AUTHOR'S POV
"Haah!...Haah!...Haah!.." (gasping)
Hindi maipaliwanag ni George ang kaniyang nararamdaman. Napakaraming pawis ang nagsilabasan mula sa kaniyang katawan at hinahabol pa niya ang kaniyang paghinga. Kagigising niya palang at tila napakasamang bangungot ang kaniyang naranasan kagabi. Pero isang bangungot lang kaya iyon?
"Hon, okey ka na ba?", tanong ni Kathy.
Hindi niya sinagot si Kathy at nanatili pa rin siyang balisa at tahimik kaya walang nagawa si Kathy kundi ang hayaan nalang siya.
.
.
.
BREAKFAST TIME...
"Ma, naasan po si papa? Ba't hindi pa po siya bumababa?", tanong ni Daniel.
"Tulog pa", sagot ni Kathy.
"Ah ganun po ba. Nagkasundo po kasi kami ni papa kahapon na maglalaro kami ng basketball ngayon kasama si Chris"
"Talaga? Kasama si Chris? Mainam naman kung ganun. Unti-unti na rin kayong nagkakasundo ng papa George niyo"
At biglang nangibabaw ang katahimikan.
.
.
.
KATHY'S POV
Ano ba ang nangyayari kay George?
Hindi ko na siya lubos maintindihan.
Kagabi pa siya.
Hindi kaya, nagpapakita na naman sa kaniya iyong mga multo dito?
Balisa siya nitong mga nagdaang araw at ayaw kong lumala pa iyon.
Minsan naiisip ko na mas mabuti pa sigurong umalis na kami dito.
Mas lalo kasing lumalala ang mga pangyayari dito.
Iyong inakala naming katahimikan ay pansamantala lang pala.
Diyos ko, gabayan niyo po kami.
Sana po ay malalampasan namin ang mga suliraning ito.
Alam ko na makakaya naming eovercome ang lahat ng ito.
Marami na nga akong nalampsan sa buhay.
Ngayon pa kaya ako susuko.
![](https://img.wattpad.com/cover/4837721-288-k433172.jpg)
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...