Ngayong araw ay ang natakdang araw para sa pagtitipon na gaganapin sa Kaharian ng mga Ventura. Tahimik akong nag-aayos nang pumasok si Yael sa aking silid.
"Mom, are you going to a party again?" Inosenteng tanong niya habang masusing nakatingin sa akin habang nag-aayos.
"Yes, anak but you know, it's not the right time for you to come, right?" Malambing kong sagot at agad naman siyang sumimangot.
"But who's gonna take of me?" Malungkot na sabi niya. "I wanna come, mommy. Just this once, please." Pagmamakaawa niya.
"Tiyo Callan is gonna be the one taking care of you, anak." Marahan kong pinisil ang kanyang pisngi,
"He is sick. He got into a fight with another vampire." Nagulat naman ako sa kanyang mga sinabi. Kung gano'n ay sino ang maiiwan upang magbantay sa kanya?
"Oh my Gosh." Nasambit ko na lamang. Maya-maya pa ay narinig ko ang mga katok at pagkatapos ay iniluwa ng aking pintuan si Tiya Calista.
"I'm afraid to tell you this but we're gonna have to bring Yael with us, Callan is not feeling well." Nag-aalalang sabi ni Tiya. "He got into a fight with a vampire and guess what? It's a Romanov." Pailing-iling pa si Tiya habang sinasabi 'yon.
"I hope he gets better, Tiya. It's fine, then we'll just have to bring Yael with us. I'm scared of what's gonna happen." Pagsasabi ko ng totoo.
"Yeah! I'm ready to explore!" Masayang sigaw ni Yael. "Good thing I asked the dressmaker to make me an outfit as well." Naka-krus pa ang kanyang mga kamay habang sinasabi ito.
"You silly young man, I guess now you'll have to come with us. Make sure to behave, okay?" Pakiusap ko.
Humalik naman siya sa aking pisngi at masayang lumabas. Maya-maya pa ay bumalik ito dala-dala ang kasuotan na siyang ipinatahi niya.
"Can you help me, mommy?" Masayang tanong niya. Nakangiti naman akong tumango at maingat siyang binihisan.
Mabuti nalang din ay dala ko ang mga gamit niya na palagi kong ginagamit sa kanya noong nasa abroad kami. Inayusan ko ang kanyang buhok upang mas magmukha itong malinis at disente. Pagkatapos ay nakangiti ko siyang pinagmasdan, napakabilis niyang lumako at hindi malilingad na may pagkakahawig silang dalawa ni Levan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag makita niya na kasama ko si Yael.
"Hey, are you guys ready?" Masayang tanong ni Calissa nang makapasok sa aking silid. "Wow, young man. You are looking good today." Pagpapapuri niya sa aking anak na ngayon ay abot hanggang tenga ang ngiti.
'Isa ka nga talagang Romanov.'
"I'm the most good looking guy here." Mayabang na sabi niya at napatakip naman sa kanyang bibig si Calissa.
"Really? Okay, if you say so." Natatawang sabi niya at marahan kinurot sa pisngi si Yael.
"Always a lilac dress, huh? You're gonna stand out, for sure." Aniya na akala mo'y hindi niya suot ang isa sa mga dress na binigay ni Mama sa kanya. Matingkad ang kulay nito at may mga bulaklak pang disensyo na nagpapaiba sa kanya.
"Coming from the girl who's wearing THAT dress." Pabirong sabi ko na ikinatawa niya naman.
MAYA-maya pa ay nagtawag na rin si Papa. Hudyat upang kami ay maglakbay na lalo na't may kalayuan din ang Kaharian ng Ventura mula sa aming Kaharian. Dadaanan pa kasi ang kabuuan ng Kahariang Romanov bago marating ang Kahariang 'yon.
"Promise me that you're gonna behave properly when we get there." Pakiusap ko kay Yael. Tumango-tango naman siya habang nakakapit sa aking braso.
Matapos ang mahabang byahe ay narating namin ang kaharian ng Ventura. Agad naman umagapay sa'min si Mav na masuyong inilahad ang kanyang kamay upang matulungan ako sa pagbaba ng karwahe. Pagkatapos ay maingat niyang binuhat si Yael pababa ng karwahe.
"Thank you, Tiyo!" Masayang pasasalamat ni Yael.
"Are you ready?" Tanong sa akin ni Mav, tumango lamang ako at ngumiti.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman lalo pa't ito ang kaharian ng babaeng humalik sa aking kapareha na nagdulot ng kapahamakan sa aming mag-ina. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag makita ko ang dalawang bampirang hindi ko na nais pang makitang muli. Ngunit alam ko na kailangan ang maayos at magandang pakikitungo at samahan sa bawat Kaharian upang mapanatili ang kapayapaan sa mundong ito.
"Woah, this castle is big! And it's windy in here." Namamanghang sabi ng aking anak. Ito ang unang beses niya na makakita ng ibang palasyo bukod sa Crovenia dahil iilang buwan palang naman kaming namamalagi dito.
"Are you ready, cuz? You know, Levan is gonna be here." Babala ni Calissa sa'kin. Ngumiti na lamang ako sa kanya.
Alam ko na nararamdaman niya rin ang aking kaba lalo pa't makikita na ni Levan ang aming anak. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya na kasasma ko si Yael. Handa na ba ako upang sabihin sa kanya ang lahat? Lalo pa't nasa lugar kami ng babaeng minsang umangkin sa kanyang mga labi. Halo-halo ang aking nararamdaman ngayon.
Sana ay hindi na lamang siya magtanong, kung sino ba ang batang kasama ko dahil natatakot akong sagutin ang mga magiging tanong niya. May isip na rin si Yael kaya naman alam kong naiisip niya na ring makita ang kanyang ama. Alam niya kasi na rito namamalagi si Levan.
Kung ano man ang mangyayari ngayon araw ay bahala na. Gagawin ko na lamang kung ano ang tama ang sa tingin ko na makakabuti sa amin ng aking anak. Alam kong nararapat din nilang dalawa na malaman ang katotohanan ngunit hindi ko naman napagtanto na magiging ganito kabilis 'yon.
"Mommy, you said that my dad is also a royal blood. Does it mean that he's gonna be here too?" Puno ng kuryosidad ang kanyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.
"I guess we'll find out soon, Yael." Nakangiting sabi ko nalang.
"Okay, Mommy. Please, if you see him, introduce me to him." Nakakapit siya sa aking kanang kamay at nakatingalang nakatingin sa'kin.
Ngumiti lamang ako. Hindi alam ang mararamdaman. Alam kong sabik din siya na makita ang kanyang ama. Gano'n din kaya ang mararamdaman ni Levan? Matutuwa kaya siya na makita ang kanyang anak?

YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...