Maaga akong gumising dahil maaga rin ang call time namin sa school. Kailangan pa kasi naming gawin at i-finalize ang booth ngayon. Medyo natagalan din kaming i-gather lahat ng mga kailangang materials dahil may mga iilan kaming ni-rush. Wala naman problema dahil wala namang klase at hospital duties kaya malaya rin kaming magsaya ngayon sa loob ng campus. Nakakatamad nga lang kung iisipin, lalo pa at isang linggo kaming ganito. Although hindi na naman bago sa akin dahil nagawa na namin ito noong nakaraang taon.
I checked myself in the mirror and saw my reflection, taking in the fit I was wearing. I had on a plain white shirt and black pants, paired with white sneakers and a baseball cap. Puwede naman kaming magsuot ng kahit ano kaya hindi na ako nagsuot ng uniform. Nakakahiya naman kung sa department namin ay ako lang ang hindi naka-civilian attire.
“Bye, Pancake! See you later,” paalam ko sa kasama kong natutulog sa sofa bago tuluyang umalis.
Maaga ako ng kaunting minuto sa napag-usapang call time ng section namin dahil may usapan kami ng buong D’Beasts na sama-samang bibisita sa mga booth. Mauuna kasing itayo ang ibang booth malapit sa area nila. Kaya doon na muna namin naisipang pumunta. Hindi na nga rin ako nag-almusal dahil marami raw magbebenta ng mga pagkain. Baka hindi ako makapag-food trip kung mabubusog na ako bago pa pumasok.
Nang makarating ako sa loob ng campus ay sinipat ko kaagad ang paligid. Lahat ay busy sa pag de-decorate habang ang iba ay namamasyal para bumili ng iba’t-ibang paninda. We decided to just wait for each other near the fountain. There are different booths besides it, ayoko sanang doon muna dahil hindi naman ako bibili pero mas mabuti nang nandoon ako para makita sila kaagad.
“Hi, Bry! Bili ka na! Bagong luto lang.”
“Mamaya na lang, hinihintay ko pa sila Aki,” tipid na sagot ko sa isang kakilalang nang-alok ng kanilang paninda.
Naging ganoon ang unang sampung minuto ko habang mag-isang nakatayo malapit sa kaliwa’t-kanang mga booth. I kept texting in our group chat because I couldn’t handle being exposed here alone anymore. I feel like I’m starting to get anxious with so many people around.
“Wow! Ang daming magaganda.”
Mabilis akong napalingon sa isang pamilyar na boses. At hindi nga ako nagkamali ng hinala. It was Ford, who was looking around in amazement as if everything were new to him. He looked like a wandering kid, especially with the outfit he was wearing. He casually wore a pair of jorts with colorful socks that reached just above his ankles. What was even weirder was the shirt he was wearing with a ti”. It just didn’t sit right with me.
“Bakit ngayon ka lang? Where are the others? Kanina pa ako rito,” naiinip na tanong ko.
“Nandiyan na. Tumitingin lang ng mga tinda roon. Nauna na ako kasi mas marami raw masasarap dito. I guess they’re right,” aniya habang nagpapa-cute sa mga babaeng nagtitinda.
What the fuck?
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang mambola sa mga babaeng nasa booth. Mukhang mas mag-e-enjoy siya sa dami ng mga magagandang babaeng nakikita niya sa paligid kaysa sa tinda nilang pagkain. Well, what do we expect from him? Notorious bolero.
“Bili ka na, Ford. Gwapo ka naman!”
Sus! Hindi iyan bibili. Bolero siya pero hindi iyan nadadaan sa pambobola ng ibang tao. Lalo na kapag alam naman niyang walang halong katotohanan—
“Sige ba!”
Anak ng— Medyo makapal din talaga ang mukha ng isang ‘to.
“Ikaw din, Bry. Masarap daw ito sabi ni Jasmine,” panghihikayat pa niya sa akin at inakbayan ako. Napadungaw tuloy ako sa mismong harapan ng booth nitong sila Jasmine.
“What’s that?” I asked cluelessly.
Baka mamaya ay kung ano naman itong binibenta. Mahigpit pa naman ang meal plan ko.
“Turon iyan, Bry. Maliit na version pero masarap naman! Kita mo ang linis ng area. Wala kang dapat ipag-alala,” hindi na nakasagot ang mga nagtitinda dahil sa sales talk ni Ford na parang siya ang may-ari ng booth.
Wala na akong magawa kung hindi ang bumili ng isa para manahimik na siya. If I know, nagpapalakas lang siya sa mga babaeng nagtitinda. Ayaw ko rin namang ipahiya at sayangin ang pagporma niya. Baka mamaya ay balikan niya pa ako after ng event.
Napangiwi ako nang inabot sa akin ang turon na binili ko. Nakalagay ito sa maliit na paper plate na parang pinaglalagyan ng street food na madalas binibili ni Anikka. It looks weird, especially with all the toppings. I’ve never seen a turon with this many toppings before. I wonder why there’s cheese and mayo on it.
Ganito na ba ang uso ngayon? Turon na may cheese and mayonnaise? Kaya ba masarap daw dahil sa different combinations?
Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at kinagatan ito ng malaki. I just shrugged it off and took a big bite. I wanted to know what all the hype was about. At first, it tasted like I was just eating cheese and mayonnaise. But after another bite, I slowly realized that this wasn’t actually the usual turon made with banana.
Wait… why does this taste… spicy?
“W-What the actual fuck, Ford?” gulat kong singhal at nagmamadaling sinipat ang loob ng turon na binili ko. “What the fuck is this? It’s spicy as hell! Isn’t this supposed to be a fucking banana?!”
Ford burst into laughter as if he had won his twisted little plan. He shook his head in amusement while patting my shoulder. I didn’t give a damn because my eyes were desperately searching for something to quench the burning sensation in my throat.
“Sorry, Bry! Dynamite iyan kaya maanghang, hindi turon.”
Hindi ko na alam kung anong uunahin ko, ang sapakin si Ford o maghanap ng maiinom.
“Mamaya ka sa akin, sasaktan kita,” bulong ko at binaba ang pagkain sa maliit na patungan bago naglakad paalis. Narinig ko pa ang pagtawa niyang muli kaya lalo akong nanggalaiting batukan siya.
“Shit! Saan ba kasi may palamig?” bulong ko habang pinipunasan ang naluluha kong mata. Mababa ang spice tolerance ko kaya naman pakiramdam ko ay namumula na ako sa anghang ng turon— dynamite na iyon!
Kaunting lakad pa nang sa wakas ay may nakita na akong booth na mga pagkain ang tinda at meron silang maraming choices ng mga inumin. Papasok ang booth nila, may malawak na space at bubungan na mukhang convertible. Siguro ay lalagyan nila ito ng mga lamesa at upuan maya-maya. Lumapit ako sa counter and this time binasa ko na ang kanilang menu sa itaas para makasigurado. Kung sana ay ginawa ko rin iyon kanina, hindi sana ako naisahan ni Ford.
“Hey, isang lemonade,” pananawag ko ng atensyon sa isang estudyanteng nakatalikod sa gawi ko. He must be the student in charge because he’s wearing a black apron.
Mukhang kakabukas palang nila dahil wala pang bumibili. Although may mga nakatimpla na kaya siguro naman ay mapagbebentahan na nila ako. I badly need it to cool down my throat a little.
Nilingon ako ng estudyante sa loob ng counter at halos mapaatras ang uhaw ko nang makitang si Top iyon. He’s wearing a black T-shirt underneath his apron, and his hair is neatly combed. Maayos na maayos ang itsura niya ngayon at napaka-presentable. Malayong-malayo sa Top na mukhang palaboy sa kanto. This is unbelievable.
“Buti pumasyal ka. Kakabukas lang namin,” masayang aniya at nagsalin ng lemonade sa isang baso at inabot sa akin.
Halos manginig ako nang inabot ko iyon mula sa kamay niya. Maanghang pa rin ang buong bibig ko kaya mabilis ko iyong ininom sa harapan niya hanggang sa maubos. Hindi ko na halos napansin ang lasa nito dahil ang una kong priority ay mawala ang init sa bibig ko. All I know is that it somehow helped wash the spiciness away, leaving behind a bit of a cooling sensation in my throat.
Nang maubos ay tinapon ko na rin ang baso sa basurahan nila sa gilid at inabot ang bayad sa nakatulala at nakaawang ang bibig na si Top. Ano na naman kaya ang problema ng isang ito?
“Hoy, bayad ko.”
Tiniklop niya ang bibig niya at umiling bago binawi ang mga titig. “Huwag na. Sampung piso lang naman, ako na ang bahala”
“Hindi na! Paano kayo kikita kung hindi ka tumatanggap ng bayad?”
“Sampung piso lang naman, hindi kami malulugi riyan,” sagot niya habang nagpupunas ng counter. “Gusto mo triplehin ko pa.”
Ang kulit din talaga.
“Tanggapin mo na kasi. Aalis na ako, may pupuntahan pa kami.”
Hindi siya nagpatinag. Lumabas pa siya sa counter at lumapit sa akin habang hinuhubad ang apron. Lalo ko tuloy nakita ang suot niyang itim na T-shirt at ang jeans niyang tugma sa cowboy shoes na suot niya ngayon. Bakit parang nagmukha siyang international model sa paningin ko? Or is it because of the lemonade? Hindi kaya may gayuma iyon?
“Kanina ko pa napapansin ito simula nang pumasok ka rito,” namamaos niyang sambit. “Bakit ka namumula, ang leeg mo namumula rin.”
“Nakakain ako ng maanghang. Okay na?” tugon ko
Lumapit pa siya sa akin lalo at tuluyan na akong hindi nakagalaw. Para akong sinemento sa kinatatayuan ko. Gusto kong umatras na at umalis pero hindi ko magawa. I felt like both of my feet were glued to the floor. I couldn’t even take a step back. I just stood there in front of him, shocked and waiting to see what would happen next.
“It’s tempting me,” sunod-sunod ang kaniyang naging paghinga hanggang sa hindi ko na tuluyang makita ang mukha niya dahil sobrang lapit na niya sa kaliwang bahagi ng leeg ko.
A-Anong gagawin niya?
“Top…”
Fuck! I can’t even speak properly!
Napapikit na lang ako nang unti-unti kong maramdaman ang mainit at basa niyang labi sa leeg ko. Bumilis ang naging paghinga ko at para bang may sariling buhay ang dalawa kong kamay, pero imbes na itulak siya ay hinawakan ko lang ang tig-kabila niyang braso bilang pagsuporta sa aking pagtayo.
I unconsciously moved my face to give him further access to the left side of my neck. He’s kissing my jaw down to my neck and repeating it in a slow motion until I feel like he’s sucking my skin gently.
Fuck! I-Is he—
I snapped out of it and quickly pushed him away. Finally, the strength I had lost came rushing back to me. It should’ve returned way before that freaking thing happened. I should’ve had the strength to push him away instead of letting myself drown in that unfamiliar feeling.
This is bad. Really bad.
“I’m sorry. Hindi ko napigilan.”
Namumungay pa rin ang mga mata niya habang ako ay gulat na gulat sa nangyari. He looked at my neck and shook his head, as if he regretted doing it to me. Ngayon naman ay mukhang mas nagsisisi pa siya kaysa sa akin. This stupid bastard is somehow insulting me in the best way possible.
Ilang beses akong napalunok at tumango bago lumabas na ng booth nila. I left him without a single word. Bahala siyang mag-isip sa kung paano ko ite-take ang ginawa niya. Mabuti na lang din talaga at kabubukas pa lang nila kaya wala pang ibang tao! Paano na lang kung biglang pumasok ang mga kaklase niya? Tch.
“Why did I let him do that?”
Magkasalubong ang kilay ko habang naglalakad pabalik sa area kung nasaan ako kanina. Hindi ko maintindihan kung ano bang ikinaiinis ko sa nangyari. Dahil ba hinayaan ko siyang gawin iyon o dahil nabitin ako— what the fuck? No, I’m not. Galit ako dahil hinayaan ko siyang gawin iyon sa akin sa public place! Paano na lang kung may nakakita or worst kung may nakapag-video at i-post online. Baka expulsion na ang kasunod kong parusa nito.
Alam kong nakalayo na ako kay Top dahil natanaw ko na sila Aki kaya dali-dali akong umakto parang walang nangyari kani-kanina lang. Of course I won’t tell them what happened. No one should know about it.
“Nandito na pala si Bry! Nakahanap na iyan ng palamig—”
Napaangat ang tingin ko nang huminto si Ford sa pagsasalita at bahagyang tinagilid ang ulo para pagmasdan ako. Dahil doon ay na-conscious akong bigla. Hindi ko maintindihan ang trip niya at bakit parang mayroon siyang pilit na sinisipat. Nakakailang kahit pa wala naman akong tinatago sa suot or ayos ko. Mas dapat pa nga siyang mahiya sa suot niyang mukhang panahon pa ng Dad ko.
“A-Ano iyan, Bry?” gulat na tanong ni Tan kaya lalo akong nagtaka. Tinuturo niya ang leeg niya sa parteng kaliwa kung saan ako…
“Hayop! Bumili lang ng palamig tapos pagbalik may hickey na!”
Gulat akong napahawak sa aking leeg habang nanatiling sinisipat iyon nina Bien at Vince. Sa sobrang kaba ay hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nilalamon ng kahihiyan. I have never felt this humiliated in my life. I could feel my cheeks burning and my lips starting to dry up.
Ngumisi sa akin si Aki at inabot ang phone niyang nakabukas na ang camera. “O magsalamin ka. Tingnan mo kung saang parte ka nagpakagat.”
Tuluyan na akong natuyuan ng lalamunan nang makita ang kulay pulang marka sa kaliwang bahagi ng leeg ko. Totoo ngang may hickey. Akala ko ay gawa-gawa lang nila ang ideyang iyon, pero heto at mas malinaw pa sa sikat ng araw ang ebidensya.
Fuck! Paano ko ito ipapaliwanag sa kanila? Kagat ng lamok? Kagat ng langgam? Fuck it! Kagat ni Top!
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
Fiction GénéraleCOMPLETED // UNDER EDITING D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars Bryle Henry Sullivan has always lived in silence and order. Sa tatlong bagay lang umiikot ang mundo niya: school, varsity, and perfect grades. Love has never been part of his plans. H...
