KINABUKASAN...
Dumating na ang priest na magbeblessing, siya si Father Ambaic. Bumiyahe pa siya mula Cavite. Si Nashra ang nagrecommend sa kaniya para magblessing sa bahay ng kaniyang kapatid.
"Kuya, sis. Siya nga pala si Father Ambaic, siya ang magbeblessing sa bahay niyo", pakilala ni Nashra.
"Good morning po Father, kinagagalak naming makilala kayo", bati ni Kathy.
"Good morning din sa iyo Mrs. Bernadas.", sagot naman ni Father.
"Salamat po sa pagpunta dito father. Alam po naming marami kayong inaasikaso pero kahit papaano ay binigay niyo pa rin ang ibang oras niyo sa amin. Salamat po talaga", sabi ni George
"Walang anuman Mr. Bernadas."
Maya-maya ay sisimulan na ni Father Ambaic ang pagbabasbas.
"Dito lang kayo sa baba at ako'y aakyat sa taas dahil doon ko sisimulan ang pagbabasbas", utos ng priest.
"Sige po Father", sang-ayon ni Kathy.
Umakyat si Father Ambaic sa hagdan hanggang sa marating niya ang ikalawang palapag. Dito niya sisimulan ang blessing. Pumasok siya sa medyo kaliitan na kwarto at doon niya inihanda ang kaniyang mga kagamitan sa pagbabasbas. Matapos niyang ihanda ang mga ito ay nagdasal muna siya...
"Panginoon, kahit anong mangyari ay kayo na po ang bahala. We ask you to bless inside this finest house. Bless all who live here. Ilayo niyo sila sa masasamang nilalang."
Sinimulan na niyang gamitin ang holy water at binuhusan ang buong kwarto. May napansin siyang kakaiba sa holy water na binuhos niya. Napansin niyang sa tuwing pumapatak ang holy water sa sahig ay umuusok ito. Buhos doon, buhos dito. Hanggang sa may nakita siyang butas sa may dingding na may takip na screen. Pinagmasdan niya iyon, para siyang may narining na tunog mula sa butas na iyon. Maya-maya, sa hindi inaasahang pangyayari ay may batang tumutawa at tumatakbo sa labas ng kwarto kung saan siya nagbabasbas. Biglang sumara ang pinto ng napakalakas. Ngunit hinayaan niya lang iyon, sa halip ay kumuha siya ng upuan para maabot niya ang butas na kanina pa niya pinagmamasdan. Medyo may kataasan kasi. Nang mailagay na niya ang upuan ay pumatong siya dito at sumilip sa butas na iyon. May narinig siyang tunog...
(Bizzzzzzzzzzz...Bizzzzzzzzzzzzzzzz...Bizzzzzzzzzzzzz)
May mga lumalabas na napakaraming bubuyog mula sa butas. Kaya ito ang dahilan ng pagkabagsak ni Father.
"Ahhhhhhh!"
Napamudmod siya sa sahig at inaalis ang mga bubuyog na nagfi-fiesta sa mukha niya.
Habang si George naman at si Kathy ay naghihintay ng kung ano man ang magiging resulta sa pagblessing ng kanilang bahay.
"Sana nga hon, maging successful ang pagblessing ni Father sa bahay natin."
"Huwag kang mag-alala sis. Kaya iyan ni Father. Basta magdasal lang tayo sa Panginoon. Hindi niya tayo hahayaang saktan ng mga demonyo", sabi ni Nashra.
Habang si father Ambaic ay patuloy pa ring inaalis ang mga bubuyog hanggang sa bumukas ang pinto at nagsilabasan ang mga ito. Nang makalabas na ang mga bubuyog ay dali-daling niligpit ni Father ang mga gamit niya at lumabas na ng kwarto. Patakbong bumaba si Father sa hagdan at lumabas na ng bahay. Hinabol siya ni Kathy.
"Sandali lang father!"
Paglabas ni Kathy ay nasa loob na ng sasakyan si father. Buti nalang at nahabol niya ang kotse. Sinirado nito ang windshield ng kotse kaya kumatok nang kumatopk siya at nakiusap.
"Father please, ano po ba ang nangyari? Please po, sabihin niyo sakin ang totoo."
Hindi siya pinakinggan ni father at umalis na ito. Mangiyak-ngiyak si Kathy habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan.
"Hon, okay lang iyan. Huwag kang mag-alala. Malalagpsan di natin 'to.", pangangalma ni George.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
NASA ABOVE PORTION IYONG PICTURE NI FATHER AMBAIC..
BINABASA MO ANG
Housemate (Completed)
TerrorMasagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malagim na pangyayari? Ano kaya ang kanilang gagawin kapag nalaman nila ang nakakatakot na katotohanan tu...