'No, I can't talk to you.'
"Calistine..." I am trying my best not to breakdown here and just hug him back. This is killing me.
"Please, just let me go, Levan." I begged. Baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. "Our families are rivals. We definitely cannot be together." Paliwanag ko.
"I don't care about 'em. I have you, baby. That's all that matters." He is pushy. I don't know what to do right now. "You're all I need, Cali. Just you and I can deal with anything. Please..."
"I can't be with you anymore. Alam mong hindi na pwede." Pagdidiin ko.
"Don't you love me anymore, baby?" Tanong niya na natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ko ito sasagutin.
"I know you still love me, I know you do." Pagpupumilit niya. If only he knew how I feel.
I didn't respond. I remained silent.
"Calistine, please tell me you don't love me anymore. I'll let you go." Hinawakan niya ang aking mga kamay. Ang mga luha niya ay patuloy parin ang pag-agos mula sa kanyang mga mata. "I know you still do. I know I'm still there."
"Levan, just stop." I didn't know what to say. I didn't know how to answer.
"No. I don't love you anymore." The room was filled with silence. Silence that I could hear my heart beating. "Please, just let me go." I begged. He just stood there, looking at the floor.
I didn't waste any time and I walked towards the door leaving the man that has taught how to love. Leaving the man that made me feel what love truly is.
DAYS have passed since the Romanov Ball was held. We left the party as soon as I walked outside his room. I didn't know how I had the courage to tell him that but I know that this is what is best for Yael. I cannot afford Levan to know about him yet. In order for me to keep my son safe, I had to do what I needed to do.
He needs to be safe and Levan knowing about him is not gonna make it easier especially now that we just came back to this world.
"Mommy, Tiyo is gonna bring me out to play." Paalam sa'kin ng aking anak na ngayon ay nakakapit sa kamay ni Mav.
"Alright, just don't let yourself get hurt." Hinalikan ko siya sa noo at masaya siyang lumabas ng aking silid kasama si Mav.
Simula nang makabalik kami sa mundong ito, si Mav ay isa sa mga katulong ko sa pag-alaga kay Yael. Kaya naman naging close din sila agad. Madalas pa nga ay binibiro ako ni Calissa na baka maghanap daw ng tatay si Yael. Mabuti na lamang at nabibigyan namin siya ng sapat na pagmamahal.
Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko ipinagkait kay Yael na malaman ang tungkol sa kanyang ama. Alam niya kung ano ang pangalan nito at alam niya rin na sa tamang panahon ay magkikita sila.
"Anak, kumusta ka?" Bungad ni Papa pagpasok niya sa aking silid. Nginitian ko lamang siya bilang sagot. "Siya nga pala, inimbitahan tayo ng mga Ventura sa isang pagtitipon kasama ang mga dugong bughaw. Naiintindihan ko kung hindi mo nais na sumama—"
"I'll be there, Papa." Hindi ko na siya pinatapos pa. Nakita na rin naman ako ni Levan kaya wala na akong dapat pang ikabahala. Nilinaw ko na rin ang lahat sa kanya kaya naman alam kong hindi na niya ako hahabulin pa.
"Alright, your lilac dress is ready." Ngumiti si Papa bago tuluyang umalis Pagalis niya ay siya namang pagdating ng isang tagapag-lingkod.
"Magandang araw, mahal na regia. Ngayon na po ang oras ng inyong panggagamot kasama ang mga Medela." Tumango naman ako at ngumiti. Maya maya pa ay umalis na rin ang tagapaglingkod.
Nagiging mas magaling na rin ako sa panggagamot. Simula nung makabalik kami sa mundong ito ay mas pinaghusayan ko ang pag-aaral ng panggagamot. Ngayon ay higit na akong nakatutulong sa mga Medela na manggamot ng mga Crovenina. Nalalapit na rin ang oras kung saan ako ay magiging isang ganap na ring Medela.
Sa paglipas ng panahon, malimit din akong nage-ensayo ng aking kapangyarihan. Bukod sa mga paru-paro, nakakaya ko ring kontrolin ang mga puno't halaman. Isa ito sa mga kalakasan ko bilang isang manggagamot.
Madalas ay mga Crovenian lamang ang aming nilulunasan pero nagkakataon ay may mga taga-ibang kaharian ang mga dumadalaw at nagpapagamot sa amin. Hindi ito gaanong tinatangkilik noon ngunit ngayon ay mas pinapaboran ko ito. Lalo pa't tanging mga Crovenian lamang ang mayaman sa mga halamang gamot mula sa aming mga kagubatan.
Ngayong araw, marami-rami din ang mga mamamayan ng Crovenia ang nagpagamot sa amin. Pagkatapos ng oras ng panggamot ay naisipan ko na magtanim ng mas maraming halaman at bulaklak sa aking bakuran. Katabi ito ng espasyo kung saan nag-eensayo si Yael. Isa lamang itong maliit na hardin. May mga iba't ibang uri ng bulaklak at halaman dito kaya naman umaalingasaw ang halimuyak nito.
Kakatapos lang din na magawa ang maliit na pahingahan sa gilid nito, sapat na upang may mapagsilungan ako at si Yael sa tuwing nanaisin naming mamalagi sa hardin upang magpalipas oras.
Nakakatuwa na napakarami ding paru-paro ang dumadalaw dito. Madalas ay ako ang nagdadala ng mga ito gamit ang aking kapangyarihan upang mapanatiling balanse ang daloy ng hardin.
Isa ito sa mga bagay na pinagkaka-abalahan ko sa mundong ito. Kapag panahon ng pamumulaklak ng mga bulaklak ay nireregaluhan ko mga bulaklak si Tiya at Calissa. Dinidisenyuhan ko ito gamit ang mga vase at paso at nilalagyan ito ng iba't ibang bulaklak at halaman na nagsisilbing palamuti at disensyo sa tahanan.
Napakapayapa ng buhay ko sa Crovenia. Lahat ay nakabalanse at napakasaya na makasama ko ang aking pamilya. Paminsan-minsan ay dumadalaw rin kami kay Mama na masayang makita si Yael at lalong lalo na si Papa.
'Hay, napaka-payapang buhay. Sana'y manatili na lamang ganito.'

YOU ARE READING
Crimson Eyes
VampireCali is a hard working girl who loves to strive for something better. She is a freelance graphic designer. She loves doing art and since it's more digital nowadays, Cali decided to enter the world of graphic designing which she never regretted doing...