CHAPTER 36: The Escape

2.6K 43 3
                                    

"HAHAHA.,. HAWAK KO NA ANG KALULUWA NG ASAWA MO AT ALIPIN KO NA SIYA. HAHAHAHA!"

"Ano ba talagang kailangan mo samin demonyo ka?! Bakit asawa ko pa? Kaluluwa ko nalang ang kunin niyo, huwag sa asawa ko!"

Nagsalita na naman ito ngunit boses babae at nag-iba na naman ang anyo at naging babae.

"HMP! HINDI MO NA MAILILIGTAS ANG ASAWA MO. PERO BAGO PA NAMIN MAGING ALIPIN ANG ASAWA MO AY IPAPAKITA MUNA NAMIN SIYA SA'YO"

"Kailan man, hindi magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan!

Biglang nagpakita si George ngunit nakatali ito isang sa upuan.

"Hon?...Hon!"

"Kathy, iligtas mo ako. Iligtas niyo ako."

Walang ibang nagawa si kathy kundi ang umiyak. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Tila isa itong bangungot sa kaniya at ng kaniyang pamilya.

"HAHAHAHA!"

Maya-maya ay biglang lumitaw ang kaluluwa ni Ali at ang mga kapatid nito at ang ina.

"Ali?"

"Iligtas mo si George Kathy, Iligtas mo"

.

.

.

Tumingin agad si Kathy sa masamang espiritu.

"Hindi ako susuko. Hindi kayo magwawagi!"

"HAHAHAHA!"

Bigla nalang naglaho ang masamang espiritu at bumalik sa dati ang anyo ni George ngunit wala itong malay. Nahulog si George sa higaan dahil tumigil na ito sa paglutang. Dali-dali itong nilapitan ni Kathy at niyakap ng mahigpit.

"Hon, *sob*. Sa wakas bumalik ka rin sa dati"

Nawalan ng malay si George ngunit sandali lang pala ang pagiging kalmado niya dahil bigla na naman siyang nagkaroon ng malay at tumingin kay Kathy. Kakaiba ang mga mata ni George dahil nagiging kulay pula at nanlilisik ang mga ito. Bigla niyang sinakal si kathy kaya napaurong si Kathy at pilit na kumakalas mula pagkakasakal niya.

"Ho-hon, aray! A-ano bang gina-ga-wa mo? Hu-hu-wag kang mag-papa-dala sa ka-nila, ple-please luma-ban ka, *sob*"

"HAHAHA! ALIPIN KO NA ANG KALULUWA NG ASAWA MO. HINDI MO NA SIYA MABABAWI PA"

"Hi-hindi! Hi-hindi ma-ma-mangya-ya-ri i-i-iyang gusto niyo!"

"HAHAHAHA!"

Mas diniinan pa niya ang pagsakal kay Kathy kaya hindi na makahinga si Kathy at nagiging kulay asul na ang mukha nito. Nawala na ang mga dugong dumadaloy sa mukha at ang mga mata naman nito ay namumula dahil sa mga dugong naiipon.

"Bitiwan mo si mama!", sigaw ni Daniel kay George at hinila-hila pa niya si George para makawala si Kathy.

"Bitiwan mo sabi siya eh!"

"HUWAG KANG PAKIALAMERO BATA KA!"

"Daniel, umalis ka-na. Ka-ya ko na 'to. I-ligtas mo ang sa-ri-li mooo at ang mga ka-patid mo!"

"Hindi ma, hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nailigtas"

"Hu-huwag ng ma-ma-tigas ang u-u-lo Daniel!"

Housemate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon