Prologue

11.8K 178 15
                                        

"Hello hon, nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay dito" ,ang sabi ni babae habang may kausap sa cellphone.

"Hintayin mo ako hon, papunta na ako diyan. Traffic kasi ngayon dito", sagot naman ng kausap ni babae sa cellphone.

Si babae ay bagong lipat ng bahay. Dalawang araw palang siya dito simula nung lumipat siya. Hinihintay niya na sunduin siya ng kanyang boyfriend dahil kakain sila sa labas, ngunit hindi pa ito dumating kaya nanood nalang muna siya ng t.v.. Ang pinanuod niya ay isang horror movie, medyo nagulat siya at natakot sa kaniyang napanood. "Haah! ano ba itong napanood ko. Nakakaawa naman iyong babae, hindi tinitigilan nung killer hanga't hindi namamatay. Nakakagulat at nakakatakot. Sa loob pa mismo ng bahay niya kinakatay siya. Sana wala din ganyan dito sa bahay ko, ang lakas tuloy ng pagtibok ng puso ko".

Patay lahat ang mga ilaw sa bahay, kaya napakadilim. Tanging liwanag lang  na nagmumula sa t.v. ang nagbibigay liwanag sa kaniyang tahanan. Sinabayan pa ng mga umuungol na aso sa labas. Naninindig ng tuluyan ang kaniyang balahibo. "Ano ba 'tong mga aso na ito? Nakakapangilabot naman". 

Nakaramdam na siya ng antok ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang panonood. Maya-maya ay bigla nalang nawala ang channel kaya pinatay niya nalang ang tv. Ngunit kahit anong pindot niya sa remote ay hindi pa rin namamatay t.v.. Kinakabahan na siya ng sobra at patingin-tingin pa siya sa kaniyang paligid. 

May narinig siyang isang yabag ng mga paa na tila ba papunta sa kaniya ang tunog na iyon. Hindi niya lang pinansin iyon. Maya-maya ay may napapansin na naman siyang isang ingay na para bang tubig na umaagos ng napakalakas. Sinundan niya ang ingay na iyon, at ang ingay na iyon ay nagmumula sa kusina. Kaya pumunta siya sa kusina at nakita niyang nakabukas ang faucet. Pinatay niya ito at may napansin siya sa kaniyang gilid. Ang refrigerator pala ay unti-unting bumukas pero wala namang taong nagbubukas at wala naman siyang ibang kasama sa bahay na iyon kundi siya lang. Pinuntahan niya ang refrigerator na iyon at isinara. Napaiyak na siya ng tuluyan dahil sa sobrang takot. Medyo nataranta na siya at kumuha ng kutsilyo. Nang biglang may kumatok sa pintuan at pinuntahan niya ito, pagkatapos binuksan. Pagbukas niya ay wala namang tao, may napansin siya na para bang may naglalakad na tao sa kaniyang likuran kaya lumingon siya ngunit wala naman pala. At dahil doon, mas lalo pa siyang natakot at kinabahan.

Tumunog bigla ang kaniyang cellphone...

(Beep..Beep..Beep)

"Hello Hon!"

"HAHAHAHA! WELCOME TO MY HOUSE OF NIGHTMARE! NAGKAKAMALI KA, HINDI MO ITO BOYFRIEND. ALAM MO BANG MATAGAL NA KITANG PINAGMAMASDAN. AT IKAW ANG KAUNA-UNAHANG LARUAN KO. KAYA BILISAN MO NA, PAPUNTAHIN MO NA ANG BOYFRIEND MO DITO BAGO KA PA ABUTIN NG ORAS. ANONG PIPILIIN MO, KALIGTASAN O KAMATAYAN? KAYA SAVE YOURSELF SA ABOT NG IYONG MAKAKAYA! KAHIT ANONG PIKIT MO PA SA IYONG MGA MATA AY MAKIKITA MO PA RIN AKO. WALA KANANG MATATAGUAN PA. MAGSASAYANG KA LANG NG ORAS SA PAGLILIGTAS SA SARILI MO! HAHAHAHA!"

Dahil takot na takot na siya at marami ng luha na tumutulo mula sa kaniyang mga mata ay dali-dali niyang pinatay ang kaniyang cellphone. Tapos may bigla na namang tumawag, ayaw na sana niyang sagutin ngunit nakita niya sa screen ng kaniyang cellphone ang name ng kanyang boyfriend at sinagot niya ito. "Ho-hon, Pu-punta ka na di-di-dito, tu-lungan mo a-ko. May i-i-bang ta-o di-dito sa ba-hay ko at ba-ba-lak a-kong pa-pa-ta-ta-yin" , mangiyakngiyak na sabi ni babae.

"Ano ba ang pinagsasabi mo hon? Huwag kang mag-alala, malapit na ako diyan"

"Bas-ta bi-bi-lisan mo na at ako'y ta-tata-kot na takot na!"

Pagkatapos nilang mag-usap sa cellphone ay biglang bumukas ng dahan-dahan ang pinto sa may sala.

(Lubdub...lubdub...lubdub...lubdub...!)

Dali-daling tumakbo si babae papuntang garahe na parang wala na sa kaniyang sarili at nang makarating siya doon, pumunta siya sa kaniyang kotse at binuksan ito. Pagkatapos umupo siya. Hinanap niya ang susi ng kotse ngunit hindi niya ito makita. May napansin siyang isang bagay sa kabilang upuan sa front seat. At isa itong remote control. lumaki ang mga mata niya dahil ang remote na iyon ay ang remote na ginamit niya kanina nung nanood siya ng tv. Kahit takot na takot na siya ay pilit niya pa rin itong nilalalabanan at nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap ng susi. Sa wakas ay nakita na niya ang susi, nasa harapan lang pala niya. Dali-dali niyang pinaandar ang kotse nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone."Oh hon?"

May napansin siya na para bang may tao sa loob ng kaniyang kotse. Dahan- dahan siyang tumingin sa salamin na nasa kaniyang harapan, malapit sa windshield. Nabigla siya dahil may nakita siyang isang lalake na duguan ang bibig, may butas sa bandang ulo, at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Hindi siya makagalaw at makapagsalita. Bigla nalang siyang sinakal nito at may dugong lumabas sa ilong, bibig, at mga mata ni babae na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Hawak niya pa rin ang kaniyang cellphone kahit wala na siyang buhay at may tao pa rin sa kabilang linya. "Hon, nandito na ako sa labas, buksan mo na ang gate"

END OF FIRST TRAGEDY...

13 YEARS LATER...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon