CHAPTER 16: The Other Side

2.2K 60 10
                                        

"Sa akin ka na lang muna sumabay ngayong lunch. Doon tayo sa canteen kasama ng mga kaibigan ko."

Tumango siya at sinabayan ako sa paglalakad papuntang canteen. Hindi talaga siya nagsasalita simula pa kanina. Palagi lang siyang tumitingin-tingin sa paligid na para bang may tinataguan. I know she's just being paranoid, pero hindi ko mapigilang mag-alala. Mukhang wala na naman siya sa sarili niya. Bukod sa safety niya, nababahala rin ako na baka maapektuhan nito ang pag-aaral niya.

"Wow! Kasama mo ang girlfri-"

"Not now, Vince. Let us eat first."

Siguro'y naramdaman din nilang mabigat ang atmosphere kaya hindi na sila gaanong nang-usisa pa sa amin ni Anikka. May mga iilang biruan pa rin naman pero hindi talaga ako makasabay dahil iniisip ko kung maayos pa ba itong katabi kong hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon.

"Sorry kanina. Hindi ako makasabay sa mga biruan niyo ng mga kaibigan mo. Pakisabi sa kanila na babawi ako sa susunod," panghihingi niya ng paumanhin habang naglalakad pabalik ng aming department.

Halata talagang may problema siya dahil kung wala at normal na araw lang ito ay siguradong nag-celebrate na siya dahil sa wakas ay nakilala na niya ang mga kaibigan ko sa personal at nakasabay pang kumain. Nakakapanibago pala talaga, lalo pa at nasanay akong maingay siya.

Malapit na kaming makalagpas sa mga benches pero para bang may sariling buhay na naman itong mga mata ko. Tuwing napapadaan ako rito ay memorya na ng utak at mga mata ko kung sinong dapat hanapin.

"Bry, n-nandiyan siya..."

Napaangat ako ng tingin dahil sa bulong ni Anikka. Iginala ko kaagad ang paningin ko at tumambad sa akin ang isang lalaking medyo may kalakihan ang katawan. Sa palagay ko ay ito nga ang tinutukoy niya dahil papalapit ito sa amin at may dalang kung ano. Kayumanggi ang kulay nito at itim ang magulong buhok. Bukas din ang buong uniporme nito at may puting t-shirt na panloob.

"Bakit wala ka sa café kanina? Naroon ang mga kaklase mo, ah. By the way, I bought this for you," aniya nang tuluyang makalapit sa gawi namin. Inabot nito kay Anikka ang bulaklak na hawak niya pero hindi gumalaw si Anikka at nanatiling nasa likuran ko. Takot at umiiling. "You don't like this? Come on, tanggapin mo na. Alam kong nahihiya ka lang."

Dahil sa patuloy na pamimilit niyang iyon, doon ko napagtanto na mukhang may problema nga sa taong ito. Idagdag pang wala siyang pakialam sa presensya ko kahit pa nandito lang din ako sa harapan niya at kasama ni Anikka. His attention is focused just on her.

"Dude, can you stop? You're harassing her," I interrupted. Saka lang siya bumaling sa akin dahil doon.

"Sino ka ba? Labas ka rito, si Anikka ang kausap ko at hindi ikaw."

Magsasalita pa sana ako nang unahan ako ni Anikka. "I told you to stop! Ang sabi ko ay hindi ako nagpapaligaw! You're a creep, stop following me! Kahit saan ako magpunta ay sinusundan mo ako! Hindi ka ba nahihiya? Look at you! Hindi ako baliw para patulan ka!"

"Alam ko namang nagpapakipot ka lang. Isa pa, kaya kita sinusundan ay para masigurado kong safe-"

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang suntukin ko nang malakas ang kanang bahagi ng mukha niya. "Ang sabi niya ay huwag mo siyang sundan. Hindi ka ba marunong makaintindi?"

Mabilis na humakot ng maraming estudyante ang pangyayari. Sa isang iglap ay napalibutan kami ng mga nakikitsismis, ang iba ay may dala pang mga cellphone para lang mag-video. Gusto ko pa sanang pangalawahan ang suntok na ibinigay ko, kaya lang naramdaman ko na ang paghila sa akin ni Anikka.

"Baka sakaling matauhan ka sa suntok ko."

Ngumisi siya at hinimas ang pisngi niyang natamaan ng suntok ko. "Hindi ko alam kung bakit ka nakikialam. Hindi naman ikaw ang nililigawan ko."

DBS#3: Mending the Scars Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon