CHAPTER 16: Red Eyes Glowing at Her

3.4K 57 8
                                    

KATHY'S POV

Puntahan ko kaya si Melly sa kwarto niya, sobrang nag-aalala na talaga ako dun sa bata.

Ano ba naman ito, hindi ba talaga kami titigilan ng mga multong iyon.

Pati anak ko dinadamay.

Una, sinasabi ni Melly na may kaibigan daw siyang nagngangalang Ali.

Pangalawa, umakyat siya sa bubungan tapos may sinasabing tinatawag daw siya ni Ali, muntik na siyang mapahamak.

Buti nalang at nasalo siya ni George.

Tapos pangatlo, nakita siya mismo ng mga mata ni K-K na may kinakausap at si Ali na naman daw ang kausap.

Ginuhit niya pa ang mukha nung Ali na sinasabi niya.

Hindi ko na maintindihan 'tong anak ko.

Sino ba talaga iyan si Ali?

Sino ba talaga siya?!

Tapos ito namang si George, minsan ay hindi ko rin maintindihan.

Takot na takot minsan, tapos nagsisigaw pa.

Ano ba naman ang nangyayari sa inyo?

Mas mabuti pang ako mismo ang magresearch tungkol sa bahay na ito.

Nalilito na talaga ako sa totoong kwento.

Pero bago ko man iyang gawin, pupuntahan ko muna si Melly sa kaniyang kwarto.

.

.

.

SA KWARTO NI MELLY...

(Tok...!Tok...!Tok...!)

Bubuksan ko na ang pinto.

Nagbabasa siya ng libro.

Mabuti naman kung ganun.

"Melly, ano iyang binabasa mo?"

"Story book po 'to ma," 

"Ano naman ang title ng story?"

Ba't hindi ako sinasagot ng anak ko?

"Ahm, maganda ba ang story na iyan?"

"Hindi po ma."

"Bakit naman?."

"Dahil nakakalungkot ang kwento. Bigay nga po pala ito sakin ng kabigan ko"

"Sino namang kaibigan iyan?'"

"Si Ali po, si Ali ang nagbigay nitong book sakin." 

Patay!

Ayan na naman siya.

"Saan mo ba nakilala iyang si Ali?"

"Dito lang po sa bahay ma. kahousemate natin sila. Iisang room lang kami tapos iyong mga kapatid niya at ang kaniyang ina ay nagtatago. Takot na takot kasi sila sa papa ni Ali. Nananakit kasi iyong papa niya. Tapos ang room po nung papa niya ay iyong sewing room."

(Lubb...dubb...!Lubb...dubb!Lubb...dubb...!)

Teka dun sa room na iyon ginawa ni father Ambaic ang pagbabasbas.

Kaya siguro nagmamadaling umalis si Father dahil nakita niya siguro itong sinasabi ni Melly na pamilyang multo.

"Si-si-ge a-a-nak, la-la-bas na-ko at ako'y may ga-ga-ga-gawin pa sa la-bas"

Hay, ano ba naman iyong pinagsasabi ni Melly?

Ka housemate namin mga multo na iyon.

"Dito lang po sa bahay ma. kahousemate natin sila. Iisang room lang kami tapos iyong mga kapatid niya at ang kaniyang ina ay nagtatago. Takot na takot kasi sila sa papa ni Ali. Nananakit kasi iyong papa niya. Tapos ang room po nung papa niya ay iyong sewing room."

Grrrr!

"Ali, bumaba ka na diyan sa kisami. Wala na si mama"

Ali na naman.

Nagtatago lang pala sa kwarto niya iyong Ali na iyon.

Sisilipin ko kaya

Masilip nga...

Naku!

Sino iyang nakatalikod?

Bata rin eh, isang batang babae.

Mahaba ang buhok at kulay itim.

 AUTHOR"S POV

Biglang lumingon kay Kathy iyong nakatalikod na batang babae. Mahaba ang buhok at kulay itim. Nakakatakot rin ang hitsura. Kulay pula ang mga mata at wala ni puti o itim sa mata na makikita. Kamukha nung bata na nasa "The Grudge".

KATHY'S POV

I can't take this anymore.

Aalis na ako sa kwarto na 'to.

Diyos ko po!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SENSYA NA PO SA MAIKLING CHAPTER NA ITO.

WALA PO KASI AKO MASYADONG MAIISIP.

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon