CHAPTER 6: At the Closet

4.8K 99 6
                                        

AUTHOR'S POV

Matapos makipag-usap si Cherry kay Daniel ay pumunta na naman siya sa ibang kwarto. Gulong-gulo ang isip ni Daniel dahil doon sa pinagsasabi ni Cherry. Ano na naman kaya ang gagawin niya sa kwarto ni Melly? Nasa isip ni Daniel na tila nagtataka. Kaya hindi na nakatiis si Daniel at sinundan niya si Cherry at tinanong. "Anong gagawin mo diyan sa kwarto ng kapatid ko?", tanong ni Daniel kay Cherry na medyo pagalit ang tonoNgunit hindi siya pinakinggan ni Cherry at nagpatuloy pa rin ito sa pagbukas nung pinto. Nang mabuksan na nito ang pinto ay kaagad itong pumasok. Dahil sa pag-alala ni Daniel ay pumasok na din siya na tila hindi nalang umiimik. Napansin ni Daniel na wala si Melissa sa kwarto niya.

"Oh nasaan ang kapatid mo?", biglang tanong ni Cherry kay Daniel.

Biglang lumitaw si Melissa sa kanilang harapan.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ni Melissa kay Cherry.

"Ooh! Ito pala ang kwarto mo Nelly", pangiti-ngiting sabi ni Cherry.

"Melly, hindi Nelly!", inis na pangongoreksyon ni Melissa sa kaniyang pangalan.

"Ooh, sorry. Wala akong pakialam sa pangalan mo!", sarkastikong sagot ni Cherry.

Inikot ni Cherry ang buong kwarto at biglang nagsalita.

"Alam niyo ba kung sino ang may-ari nitong kwarto?"

Hindi umiimik ang magkakapatid at tinitingnan lamang siya ng mga ito.

"Hahaha! Wala talaga kayong alam.", pagsasalita na naman ni Cherry.

"Ali said, you're a bad maid!", biglang nasabi ni Melissa.

"Ha! At sino naman iyan si Ali?", tanong niya kay Melissa.

Nang may napansin si Cherry na isang closet. Nilapitan niya ito ngunit hinarangan siya ni Daniel.

"Umalis ka nga diyan sa harapan ko"

"At bakit naman ako aalis? Hindi ito sa iyo kaya wala kang karapatang lumapit dito"

"At bakit sa inyo ba itong bahay na ito? Sa inyo ba ang lahat ng pag-aari dito?"

Walang nagawa si Daniel kundi ang tumigil sa pagharang kay Cherry. Kaya binuksan ni Cherry ang closet.

"Sige pumasok ka diyan kung kailan gusto mo!", galit na galit na sabi ni Daniel.

Bigla na namang nagsalita si Cherry.

"Dito sa closet na ito pinatay ang may-ari nitong kwarto"

"At bakit mo naman nasabi iyan? Paano mo nalaman ang bagay na iyan? At sa tingin mo maniniwala kami?", sabi ni Daniel.

"Ayaw niyong maniwala, pwes papatunayan ko sa inyo."

"Eh di patunayan mo!"

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon