CHAPTER 17: To Be Considered

2.2K 64 9
                                        

“It wasn’t intentional.”

Pagod na pagod ang katawan ko nang makarating kami sa detention office. Walang ibang tao roon nang makarating kami maliban kay Ms. Ignacio na naghihintay at mukhang nagtitimpi na lang ng kaniyang galit. Siguradong isang maling sagot lang sa mga magiging tanong niya at talagang bubuga na siya ng apoy.

“Then tell me what really happened. Kung bakit naabutan ko kayong nag-aaway. Alam niyo ba kung gaano karaming mga students ang nakapanood sa inyo?”

Tahimik lang si Top sa harapan ko. Mukha pa siyang hindi nakikinig dahil pinapagpag lang niya ang suot niyang polo para maituwid ang iilang gusot. Halatang sanay na sanay na siyang mapunta sa detention office habang ako ay halos takasan na ng kaluluwa sa kaba. Gusto ko tuloy sipain ang binti niya para makinig siya sa mga sinasabi ni Ms. Ignacio.

Umayos muna ako ng upo at pagod na tumango. “That guy was stalking my friend. He’s certainly harassing her. Ipinagtanggol ko lang po ang kaibigan ko.”

“By going to that level? Have you seen his face? He might want to consider letting his wounds be attended to by the doctors. We won’t know if there are internal bleedings. Nursing ka pa naman! You should know.”

Not to be mean, but he deserved it. Kapag sinabi ng babae o ng kahit sinong tao na ayaw nila, dapat ay irespeto niya. Hindi iyong namimilit at talagang bumubuntot pa. Walang lugar sa mundo ang mga bastos na kagaya niya. Kung ako nga lang ang masusunod, baka sobra pa sa nangyari sa kaniya ang ginawa ko. Magpasalamat na lang siya dahil nasa school premises kami.

“I know what I did was too much, and I apologize for it. I just can’t see my friend being paranoid every time she’s going outside! Who knows what that guy was up to?”

Dismayado akong tiningnan ni Ms. Ignacio bago ito humarap kay Top na tahimik pa rin sa harapan ko. “And how about you? First year ka pa lang pero talagang sinisira mo na kaagad ang records mo. Paano ka naman nadamay doon?”

“Madalas ho akong tumambay doon sa mga benches. Free time namin tuwing ganoong oras kaya pumunta ako kagaya ng palagi kong ginagawa. Tapos naabutan ko itong si Bryle na nakikipag-away, kaya tinulungan ko na,” kalmado at diretso nitong sagot.

“At bakit ka naman tumulong pa? Pinatulong ka ba? Hindi ba dapat ay inawat mo na lang sila? Hindi iyong nakisuntok ka pa na parang pati ikaw ay may galit doon sa kawawang senior.”

Nagkibit-balikat si Top bago tumingin sa akin. “Akala ko ho ay napuruhan itong si Bryle, eh. Kaya rumesbak na ako. Hindi na ako nagdalawang-isip pa.”

Bakit ba ganito sumagot ang isang ito? Halatang hindi pinag-iisipan! Nakakainis! Hindi manlang marunong gumalang ng maayos. Imbes na palagpasin na lang ito ni Ms. Ignacio, baka lalo lang itong mainis dahil sa kung ano-anong lumalabas sa bibig ni Top.

“You know what? Gusto kong makausap ang mga magulang niyo regarding this! We won’t tolerate any violence here at SBA. Nasa student’s manual iyan, baka hindi niyo alam.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon. Shit! Hindi puwede! Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Dad kapag nalaman niya ito? Ito pa naman ang kauna-unahang beses na dinala ako sa detention office at kailangang ipatawag ang mga magulang dahil nasangkot sa gulo. Kahit pa nasa katuwiran naman ako at hindi ako ang nauna, siguradong hindi pa rin ako ang kakampihan ni Dad. Kahit anak niya ako, iisipin niya pa rin na ako ang nagpasimula ng gulo.

“Baka ho pwedeng mag-community service na lang kami. May kasalanan din naman iyong isa, eh. Nagkataon lang na napuruhan siya. Kung hindi ho siya nangbastos ng babae, hindi naman mangyayari iyon sa kaniya. Isa pa, kung hahayaan lang natin ang ganoong case, at palalagpasin dahil lang nagantihan naman siya at naparusahan ng ibang mga estudyante, baka mas lalo lang lumakas ang loob ng iba na gumawa rin ng parehong kasalanan. Magiging kampante silang mangbastos ng babae basta lang magpabugbog kung sakali para makaiwas sa parusa ng school.”

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon