi kong sinugatan ang aking pulsuhan upang makalabas ang dugo. Nang sa  tingin ko ay sapat na ang dugong nalikom ko ay isinalin ko ito sa isang garapon saka iniabot kay Calissa.

"Make sure that my dad won't know about this. Promise me." Mabilis lamang na napatango si Calissa saka kinuha ang garapon mula sa aking kamay.  

Hindi ko alam kung ano ang naiisip ko. Dapat ay wala na akong pakialam pa sa kanya. Dapat ay hindi ko na iniisip pa ang kalagayan niya pero tuwing maiimahe ko ang kalagayaan niya ay nasasaktan ako para sa aming anak. Alam kong may hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon namin ngunit alam ko rin na karapatan ni Yael na makita pa ang kanyang ama kaya naman hindi ko hahayaan na tuluyang malagay sa panganib ang kanyang buhay.

MABILIS na lumipas ang araw, ngayon ang araw na aalis na sila Papa pabalik sa Crovenia. Narito kami ngayon sa aming bakuran at pinapanood na gumawa si Papa ng lagusan patungo sa kanilang palasyo. 

Habang nagpapaalam kina papa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Galing ito sa kompanya sa ibang bansa na pinag-applyan ko at nilalaman nito ay ang mensahe kung saan tanggap ako sa trabahong pinag-applyan ko. 

"Natanggap ako, Ma, Pa!" Masayang sigaw ko. Tuwang-tuwa ang silang lahat, gusto ko man na manatili pa sila papa lalo pa ngayon na aalis na kami papuntang ibang bansa ngunit alam kong hindi ito maaari. 

Ilang araw na rin ang lumipas mula ng matanggap ako sa pinag-applyan ko. Paalis na kami ngayon ni Mama kasama si Yael. Tinitignan ko ang kabuuan ng aming tahanan. Lahat ng alaala ng aming pamilya ay naririto. Maging ang mga unang pagkikita namin ni Levan ay narirrito din sa tahanang ito. 

Umakyat ako papunta sa aking silid at pinagmasdaan ang kabuuan ng aking katawan. Mahaba parin ang aking buhok, naririto parin ang mga masasaya at mapapait na alaala na meron ako kasama si Levan. Inabot ko ang gunting saka ginupit ang aking buhok hanggang sa aking balikat. Sa sahig ng aking silid  nakakalat ang aking buhok na siyang naglalaman ng aking mga alaala kasama ang lalaking aking pinakamamahal.

Lahat ng mga alaala na hindi ko aakalaing kailangan ko ng kalimutan ay ang maiiwan sa tahanang ito. At sana sa pagbalik ko ay babalikan ko ito ng may ngiti sa aking mga labi. 


Hanggang sa muli, Levan.


Crimson EyesWhere stories live. Discover now