"Kaya ayun ang buong estorya ng buhay ko at iyon ang buong katotohanan tungkol dun sa bahay na tinitirhan niyo. Naroroon pa rin ang kanilang mga kaluluwa na hindi pa natatahimik."
.
.
.
CHAPTER 26: "He is my couzin"
KATHY'S POV
"Kaya po nakikiusap ako sa inyo, tulungan niyo pong matahamik ang kaluluwa ng pamilya ko"
"Huwag kang mag-alala Leo, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin"
"Salamat. Pasensya na kayo, nagulo pa tuloy ang pamilya niyo"
"Okey lang iyon. Talagang darating sa buhay natin ang mabibigat na pagsubok. Ngayon alam ko na ang lahat at malinaw na malinaw na sakin. Salamat Leo"
Ano ba 'tong nangyayari sakin, nadala yata ako sa estorya ng buhay ni Leo.
Magkatulad kasi kami ng karanasan.
Katulad niya, may kabit rin iyong papa ko kaya nagkahiwalay sila ni mama.
At ako naman, katulad din dun sa nangyari sa mommy niya, lage akong sinasaktan ng dati kong asawa.
Relate na relate talaga ako.
Huhuhu, tumutulo bigla ang luha ko nang marinig ko 'yon.
"May problema ba.. Hmmm?"
"Ka-kathy, kathy nga pala ang name ko. Hehe, nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko kanina."
"May problema ka ba, ba't ka umiiyak?"
"Naalala ko lang ang nakaraan ko. Magkatulad kasi tayo. Iniwan din kami ng papa ko dahil may kabit din siya tapos, katulad ng mommy mo ay naging buttered wife din ako pero hindi ako naging masochist...Ahm sorry, sorry at nabanggit ko ang word na masochist, hindi ko naman intensiyon sabihin iyon para sa mommy mo"
"Hindi, okey lang iyon. Totoo naman eh. Masochist talaga ang mommy ko kaya nga lagi kong pinagsasabihan na hiwalayan na niya iyong Vince na iyon pero hindi pa rin ako pinakinggan. May sasabihin pa ako sa iyo"
"Huh? Ano iyon?"
"Isinumpa ang pamilya namin."
"Huh? Isinumpa? Sino naman ang nagbigay ng curse sa inyo?"
"My grandmother"
"Hah! Ang lola mo!"
"Oo, ang lola ko, sinuway kasi ng mommy ko si lola. Ayaw kasi ni lola na magka boyfriend si mommy kaya ayun, sumuway pa rin si mommy. Naging boyfriend niya ang daddy ko tapos ayun, nabuntis si mommy at ako ang naging bunga. Nalaman iyon ni lola kaya sinumpa niya si mommy at sinabihan na"...
"Isinusumpa ko, kahit sa libingan ko pa. Hinding-hindi ka magiging masaya sa pinili mong buhay. Magkakahiwalay din kayo ng Leo na yun. At hindi lang sa iyo 'yun mangyayari kundi sa mga anak mo rin, hanggang sa mga susunod pang angkan niyo! Isinusumpa ko iyan. Hindi kayo magiging masaya sa piling ng mga lalake!"
"At dahil dun, pinalayas din ni lola si mommy"
"Ganun din ang naranasan ng mama ko. Isinumpa din siya na hindi magiging masaya sa piling ng lalake. At ang nagsumpa sa kaniya ay ang lola ko din. Bakit ba magkapareho tayo ng karanasan sa lahat ng bagay...Pero teka, may bigla akong naalala. Nung sinabi ni mama sakin ang tungkol dun ay may iba pa siyang sinabi. Hindi lang siya ang sinumpa ni lola kundi pati rin iyong isa pa niyang kapatid. Nabuntis din kasi iyong kapatid ni mama nauna lang nabuntis iyong kapatid niya kaysa sa kaniya."
Ano nga pala pangalan nung kapatid ni mama?
Hmm?
Isip...
Isip...
Isip...
Aha! Natatandaan ko na, Louise ang pangalan nung tiyahin ko.
Parang familiar sakin iyang pangalan na iyan ha.
Ano?!
Louise din ang pangalan ng mommy ni Leo.
Nabasa ko iyon sa internet.
Pero baka naman mali iyong nakasulat dun?
"Ahm, Leo? Ano nga pala name nung mommy mo?"
"Louise"
"Ha! Louise?"
"Oo, bakit?"
Kung Louise ang pangalan ng mommy ni Leo at Louise din ang pangalan ng kapatid ni mama, eh di may possibility na magpinsan kami.
"Ahm, wala bang nabanggit ang mommy mo na may kapatid siya?"
"Meron pero hindi niya sinabi ang pangalan, hindi na nga raw sila nagkita magkapatid"
"Eh ang lola mo, anong pangalan niya?"
"Louisita"
Louisita din ang pangalan ng lola ko.
"Anong maiden's name ng mommy mo?"
"Flores"
Tumpak!
Flores din ang maiden's name ng mama ko.
Kung ganun...
"Magpinsan tayo Leo. Magpinsan tayo!!"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HAHAHA!
AKALAIN NIYO, MAGPINSAN PALA ANG DALAWA.
WHAT A SMALL WORLD
TADHANA NGA NAMAN
KAPALARAN TALAGA SIGURO NG PAMILYA NI KATHY NA DUN SILA MANIRAHAN SA BAHAY NA IYON.
EH PINSAN NIYA PALA DATING NAKATIRA DUN.
IBIG SABIHIN AY PINSAN NIYA RIN SI ALI.
KAYA PALA CLOSE SI ALI AT SI MELLY.
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
HorrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...